Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • ^darating din tayo diyan. toyota took only around 30 years to establish itself here. pag madami na sasakyan ng brand sa kalye, dadami na din spare parts. malay mo after 30 years madami na din taxi na geely. be patient lang. hehe.
  • yep hyundai ganyan dati ngayon kahit sa lazada meron na nabibili XD
  • Sa Toyota kaya marami parts available dahil shared parts with old and new models. Dumagdag pa riyan yung pagkakaroon ng planta kaya mas naging accessible at madali magmaintain.
  • Need na palitan yung goma ng Altis ko, anong suggestion nyo na Low Road Noise na goma? Currently using Bridgestone Ecopia naiingayan ako sa road noise. Gusto ko sana yung tahimik lang manakbo dahil napaka tahimik makina ni Altis puro road noise maririnig mo talaga so need ko ng quiet tires.
  • binenta ko na Honda City Exi ko bentang olats ahahaha 37k lampas 40k na ginastos ko dun =(

    di ko na kasi nagagamit at sa pamangkin ko naman binenta. walang aircon at bulutong problem.

    accent crdi na kasi daily driver ko. sana di nya i buy and sell, LOL
  • May marerecommend kayo na quality leather seat cover maker for Montero Gen 2? Initially nag inquire ako kay Seat***, quoted for 9.8K.

    Oks naman kay misis ang presyo hehe pero baka lang may mas okay na option pa aside kay Seat****.

    Thanks!

    -- edited by oonaakona on Mar 17 2024, 10:06 PM
  • ^sa seatmate ka na lang bro. subok na sila sa looks/fit & quality, dun ako nagpagawa ng seat cover ng hilux ko.
    mandaluyong branch ako nagpagawa.

    edit:

    tho famous rin si leder inertia

    -- edited by statix on Mar 17 2024, 10:10 PM
  • ^Actually seatmate din ako nag inquire, naka **** lang hehe pero will check leder inertia na din for comparative purposes. Salamat!
  • @Montero Gen 2 Owners

    Currently naka Delo Gold ako and plano ko mag palit to Amsoil. May dapat ba ako iconsider bago bumalik sa 5w-30? Delo Gold na ginagamit ko simula nung nag 100K+ na Gen 2 namin. Or marerecommend nyo mag stick na lang ako sa Delo Gold?
  • ^ok naman ang multigrade oils kung on time/regular ka naman mag-change oil paps.

    May dapat ba ako iconsider bago bumalik sa 5w-30?


    from mineral/multi grade switching to synthetic? wala naman, basta tama lang ang API rating and viscosity.
  • From synthetic to multi grade to synthetic na nga nangyari hehe laki din pala ng price difference if mag switch ako to Amsoil now. Iniisip ko since mag papalit na din naman ako ng timing belt 13K kms from now, wait ko na lang para fresh start kung baga hehe
  • From synthetic to multi grade to synthetic na nga nangyari hehe laki din pala ng price difference if mag switch ako to Amsoil now. Iniisip ko since mag papalit na din naman ako ng timing belt 13K kms from now, wait ko na lang para fresh start kung baga hehe


    Yayamanin hahaha
  • Hahahaha gulpi sa byahe lately yung sasakyan kaya medyo didiin ng konti sa PMS
  • ^Tama naman bro wag masyado tipirin sa maintenance mas tatagal ang sasakyan and less hassle. So okay pala talaga Amsoil dami nagrerecommend nyan pero ako kasi sa casa pa din PMS parang nagsi-shred ng pera haha no choice unless willing ako give up remaining warranty.
  • Tapos partneran na din yung Amsoil ng Wix, Purolator or equivalent. Try ko din grumaduate sa Vic oil filter pansamantagal

    sa casa pa din PMS parang nagsi-shred ng pera haha


    Toyota Grandia ng in-laws ko till now casa PMS pa din. 120K na ata tapos kada visit for PMS nasa 30Kish na din ata binabayad nila haha
  • Toyota Grandia ng in-laws ko till now casa PMS pa din. 120K na ata tapos kada visit for PMS nasa 30Kish na din ata binabayad nila haha


    hindi sa nagtitipid or nagkukuripot, pero parang ako ang nanghihinayang sa ginagastos nila for a simple PMS haha
  • Bahala na sa next PMS sched this July kung casa pa din ako hehe okay naman kaso medyo pricey lang talaga. Nun last ko nun January almost 10k may pinatanggal pa ako na yung fuel drier service almost 2k din yun pati VAT e mababa naman yung mileage ko nasa 5.6k pa lang for a 15k kms PMS.
  • ^ok lang naman yan kung warranty ang concern sa casa PMS. and yes, i-disregard na lang yun mga kung ano-anong inaalok ng service advisors na hindi naman talaga kailangan. kung tipong harrased ka na sa pangungulit, "kung ano yun nasa manual yun ang susundin natin." indicated naman lahat yan sa manual kung ano ang i-inspect/replace for a certain mileage.
  • hindi sa nagtitipid or nagkukuripot, pero parang ako ang nanghihinayang sa ginagastos nila for a simple PMS haha


    Di ko din maconvince ilabas sa casa kasi dun na din sila comfortable hehe kahit yung nag da-drive sa kanila nanghihinayang din hehe pero sulit naman kasi pag pasok ng casa let say today, next year naman na babalik for PMS haha

    tho famous rin si leder inertia


    Nakapag pa quote na ako, 10,800 yung seat cover. Mahal ng 1K compared kay seatmate. Lamang pa ni Seatmate may ready stock kaya pupunta na lang talaga.
  • Nakapag pa quote na ako, 10,800 yung seat cover. Mahal ng 1K compared kay seatmate. Lamang pa ni Seatmate may ready stock kaya pupunta na lang talaga.


    hassle yun babalik ka pa for installation.
    wayback nung nagpagawa ako, nagkataon na wala pa silang pattern ng ride ko kaya sinukatan pa ng pattern then balik after 1 week. worth the wait and going back para sa installation tho.
  • Tanong ko lang hanggang pang-ilang taon kayo kumukuha ng comprehensive? Hindi ko na kasi matandaan nun si erpats kung religiously taon-taon nagrerenew sya ng comprehensive or kung what year na ng sasakyan sya tumitigil hehe.

    I know its not a requirement naman kahit CTPL lang sapat na as per law pero curious lang sa common practice when it comes to comprehensive insurance. Thanks.

    -- edited by ccl2003 on Mar 24 2024, 11:33 PM
  • Tanong ko lang hanggang pang-ilang taon kayo kumukuha ng comprehensive? Hindi ko na kasi matandaan nun si erpats kung reliosgiously taon-taon nagrerenew sya ng comprehensive or kung what year na ng sasakyan sya tumitigil hehe.


    Yung 2014 Fortuner ko, until now naka-comprehensive pa din. Sa dami kasi ng mga kamote sa daan. Important din kasi sakin yung AON or if incase macarnap. Siguro kung madami pera na pambili ng oto pwede ng hindi hehe
  • ccl2003 Send Message View User Items on 25 Mar 24 @ 02:16 PM #

    Tanong ko lang hanggang pang-ilang taon kayo kumukuha ng comprehensive? Hindi ko na kasi matandaan nun si erpats kung religiously taon-taon nagrerenew sya ng comprehensive or kung what year na ng sasakyan sya tumitigil hehe.

    I know its not a requirement naman kahit CTPL lang sapat na as per law pero curious lang sa common practice when it comes to comprehensive insurance. Thanks.

    not sure if this is a rule for all car insurance companies, pero at least for 2 companies, di na nila inaalow renewal ng 2009 honda ko for comprehensive. naka compre yan since day 1, ngayon lang di inallow due to model year daw.
  • @ssi_markd and tatlolagi

    Salamat sa input nyo.
  • Toyota Grandia ng in-laws ko till now casa PMS pa din. 120K na ata tapos kada visit for PMS nasa 30Kish na din ata binabayad nila haha


    ^ok lang naman yan kung warranty ang concern sa casa PMS. and yes, i-disregard na lang yun mga kung ano-anong inaalok ng service advisors na hindi naman talaga kailangan. kung tipong harrased ka na sa pangungulit, "kung ano yun nasa manual yun ang susundin natin." indicated naman lahat yan sa manual kung ano ang i-inspect/replace for a certain mileage.


    Maintaining nalang ng value ang inaalagaan. Meron kasing pinanghahawakan na inalagaan yung oto. Nakarecord din sa casa kung kailangan hingin for proof. Out of warranty na yung oto (3 year warranty/100k km). Nasa 120k km na kaya may fluids ulit na mahal kailangan palitan. Tama na meron dyan items na pwede idisregard na alok ng SA. Nasa owner’s manual din kung ano mga papalitan.
  • Post deleted #12462550
  • ako never nag pa pms sa casa lol 4 years later wala kahit anong sira naman sasakyan ko.

    bili lang ng amsoil, aem and k&n filters then pay labor sa shop.