Forum Topic

Important: Buyer and Seller Complaints (Trading Issues between parties Only)

  • wag kasi bastang masilaw sa baba nang presyo...whole unit naman ang binili mo eh di testingin mo...sana naiwasan mo na to
  • Yes po, my bad...
  • Sana lang may magawa ang admins na mapigilan agad ang mga ganyang account upang huwag na magamit pa sa pangloloko ng iba. Opo madali lang gumawa ulit ng panibago pero at least wala na ang mga positive feedbacks na sana ay magiging basehan ng pagtitiwala ng less oriented. :(
  • Tama ka po sir Vendetta... :(
  • Dito sa topic na ito we can only offer advice and some little assistance in the hope na baka meron po tayong ibang members na maaaring kilala ang nireklamo. Pero hanggang doon na lang po magagawa namin rito. At sana rin mabasa ang mga experiences dito ng mga noobs para naman meron silang makapulutan ng aral kung sakali.
  • haaayyyzzz araw araw na lang merong na scam si ganito na scam si ganon na scam si ako dahil sa isang simpleng hinde pag test ng item na bibilhin o nabulag kasi sobrang mura. dapat talaga gawing bold letters yung scam alert or yung idea ni isuzu na ads para mabawasan man lang yung mga na iiscam.
  • kapag may negative feedback na ang message ehh sira ang items.. you got two options.. test sa place mo.. or test sa TPC headquarters.. wag na sa place nya hehehe mahirap na..
  • @cjeikat

    sayang naman ung pera mo kabayan tapos lumuwas ka pa from batangas...
  • kapag may negative feedback na ang message ehh sira ang items.. you got two options.. test sa place mo.. or test sa TPC headquarters..

    Mapagpatawad ka pa, bro.

    Kung nabasa ko iyan... IISA lang ang option ko. BACK-OUT. :)
  • @cjeikat

    Amp! At kababayan pa kita? San ka sa Tanauan sir? Sayang, kung nakilala lang kita ng mas maaga eh di sana nabigyan kita ng tips para iwas sa mga scammer.

    Sayang din yung 4.2k mo sir. Tsk tsk. Sana lang talaga eh na-test muna yung item. :(
  • @Mikaelo

    Dito lang ako sa Talaga, Sayang nga din yun pero kikitain ko pa din yun.. ang sakin lang wala na sana ulit maloko tong taong to..
  • @mikaelo

    oo nga pre.. kakabenta ko lang ng halos same setup na nabili nya last tuesday for 6K lang... kung nakita nya sana e di nagtagpo na lang sana kami sa lipa para sure na working ang makukuha nya...
  • @jayron_91

    sayang naman :( araw araw din ako nasa lipa eh..
  • @cjeikat

    Alabang ang work area ko pero umuuwi ako pag weekends, anyway kikitain mo pa rin naman ung nawala sa yo, just be careful next time.
  • @jayron_91

    thanks kababayan.
  • Singit lang po ako! Warning lang po sa may mga ebay.ph accounts..
    (Sorry dahil walang kinalaman sa tpc.. pero post ko pa rin for the other members..) ^_^

    For those people na may mga account sa EBAY.PH... Ingat lang po tayo kina \"kenshin21\" at \"\". They try to make a deal outside ebay rules.. Which is of course, hindi pwede.

    Ngayon, nagemail sa kin tong si kenshin21, supposedly interested daw xa sa mga ino-auction ko. Hingi nya details ko, at binigay rin naman yung cp number nya, w/c is: 09184567123. hmm looks fishy.. parang 09181234567.. hehe..

    Then here comes \"\" saying exactly what kenshin21 said. Pero sa ibang items naman interested.. AT the same phone number: 09184567123..

    Fishy talaga.. Mukhang scammer..

    Iwas iwas po tayo sa kanila.. ok?
    ^_^
  • Pointless po kasi sa mga ganitong kadahilanan:

    1. The CP number by itself already smells bogus.
    2. The nick can be changed from site to site.

    So unless we know exactly the full name and address of that alleged scammer.... practically useless po ang babala tungkol sa kanya rito sa topic na ito. Hehe...Siguro naman hindi siya bopols na gamitin ang exact nick na iyan rito, ano po? And even if he did.... purely coincidental kung sakali. (Incidentally, I got ONE hit pero kenshin2122 nakuha ko. And that\'s unfair naman to prejudge anybody here). Like I said... purely coincidental lamang. :)

    But yeah.... sana noted ng mga merong photographic memory naming members ang info na nilahad po ninyo rito. Thanks.

    -- edited by Vendetta on Aug 24 2007, 01:10 PM
  • ay, nakalimutan ko,,

    it\'s not kenshin21. Its \"kenshin6331\"

    tpos,

    yung may \"\" ay si \"amidamaru6331\"

    sorry..

    :p
  • @ Vendetta hehehehe.. for me is.. just give everyone a chance hehehe... not all neg feedbacks are true d ba? ^_^ .. pero ciempre kapag mas madame na ang pula sa berde.. pasyal pasyal muna
  • @ Vendetta

    So unless we know exactly the full name and address of that alleged scammer.... practically useless po ang babala tungkol sa kanya rito sa topic na ito. Hehe...Siguro naman hindi siya bopols na gamitin ang exact nick na iyan rito, ano po? And even if he did.... purely coincidental kung sakali. :)


    oo nga po no?

    sorry..

    pero I just thought na I could be of little help kapag sinabi ko..

    hehe thanks anyway.. ^_^
  • mahilig sa anime noh.. hehehe... gawa nga ako account.. picachu
  • Just the same... the nicks are meaningless unless the same are used on this site. (Which I personally doubt the scammers would resort to) :)
  • @ Vendetta hehehehe.. for me is.. just give everyone a chance hehehe... not all neg feedbacks are true d ba? ^_^

    Not when we make cross-references and check with those na nagbigay ng mga iyon sa magiging ka-deal sana natin. I always do some investigative work on my own lalo pa\'t meron lipstick ang involved.

    Kapag ako naman magkaroon ng lipstick.. I would work to have that removed muna BEFORE engaging in further deals sa site na ito. Very detrimental sa akin ang magkaroon ng ganun eh. Paalis muna bago makipag-deal para malinis ang record. :)

    -- edited by Vendetta on Aug 24 2007, 01:23 PM
  • badtrip.. nascam din ako
    ingat na lang kyo kay
    http://tipidpc.com/ratings.php?username=armani_12_07

    armani_12_07

    bumili ako ng memory(samsung 512mb ddr333) sa kanya nun wed(aug22) around 6pm yun
    nagmit kami sa metropoint di ko na natest kasi malayo naman place nya e kya sabi ko go nko sa 900 na price nya basta mit kami sa metro
    taga pandacan daw kasi sya..
    nakipagkwentuhan pa nga kya tiwala naman ako na ok ang memory nya sabi kasi natest naman nya..
    pag uwi nitesting ko agad kasi excited nga ako mag upgrade ng memory aba ayaw gumana di tumutuloy sa windows
    puro restart lang
    nilinis ko lahat na ayaw talaga...
    mga 9pm yun nagtxt ako sa kanya kc sabi may 1week testing warranty naman daw e
    sabi natest daw nya yun tinuruan ako ng gagawin
    e nagawa ko na lahat sira talaga
    sabi nya kung ayaw daw ibalik ko na lang
    kaso papunta na daw sya cavite
    txt na lang daw ako pagnakabalik na sya

    the next day sa sobrang frustrated ko ni-test ko ulit sa opis namin
    2nd chance kumbaga baka mobo compatibility lang e
    ayaw talaga same problem parin.. so sure na talaga memory ang may problem

    nagtxt ulit ako sa kanya
    nagreply.. parang sya pa galit mayabang ang dating
    eto msg
    \" d2 pa me dasma, cvte. I have an important meeting nd
    di pa ako makakaluwas.Txt n lang kita pag nsa mla n ako
    900 lang naman un.its a waste of money sa gas ko pa lang back nd fort kulang pa 900 mo.
    txt u na lang. thanks 4 consideration\"


    then kagabi kinukulit ko talaga sya panay txt ko kasi
    talagang nid ko na yung money kasi may bibilin na akong
    ibang memory at wala nko budget yun lang talaga..

    nagreply ulit
    eto exact msg
    \" im here pa sa cavite
    the truth is i spend the money sa barkada here sa
    cavite. txt kita pag nakuha yung monitor ko.
    wait lang kunti\"


    lalo ako nabadtrip
    tama bang gastusin pa di ba e sinabi ko na agad
    magrerefund ako kasi may sira ang item..

    well mukang wala talaga sya plano ibalik e...


    basta ingat na lang sa mga makikipagdeal sa taong to...
  • Hehe.... masyado yata ninyo kinulit eh. Yes, kayo ang argabiyado sa deal pero he\'s saying na nasa Cavite pa siya. If he set a date tapos hindi siya kumontak sa inyo.. then that\'s the time na sana kulitin nyo na siya. :)
  • Pathetic. Nagtiwala po kayo sa taong 6 positives at meron isang negative na ganito pa ang sinasabi back in November of 2006 lang?


    [quote]Negative Feedback from pc_master:
    bro ung mga item u lhat deffective, d k pwede mgtago dhil ngkmali k n ng binangga bro.


    I dunno kung meron pa magagawang paraan sa kaso po ninyo. You trusted too much kasi mukhang nabulagan kayo sa kamurahan ng kanyang setup just like what usually happens sa mga bargain items dito sa TPC.
    [/quote]
    sa negative pa lang talagang dapat di ka na nahulog sa kanyang bitag...may warning na eh...tapos yung mga positive nya mukhang di rin reliable... tsk tsk tsk!
  • @mackie
    wait mo na lang bro baka naman di ka tatakbuhan nyan kasi 900 lang naman yun... ^_^
  • Again... hindi po mangyayari ang mga ganyang experiences kung ito lang ang laging nasa isipan ng LAHAT:

    \"TEST! TEST! TEST!\" (Before you pay for the items)
  • TEST TEST TEST!!!

    ahihihihih!
  • ano pong gagawin dito? napansin ko lng kasi di sya nagpost ng feedback e, ibig sabihn guilty sya

    Not necessarily guilty, sir. Hindi lang siya gaganti agad kasi nga po maaaring magpalitan sila ng lipstick. Hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng binigyan ng negative. For all we know.... he is trying to settle the problem at baka misunderstanding lamang po iyon.

    Hindi komo hindi na gumanti eh guilty na. Ayaw lang palakihin ang problema na maaari naman madaan sa diplomasya. Sa kanyang 99 positives.... we can see na he\'s being sensible and using logic rather than his emotions.

    Yan ang TPC seller at veteran sa site na ito. Meron pong pinagkatandaan rito sa atin. :)

    -- edited by Vendetta on Aug 24 2007, 09:02 PM