User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Car Mechanics (Got car problems? We're here)

  • First:
    maganda nyan pagkaisahan nyo hehehe



    Second:
    eto pa pala naisip ko, next time mag park, baka pde tumawag ng wrecker.


    Third:
    isang kaha ng Lucky Strike = may kakilala ako who will inflict any kind of damage to person or property for 1 pack of Lucky Strike. :-)
    Kontakin kita hehe..

    Pag nagmatigas pa din eto na gagawin ko...tnx sa mga ka TPC..

    Naway wala kayo kapitbahay na ganito..:)
  • Pag nagmatigas pa din eto na gagawin ko...tnx sa mga ka TPC..


    basang tissue.. marami at kumpol

    pasok mo sa kaloob looban ng tambutso, yung hindi makikita at mabo-block talaga

    pag natuyo titigas at blocked tambutso.. hindi pa malalaman agad kung ano naging problema ng sasakyan
  • Mga sir love you enemies po.
  • mark_c on May 25, 2013 02:27 PM
    Mga sir love you enemies po.


    sure thing :-) , pero kung halimbawa may emergency sa bahay, example nahulog sa hagdan yung anak mo dumugo ang ulo kelangan mo dalhin sa ospital tapos nakaharang yung bwiset na kapitbahay mo sa driveway mo tapos hindi mo mahagilap kung nasaan.
  • ganyan talaga parking situation sa mga urban areas. . .
    samin puro bakante mga lote
  • sure thing :-) , pero kung halimbawa may emergency sa bahay, example nahulog sa hagdan yung anak mo dumugo ang ulo kelangan mo dalhin sa ospital tapos nakaharang yung bwiset na kapitbahay mo sa driveway mo tapos hindi mo mahagilap kung nasaan.


    Sabihan mo ng directa sir, pag naka park sa place nyo. Explain mo kung bakit at ung situation nyo. Pag ayaw making at ayaw sumonod. Mag warning ka muna. Pag ayaw pa ren. Murahin mo na. Tapos nun mag ready ka na sa mga susunod na pangyayare. Sabihin mo na lang ang tigas kase ng ulo nya.

    Mga sir, madali lang po ba mag apply ng masilya sa kotse? Ano po ang first step? balak ko kase, DIY ko na lang yung auto ko sa pag masilya sa mga dents.
  • may alam ba kayong bilihin ng tools lang neto

    pantanggal lang ng turnilyo

    naghahanap kasi ako, yung pangtanggal lang..External Image


    wala kasi sa mga suking auto shops....
  • HELP..
    bat parang nadidis-charge battery ko pag gabi ko ginamit yung oto. naghahard starting sya kunyari nag stop over.
    pero pag start ko sa umaga 1 click naman. pag sa umaga ko sya ginagamit kahit maghapon wla syang prob.pansin
    ko rin pag naka a/c, headlight saka stereo stereo sobrang bumababa rpm ko, from 900 bumababa sya ng
    400-500.

    advise naman kung ano possible prob ng oto ko saka kung ano dapat gawin.. thanks


    Either mahina or luma na battery or mahina charging alternator.

    Pa check battery mo ng load test sa tindahan ng battery. Kung malakas pa battery pa check na yun Alternator baka di na gumagana voltage regulator ic.


    Based on the description, I would assume the battery is still working fine since bad or defective batteries would not hold charge long so if you say that in the morning it starts up fine then the battery is not defective. It would like like the problem is with your alternator either has low charging or not charging at all.

    You can also test it yourself if you have a voltmeter. Put it across your battery and test the voltage. A good battery usually gives a 12.5V DC when unloaded. Anything below 11.5V and you won't be able to start. With the voltmeter still connected, start the engine and check the voltage again. It should register anywhere above 12.5V to 13.5V or even 14V depending on the alternator. Hyundai's usually gets around 14 to 14.2V. Toyota gets around 13.1 to 13.5V. Any reading lower than your unloaded battery voltage means your alternator is not charging. You can even try to open AC max, headlights, radio etc and check the voltage reading again. It shouldn't drop below 12.5V otherwise this would mean your battery is discharging through the load and the alternator isn't doing its job.


    ^ up ko lang to...

    galing sa cold start 1 click lang start na sya (i assume ok pa battery). tinanggal ko battery plug while running di naman namatay engine(tingin ko ok din alternator). ano pa kaya posibleng panggalingan ng ganitong prob?

    -- edited by byerecca on May 25 2013, 04:46 PM

    -- edited by byerecca on May 25 2013, 04:47 PM
  • mga masters, ok na oto ko sa wakas.

    ang reason? nawala sa timing. nagtataka lang kami bakit parang tumalon eh naka-timing chain naman engine ko. kaya pala di talaga mapaandar. tinanggal ang timing chain at itinama ang timing. parang ganon pagkakaintindi ko. ok na ok na ngayon.
  • @jopaks
    same tayo ng problem dati, tinaas ng mekaniko mo malamang ang idle wthout AC, kasi hindi gumagana idleup mo, para kapag nag AC ka eh baba ang rpm pero hindi mamatay makina, problema dyan malakas sa gas. pacheck mo muna if gumagana pa yung idle up device mo, hindi ko alam tawag pero yun yung nasa pic mo with two tubes, possible na hindi siya natritriger once mag kick in ang compressor, baka wiring, or baka barado vacuum tubes.

    @hobie12
    kuha ka brake fluid, ibuhos mo patago sa hood or kahit saan mo trip na masira ang pintura. you're welcome :)

    -- edited by piLio on May 25 2013, 05:57 PM
  • @jopaks

    yung AC idleup adjustment screw, madalas nasa kabilang side ng regular idle-up. regular idleup malapit sa throttle cable. sa carburetor to ah.
    now if IACV, alam ko walang way to adjust idleup, ECU nagdedecide.
  • @sepsep2

    malabo na may mahahanap ka ng "flower" especial adaptor para sa lug nuts mo unless bumili ng isang buong set na bago. hanap ka na lang ng kakilala kung sino meron para matanggal yung lug nuts mo. Pag wala kang nahanap bumili ka na lang ng regular na lug nuts then punta ka sa vulcanizing shop. Pupukpukin nila yang flower lug nuts mo para pumihit, lumuwag at matanggal. saka ka mo ngayon palitan ng regular na lug nuts na nabili mo.
  • @hobie

    may kapitbahay ako na ganyan. abogado pa man din. one time nabangga nun asawa nya yun kotse ko habang nagpapark sya. hinihintay ko lumapit sa akin para sabihin na nasabitan nya kasi kitang kita ko naman nasabitan nya eh. aba di man lang nag abala. ang ginawa ko nun madaling araw kumuha ako ng maliit na yero. ginuhit ko sa sasakyan nya simula harap hanggang likod. simula nun di na nya pinark sasakyan nya malapit sa amin. yun kapitbahay ko na yun walang kasundo sa lugar namin. may time na idino-double park nya ang sasakyan nya tapos pupunta sa presidente ng subdivision namin (knowing na yun presidente ang pupuntahan pag may nagreklamo) para sabihin na pag nagpapahinga sya eh di sya pwede abalahin. may isang beses pa na nagtry sya magbenta ng mga lumang damit. nagdouble park ulit sya kasi dun nya nilagay sa sasakyan nila yun paninda nya damit. may sasakyan din kasi ang katapat nila na bahay. dalawa sasakyan nila pero wala silang garahe. may time na pinuntahan na sila ng barangay. ganon kabalasubas yun pamilya na yun. kaya sigurado kawawa mga yun pag nangailangan ng tulong.

    di ko naman gawain pero talagang napilitan ako gawin dahil sa inis.

    -- edited by it_online on May 25 2013, 06:11 PM


  • sojourn75 Send Message View User Items on May 25, 2013 05:39 PM
    @sepsep2

    malabo na may mahahanap ka ng "flower" especial adaptor para sa lug nuts mo unless bumili ng isang buong set na bago. hanap ka na lang ng kakilala kung sino meron para matanggal yung lug nuts mo. Pag wala kang nahanap bumili ka na lang ng regular na lug nuts then punta ka sa vulcanizing shop. Pupukpukin nila yang flower lug nuts mo para pumihit, lumuwag at matanggal. saka ka mo ngayon palitan ng regular na lug nuts na nabili mo.


    External Image


    may any name pa beside racing wheel screw at size?



    oo nga per set kasi ang bentahan nila...
  • @piLio

    yun nga sir sinunod ko yung advice ni circuit1234 na alis connector then balik, pg alis ko huminga ng 800 to 700 rpm tapos pagbalik ko balik sa 900 stable, ngayun naman ang weird napansin ko pag wala aircon rpm dati 1200 ngyun nasa 1150 na lang, pag on aircon baba ng 900 tapos dahan dahan aakyat ng 1000 hanggang magstable na siya tapos baba naman to 950. yung iacv malinis na at throttle body pede na nga ako manalamin sa linis.hehehe, gusto ko nga palitan mga vacuum hose kasi base sa picture yung nasa kaliwa, parang ordinary hose lang sa tubig tapos naka dikit na parang may silicon para di mabunot yung hose dun sa tube na may epoxy, tinagka ko ikutin ng ikutin, wala naman nangyayari sa rpm.TIA

    sana ma isolate ko na to problema ko makita ko na culprit, sumasakit na ulo ko sa kakaisip dito.hehehe

    @circuit1234

    Sir ano ibig sabihn nung pag alis ko connector eh huminga yung rpm, tapos pagbalik ko nag normal ulit.TIA
  • Mga boss patulong po. San bang shop sa qc mura magpamaintenance ng timing belt & tensioner ng honda civic?

    -- edited by pogs2000 on May 26 2013, 04:04 AM
  • haaaaaaay! yung revo namin 1.8 gas, parang delayed ang hatak. napapansin ko pa na pag high rpm(third gear) na parang humahagikhik yung makina. ano kaya problem neto? not sure kasi kung clutch disc ba baka pudpod na yun oh ano. may hatak pa din naman kaso delayed talaga. babad na paa ko sa pedal, after mga 1 to 2 secs. saka ko lang mararamdaman yung hatak.:(
  • Mga boss patulong po. San bang shop sa qc mura magpamaintenance ng timing belt & tensioner ng honda civic?


    Up
  • mga bossing:

    Model: Honda ESI 94' Model

    1. Ano ba ang maganda/okay na compressor replacement dito? How much ang average price nya? Advisable ba ang surplus? (kasi kung nagpaayos ako ng bearing at sinabi na malaki na sira ng mekaniko at least alam ko ipapalit)..

    2. Pag nagpaayos ba ng compressor - ano ang ibang nililinis or inaayos?

    Gotta have my car checked...
  • Masters magkano po inaabot ang wheel allignment? TIA
  • richman on May 26, 2013 09:28 AM - USER IS ONLINE
    Masters magkano po inaabot ang wheel allignment? TIA


    depende sa shop. 250 lang sa Zafra motors.
  • 1. Ano ba ang maganda/okay na compressor replacement dito? How much ang average price nya? Advisable ba ang surplus? (kasi kung nagpaayos ako ng bearing at sinabi na malaki na sira ng mekaniko at least alam ko ipapalit)..

    sabi nila mas maganda pa daw surplus Denso brand kaysa sa brand new Sanden.... mga 3k plus ang Denso surplus.
    450php bili ko dati para sa Denso compressor
    2. Pag nagpaayos ba ng compressor - ano ang ibang nililinis or inaayos?

    bearing, shaft seal, clutch
  • thanks rgscom6!

    mura ng denso compressor na nabili mo. hehehe
  • @jopaks2000

    @circuit1234

    Sir ano ibig sabihn nung pag alis ko connector eh huminga yung rpm, tapos pagbalik ko nag normal ulit.TIA


    Ibig sabihin ay gumagana yun parts na iyon. Kung tanggal connector ay off yun air ( hindi ko alam exact name ) valve. Kapa ikinabit ay dadaan uli yun air or vacuum.

    He he he wala kasi niyan sa kabisado carb type engine. Pero alam ko on off air valve iyan.

    -- edited by circuit1234 on May 26 2013, 01:02 PM
  • @byerecca

    Gumagana pa alternator according sa testing na tanggal muna battery terminal. Pero di mo na testing kung malakas ang charging nito. Meron Voltage Regulator IC iyan at kung di umabot ang charging voltage na 14.5V ng alternator. Mahina charging ng battery at iyon ang magbigay ng intermittent na problem.

    Dapat ang accurate test nito ay hiram ka ng Digital Voltmeter at makita na 14.5V ang charging voltage. Baka 13V lang ay mahina yun. Palit voltage regulator ic na dapat. Or bili ka ng Alternator na meron Voltage Regulator IC.

    -- edited by circuit1234 on May 26 2013, 01:15 PM
  • @byerecca

    Gumagana pa alternator according sa testing na tanggal muna battery terminal. Pero di mo na testing kung malakas ang charging nito. Meron Voltage Regulator IC iyan at kung di umabot ang charging voltage na 14.5V ng alternator. Mahina charging ng battery at iyon ang magbigay ng intermittent na problem.

    Dapat ang accurate test nito ay hiram ka ng Digital Voltmeter at makita na 14.5V ang charging voltage. Baka 13V lang ay mahina yun. Palit voltage regulator ic na dapat. Or bili ka ng Alternator na meron Voltage Regulator IC.


    a ganun ba sir, ginawa ko kasi pinatagal ko mga 1-2 mins na nakatanggal yung terminal ng batt. anyway tnx boss, pa-check ko tomorrow then feedback nlng ako d2.

Who's Online

919 active users within the last minute, 542 members, 377 guests.
Our newest member is paoloserviano
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


Active Items for Sale

Active Want to Buys