Wag kayong makikipag deal sa taong ito. Manloloko ito. Binentahan ako ng video card. Defective pala.

Bonding project namin ng 14 year old kong daughter na bumuo ng cpu. Anak ko ang naghahanap ng parts sa tpc, ako ang nakikipagusap at bumibili. 2 hours (back and fort) to meet this seller at 300 ang gasoline. Para hindi sayang byahe, pagod at gas, binili ko na rin yung 2 ide odd and 1 ext cdrw (w/ usb cable, w/o power adapter) nya. So after the regular question & answer and assurance na working at walang issue/problem ang items nya, nag agree kami to meet 8am sa atc, sa area nya. Inform ko sya na hahabol pa ako sa work ko and nagsabi ako sa boss ko na male late ako ng 30 mins just to buy his items.

Before ako umalis ng cavite, nag text pa ako sa kanya. 8:30am dumating ang taong it at may kasama pang babae. Nagmamadali na ako, so kinuha ko na yung items nya. Walang driver ang video card at wala yung usb cable ng ext cdrw. Ibibigay daw sa kin pag nagkita kami ulit…. Again 2 hours driving at 300 gasolina.

Ito yung video card nya. Yung pic galing mismo sa posted item nya. Notice yung 4 na caps tabingi? Hindi ko napansin dahil 30 mins syang late at nagmamadali ako hahabol pa sa work.



Before ko install, check ko yung item. Napansin ko yung 4 na caps na tabingi, nakaangat at sunog ang ilalim. Text ko sya, good daw at working item nya.



Try ko install, baka naman gumagana. Pero masama na kutob ko. Pag boot up, napaka ingay ng fan- parang motorsiklo. Walang display for 3-5 mins, tapos nag display for 1min ng madilim, madaming vertical lines 1inch, ½inch, 1/4inch at sinlalaki ng ballpen. 3 beses kong tinangal, kinabit at test, same result.



Ito ngayun yung defective item nya. Sinunog ko na. Ayaw ako I refund.



3 araw kong pinakiusapan ang taong ito at pinaliwanagan. Sa dami ng text ko sa bawat araw, isa lang sagot. Mag exchange daw kami ng defective item nya at ng cash ko. Hindi naman sinasabi kung paano, kailan at saan.

1st day pinakiusapan ko na i door to door sakin yung cash (binigay ko address ko) at ship ko sa kanya yung item (charged sa kanya shipping) once received ko yung cash. Kasi 2 hours drive (back and fort) plus 300 gasolina just to meet him. Kawawa naman ako, naloko na, gastos pa ulit. Laking perwisyo.

Pinaliwanagan ko rin na bonding project naming ng anak kong babae itong binubuo naming cpu. At na shock yung anak ko ng malaman na naloko kami.

Sabi lang return the item pag napunta daw ako sa area nya. Sabi ko wala akong sked sa area nya at napakalayo at gastos sa gasoline.

2nd day pinakiusapan ko na door to door sakin yung cash, ship ko sa kanya yung defective item sagot ko na charges.

Sabi lang return the item, walang detalye kung kailan, saan at paano

3rd day pinakiusapan ko na ibigay lang sakin address nya, return ko defective item nya at door to door nya sa akin yung cash pag na receive nya yung defective item nya.

Ang objective ko dito ay makita ng anak ko na hindi sya manloloko dahil ni refund nya kami. Para maka move on ang anak ko. I ship ko nga yung defective item nya ng hindi alam ng anak ko.

Ang sagot sa akin, I ship ko raw lahat ng items nya sa air21 branch sa festival mall. Pag na receive nya, refund daw ako. Sabi pa, hindi raw sya tinatablan ng konsensya.

Double jeopardy na ito. Mas mapapalaki na gastos ko, hindi pa ako mare refund. Naloko na nga ako, lolokohin pa ulit.

Suko na ako sa taong ito. He’s not even sorry for what he did. Kawawa naman. Pormang mayaman, nagdisplay pa ng babae sakin ng 8:30 ng umaga. Tingin ko, he get his high pag nakakapanglamang ng tao. Sayang na tao.