>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

**E-Cigarette (Electronic Cigarette)

  • re: BM, may nagpost daw sa group at nagtatanong kung legit ang isang item na binebenta nya..3 beses daw nadelete ung post..


    1. sino kaya nagsabi, how reliable?
    2. bakit kaya nadedelete? baka naman nakalagay na nga sa advertisement na "1:1" or "clone" tapos tanong pa ng tanong kung legit. madalas ako tumambay sa fb group kaya nakikita ko yung mga makukulit at sadyang nangungulit lang. meron pa nakalagay na nga "SOLD" katabi mismmo ng pangalan nung item, tapos magtatanong pa kung available.hehe.

    no offense...

    At any rate, sasabihin naman ni BM kung legit or not. at halata naman sa presyo. maayos magbenta yun. iisa palang ang alam kong shop na nagclaim na legit binebenta tapos fake pala. yun yung pinost ko dito dati.

    ang pinkamalupit kay BM is yung "BM guaranty" ipakita mo lang yung link ng pinakamurang price ng seller na makita mo, tatapatan nya price.hehe.cool diba.

    minsan nadale sya. hehe, maynagpakita ng seller na 600l ang pair ng smurfs, tinapat nya. hehe. tapos nalaman later fake pala yung tinitindang smurfs na 600. hehe!
  • Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa number of loops vs diameter of coils. May mga nakikita kasi akong build na grabe dual coil 8-10 loops per coil, hindi naman micro, dual battery full mech mod lang naman pero pag finire para kang nagwisik ng tubig sa kumukulong mantika.

    Samantalang sakin, 4 loops dual coil lang ang maximum ng dual smurff full mech ko. Pag dumami sa 5 loops ang ginawa ko pahina ng pahina ang usok and flavor.
  • Try mo gumamit ng mas makapal na wires for lower resistance para makagawa ka ng build na mas madaming loops.
  • @netshark

    Baligtad pala intindi ko, ang akala ko kasi mentras mas manipis ang wire e dapat mas dadamihan ang loops kasi mas madaling uminit ang manipis vs makapal. Try ko to, thanks boss. Mas maganda daw kasi kung madaming loops para mas malawak ang surface area = more juice burned = more vapor.

    Update: Kakatapos ko lang maghalungkat sa internet and oo nga, the thicker the wire mas mabilis uminit, kailangan nga lang hanapan ng balanseng number of loops kasi pag umover sa dami babagal naman yung heating time.

    -- edited by mutzie on Jul 30 2015, 05:05 AM
  • bwishyit, yung sagot ko kagabi kay mutzie di pala pumasok.....


    hehe. Napapaisip nga rin ako sa ibang vaper, yung tippong pgpindot nila ng fire button ang ingay nung atty na parang may nagbukas ng tangke ng gas. ano kaya ang ohm nung mga yun. hehe. sakin naman curiousity lang....sa build kong .1ohm mga ilang hipak lang naman ako. regular vape ko is .3ohm sa fullmech with smurfs.
  • ang pinkamalupit kay BM is yung "BM guaranty" ipakita mo lang yung link ng pinakamurang price ng seller na makita mo, tatapatan nya price.hehe.cool diba.


    di ko alam ito ah. sayang. nakabili ako last time kay BM.

    nabili ko na juice low nic. mukang zero nic talaga ko.
  • 1. sino kaya nagsabi, how reliable?
    2. bakit kaya nadedelete? baka naman nakalagay na nga sa advertisement na "1:1" or "clone" tapos tanong pa ng tanong kung legit. madalas ako tumambay sa fb group kaya nakikita ko yung mga makukulit at sadyang nangungulit lang. meron pa nakalagay na nga


    hindi ko nakita ung mismong post nung nagtatanong..rant nalang sa ibang group ko nakita..mutation x s ata ung tinatanong nya..may mga seller kasi na legit ung benta kaya nya siguro natanong..ang tanong lang nya is kung meron nung qr code or ung scratch code sa likod ng box para maverify kung legit

    Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa number of loops vs diameter of coils. May mga nakikita kasi akong build na grabe dual coil 8-10 loops per coil, hindi naman micro, dual battery full mech mod lang naman pero pag finire para kang nagwisik ng tubig sa kumukulong mantika.

    Samantalang sakin, 4 loops dual coil lang ang maximum ng dual smurff full mech ko. Pag dumami sa 5 loops ang ginawa ko pahina ng pahina ang usok and flavor.


    ilang mm ba ung wires mo?mas makapal mas mataas resistance,lesser loops lower ohms = more vapor

    nasa wicking din kahit papaano..konti nalang ung dagdag ng mod at atty mo..

    hehe. Napapaisip nga rin ako sa ibang vaper, yung tippong pgpindot nila ng fire button ang ingay nung atty na parang may nagbukas ng tangke ng gas. ano kaya ang ohm nung mga yun. hehe. sakin naman curiousity lang....sa build kong .1ohm mga ilang hipak lang naman ako. regular vape ko is .3ohm sa fullmech with smurfs.


    depende sa wires..magkakaiba kasi resistance ng wires kahit pa sabihin na same lang ng ohms..

    SS>nichrome>kanthal

    sa pagkakaintindi ko,yan ang ranking ng wires from least resistance to highest

    kung nasanay ka na sa normal na micro coils,try mo magexperiment..sobrang dami ng mga naiimbento na coil builds..nood nalang sa youtube..

    so far ang natry ko pa lang is micro coils,twisted coils at parallel coils..abang pa ko magkaroon ng stocks ng omega n90 wires..vapor/flavor pa rin daw kahit sobrang lakas
  • Dumaan ako kay BM, bumili ng icloud mango cheesecake. May stock pa siya ng subox pero di pa ko bumili. Kulang dala ko. Di pa din ako sobrang desisidido kung kukuha. Hehe.
  • nagbackread ako ng ilang pages. nakakuha ng tips sa juice.
    kala ko yung halohalo kay BM eh juice na hinalo halo nya. amppff. yunna lang sana binili ko. hahaha.
    di ko alam kung tobacco, pastry o fruity trip ko. hirap lang kapag tank gamit di pede magpalit palit at tikim tikim ng juice.
    hunt for RDA ako ngayon.
  • akoposilester Send Message View User Items on July 30, 2015 07:27 PM
    nagbackread ako ng ilang pages. nakakuha ng tips sa juice.
    kala ko yung halohalo kay BM eh juice na hinalo halo nya. amppff. yunna lang sana binili ko. hahaha.



    Brad naman, umiinom ako ng kape, muntik matapon sa tawa. Hehe. Pero isa pa rin yung iclouds halohalo sa flavor na di pwedeng maubos sakin. U

    Dietrich,
    Di ko alam yung issue na yun...

    To be fair sa ibang sellers meron pang mala bm din or minsan mas mura pa nga kay bm, malayo nga lang sakin. Yung isa yung sandwraith trading sa shaw pasig at yung rhein Ecigarette ata sa bulacan naman. Maganda . rin may mga ganyan competition kasi beneficial satin, pamurahan sila.


    Netshark,
    Ang mga issue ko sa subox is yung paint na nagchichip, no adjustable 510 pin, yung button masyado maliit, mejo masakit yung button edges padchain vape. Pero other than it's still a fantastic setup. Napakaliit nya yet can give 50watts. Just sharing a few thoughts to help u decide.


    Sarap mag vape!

    -- edited by bluet0ps on Jul 30 2015, 10:12 PM
  • ilang mm ba ung wires mo?mas makapal mas mataas resistance,lesser loops lower ohms = more vapor

    nasa wicking din kahit papaano..konti nalang ung dagdag ng mod at atty mo..


    @Dietrich

    .50 nichrome yung gamit ko paps, at best guess e 1.2mm yung taba ng screwdriver na gamit ko as guide using 3 and a half loops sa dual coil.

    Tinangay ko lang kasi sa isang bahay namin yung isang pirasong screwdriver na yun, yun yung mga galing sa isang box set na magaspang yung hawakan at may umiikot na ulo sa dulo.
  • nagbackread ako ng ilang pages. nakakuha ng tips sa juice.
    kala ko yung halohalo kay BM eh juice na hinalo halo nya. amppff. yunna lang sana binili ko. hahaha.
    di ko alam kung tobacco, pastry o fruity trip ko. hirap lang kapag tank gamit di pede magpalit palit at tikim tikim ng juice.
    hunt for RDA ako ngayon.


    sarap ng halo halo..nung una naweirduhan ako sa lasa pero pag tagal naging favorite na..tikim lang ng tikim..ako walang specific na juice na hinahanap,basta mukhang masarap ung description,bibili ako..pag nasarapan lista sa rotation tuwing magsstock..

    To be fair sa ibang sellers meron pang mala bm din or minsan mas mura pa nga kay bm, malayo nga lang sakin. Yung isa yung sandwraith trading sa shaw pasig at yung rhein Ecigarette ata sa bulacan naman. Maganda . rin may mga ganyan competition kasi beneficial satin, pamurahan sila.




    yang 3 nga na yan ang nagpapamurahan ng presyo..

    .50 nichrome yung gamit ko paps, at best guess e 1.2mm yung taba ng screwdriver na gamit ko as guide using 3 and a half loops sa dual coil.

    Tinangay ko lang kasi sa isang bahay namin yung isang pirasong screwdriver na yun, yun yung mga galing sa isang box set na magaspang yung hawakan at may umiikot na ulo sa dulo.


    sobrang liit naman pala ng guide mo..normal na ginagamit is 2.4mm o 3mm..hanap nalang nung isang set ng precision screws..meron ata sa daiso,88 petot lang..

    pag natry mo na sa 2.4mm o 3mm lalakas na yang build mo..pero start ka muna sa 5 loops sa 3mm guide..
  • eto tinry ko, 0.1 ohm ang basa sa xpro m80 pero .08 ang basa sa evic vt. mukang mas accurate basa ng evic.
    gamit ko twisted nichrome .6mm, 3mm diameter, 5 loops. matagal ko na gamit yang ganyang setup pero 7loops, pero dahil sa discussion natin sinubukan kong 5loops. eto result:

    External Image

    External Image

    External Image


    mod is dos equis retoke, batt is efest 2800mah 35A

Who's Online

422 active users within the last minute, 209 members, 213 guests.
Our newest member is chrszhyren28
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys