Forum Topic

Dragon War Gaming Peripherals

  • dumaan na ako sa dalawang gaming mouse na dragonwar.

    Halos 1 year lang tumagal bawat isa. Halos araw araw rin gamit for gaming at surfing. Yung isa nasira yung mouse button at cable naman yung isa.

    Samantalang yung logitech mx518 ko 6 years na at gumagana pa din.

    Personally..kung heavy gamer ka i would suggest to buy a better branded mouse.
  • Sharing my sad experience.

    Meron din akong dragon war g7. Around a year din ata. Satisfied naman ako kaya lang nasira yung wheel. Lose and di na mafix. ginawa ko na lang scroll up and down yung 2 extra buttons.

    I bought new one same model sa market market, kaya lang pagdating sa bahay. DOA. Balik ako after 2 days, pinareplace ko. Pinatest ko, nakita ko naman na nag on. Nag click. Pag uwi ko, may problem sa click. Minsan kumakagat, minsan hindi. Di ako makadrag ng ayos, minsan bumibitaw. Gantong ganto ang experience ko pag wireless mouse. Kaya lang ang pagkabanggit, one time replace lang sila. Tama ba yun? Today is third day.
  • may NKRO ba na keyboard ang dragonwar?
  • Mga boss alin sa dalawa ang magandang speakers? Feedback naman po kung meron po sila nitong mga speakers, thanks :)

    Raider gaming
    http://dragonwar.eu/product-detail.php?id=8


    Gaming revolution speaker
    http://www.dragonwar.jp/product-detail.php?id=33
  • Hello guys any Dragonwar Atomos keyboard users here? Any feedback after using it for some time?
  • mas matibay pa pala tong tig 100 pesos na a4 tech 2 years wal padin defect
  • Dragon War Dessert Eagle 2 years na ilam beses hard press ng kapatid ko kakalaro ng dota pero still kicking pa din.
  • Hello guys kakabili ko lang kanina ng Dragonwar Aries Gaming mouse. Any good reviews about this mouse? Balak ko next month is bumili ng Dragonwar Atomos.

    -- edited by itszikeyy on Aug 17 2016, 08:17 PM
  • Bought the Dragon War Atomos 2 weeks ago and so far very satisfied ako sa quality nya. I believe this is the most affordable bnew mechanical keyboard but uses a kailh switches instead of cherry. Napaka solid ng build quality, tsaka napakabigat nya kaya hindi basta basta mmove with the help of a rubberized feets/riser. Tactile din ang feeling kapag ngttype ka and since first mech keyboard ko to, night and day talaga ang difference! Be advised lang na maingay siya kapag nag iispam ka ng skill, lalo na sa mga moba hehe. Walang Macro buttons itong Atomos which for me indi naman importante kaya ok lang. The LED colors ay fixed na pero you can set it to breathing effect tsaka brightness lang nababago. Maganda quality ng keycaps tsaka etched and lettering at mukhang hindi basta basta nabubura. Plus nlng yung cable routing management sa ilalim ng keyboard, along with multimedia controls, n-key rollover, windows lock and replaceable keycaps.

    @itszikeyy - I've bought the Atomos together with a Logitech G402 Hyperion, I bought the G402 for only 1,750 sa DB (cash discounted ng 100). I'd suggest din na mag logitech ka kung concerned ka sa reliability. AFAIK Dragon war peripherals only comes with 3 months warranty sa shop, pero logitech mga 1 year. Kung mahilig ka rin mag FPS games, maganda ang G402, makinis at madulas ang ilalim at maganda pa ang software utility na mddownload mo sa website ng Logitech.

    Edited @itszikeyy- nakabili ka na pala lol!

    -- edited by andrewdawa on Aug 22 2016, 02:24 PM
  • @andrewdawa:
    i ended up buying ttesports poseidon ZX instead with brown switch. and for the mouse, yes i'm gonna buy logitech g402. sadly, yung dragon war aries is hindi para sa akin. fingertip grip ako e need ko yung parang makurba and yung dragonwar aries is pa-flat sya. na-istress wrist ko rofl.
  • @itszikeyy

    Ang no big deal na rant ko lang sa g402 is medjo matigas ang cable. Although indi naman magiging issue kung maayos ang routing ng cable mo sa harap ng mouse. Check mo rin g502 kung mas prefer mo ng masmabigat compared sa g402, additional buttons at braided cables. Although, para sakin parang indi na worth it yung price nya and mas prefer ko magaan na mouse.
  • I know medyo outdated na 'tong thread pero baka sakaling may makasagot hehe.
    Mga paps, ask ko lang sa mga nagkaron o merong Dragonwar Aegis Wireless Gaming Headset dito. Ilang oras dapat icharge 'to? Nakakatakot lang magovercharge since sa ulo pa man din sinusuot haha.




    Sa mga gusto naman malaman yung opinions ko about this headset, so far satisfied naman ako. For a price of 1,725 sa datablitz (900pesos ko lang nabili sa friend) worth it siya kase malaking area yung sakop ng wireless, kasing laki ng area na sakop ng WiFi namin. Easy to setup rin at ang quality ng sounds are 10/10. Yung mic naman medyo mahirap paganahin kase detachable tapos kailangan pa hanapin yung sweet spot pag isasaksak. Pero 9/10 quality ng sounds na binibigay ng mic, nacacancel yun noise at maganda dating ng voice mo. Pang gaming talaga. Anyways, sana may sumagot ng tanong ko, thanks.