>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

sino dito regular na tumatakbo? jogging tayo!

  • @maxnanabas09
    meron po yung salomon ng road to trail na sapatos...



    check ko po salamat :D
  • snowman018 nakita ko na yun hehe hindi naman siya nag rereply sa mga sms ko :P
  • ghie_gayle nagsalubong pa tayo sa skyway, hirap walang mileage bigla pinatakbo ang 42K sa akin ng kasama ko last minute. 15K pa lang gusto ko na sumuko sa turn-around kaya pagkatapos ng marathon naubos ang boses sa sobrang lamig nung gabi at yung cold water.

    Peorth keep it up those infos are very essential indeed.
  • @Sir Noel (isleeve_PH), nice to see U again Sir on the road :) .. ako sumakit naman ung tuhod ko - sabi ng kasama ko baka sa sapatos daw, need na daw magpalit.. Kita Kits ulit sa mga susunod na takbo.. Sir
  • open pa kaya yung registration ng RU1 10k? sa sabado pa kasi ako mkaka register. TIA!
  • based sa runrio site, available pa ang prepaid at credit card registration for 10k at open pa rin ang 10k perfectionist.


    <click here for link>
  • may maganda bang running shoes na 2k-3k lang? =))
    kapos sa budget eh :(
  • anlupet nung mga nag Manila to baguio hehehe :) malapit naden yung BDM102. goodluck po sa mga sasali! ^_^
  • hello sa inyo mga sir,meron bang sumali dito sa inyo sa 711 fun run this march?pede bang makijam sa 21k po ako tnx
  • nakabili na ko dun sa seller sa ng garmin, fr10 nabili ko, trusted seller. but i suggest you try to check polar m400 ata yun. much better for the same price.

    my last race is the csm, nice experience. i hope next year, di na natin kelangang mag-salute.

    may experiment ako, instead of going long distances, try ako ng mga 5k races. :-)
  • kahel12 Congrats for finishing your first FM last Sunday. Sayang hindi ko na kayo nakita nakarating na kami doon mga lagpas 5hrs na running time.

    *sobra sa allowed na size

    ghie_gayle congrats uli sa Lu2Ta 60K finish, nag LSD rin kami nyan a week before ng event niyo kaya nakakamiss ang uphills... lol

    kikokiko123 if matagal ka na tumatakbo so by all means usually nasa 4-5K talaga ang minimum unless may makikita ka sa sale like adidas, Brooks, New Balance usually discounted sila. Try mo din sa Sports Warehouse sa Market Market sakali kasi meron sila nyan.

    -- edited by NormanABates on Feb 24 2015, 03:35 PM
  • Sale sa Planet Sports ngayon 75% off daming running shoes like Asics, NB, Adidas, Nike. Naka score ako ng NB 680 v2 1.5k lang less 10% discount if BPI card holder ka, so 1.4k lang pwede na pang harabas hehe...
  • saang branch yung sale boss?
  • Di ko sure pero mukhang pinag pilian nalang yung mga running shoes, pero try nyo pa rin. Isa sa Eastwood isa sa may St.Francis square malapit sa Megamall. Search nyo nalang sa google "planet sports sale" HTH
  • @ Sir Noel (isleeve_PH ), maraming salamat Sir.. mukhang wala yata ako napansin na Ayala triads sa lu2ta :)
  • Hi! Ngayon ko lang ako ulit nag karoon ng available time na tumakbo. Ok bang araw-arawin ang pag takbo? Or dapat every other day? Salamat sa sasagot.
  • isleeve_PH Maraming salamat Sir Noel. :D Nagpunta po pala kayo, di tayo nagkita. Ang sarap lang ng experience, hindi ako naka-experience ng wall dahil maraming pagkain at support from Dream Chasers. :D
    Nagparamdam yung cramps last few meters before the finish line buti nalang hindi tumuloy, then yung left foot ko parang mapuputol into half haha.. :)
    Nag-stay ako hanggang sa matapos yung last finisher. Epic! :)

    Congrats pala Sir for your podium finish sa Ateneo Aquathlon, lakas! :)

    -- edited by kahel12 on Mar 09 2015, 07:55 PM
  • With God's grace and guidance, nakaabot ako sa cut-off time. Grabe sobrang hirap nito.

    External Image
  • Congrats Supermaster BDM102 Finisher..
  • ano bang okay na sapatos for 4-5k? decided na ako na bibili =)

    ano ba tips for beginners?
    frequency ba o distance ng takbo?
    thank you in advance
  • congrats sir @supermanster!! idol! bilib ako sa mga nag BDM! ehe.. sana makapag bdm din ako :)
  • @supermanster hehehe ikaw pala yan :) Congrats! ang lakas mo :)
    buti pa kayo may picture sa finishline.. ako wala :(
    d bale ulitin ko na lang next year!
  • good morning sa lahat
    Congratulation po sa mga runners last RU1

    Ask lang po sana ako san maganda bumili ng sapatos pang running yung i te-test nila kung pano ka tumakbo para
    mabili mo yung comfortable sa paa. Salamat
  • ^May sumasakit ba syo pag tumatakbo ka?

    @kikokiko123
    Maraming programs sa internet pwede mong ma search. Depende sa kung anong target mong run na salihan, e.g. 5k program, 10k program, etc. Google mo lang. Depende yan sa current state of fitness mo.
  • @ykcaz

    Sa RUNNR stores (BGC, Trinoma) po, pwede ka magpa-footgait analysis para malaman mo yung type of shoes na pwede para sayo.
  • saan pa may 21k ng natgeo na store registration? ubos na (daw) sa shangrila. di na (daw) sila magakakaron. 3rd day pa lang ubos na? pambihira naman
  • After almost one year na walang sinalihan na ultra event (last Mayon 360 April 2014) sumali ako sa Ana Kalang 65K (Route 2) #balikUltra
    External Image


    kahel thanks minsan lang maka-podium kasi sa takbo hindi pa ako nakkapag-podium. lol

    eagleman kaya mo na yan next year ang BDM102.

    supermanster Congrats and go go go next year BDM grandslam na yan (BDM102 and BDM160)

    ghie_gayle wala ata contingent sa Triads after ng UP2UP 80K.
  • Congrats Sir Noel (isleeve_PH), baka UPtoUP na ulit sunod na ultra ko, bantay/taga alaga kasi ako ke Mrs. ngayun kakagaling lang sa operasyon, mukhang hindi na nagtatakbo si Sir Kelvin ah :)

    @akoposilester, pag RunRio organizer Sir expect na pong ganyan kaya kung me CreditCard ka mag online ka na lang po, dami nakiride sa CC ko ngayung 32K ng RU2 kasi 1day store reg ubos yung 21k nakaraan at hindi ka na din makapamili ng Size ng Singlet/FS. same din sa NAtGeo - pero 2weeks prior sa event magsisilabasan na yung scalpers :)
  • ghie_gayle ok lang yan family comes first, antayin mo ang pasabog ni Kelvin... malapit na yun!
  • isleeve_PH waha subukan ko muna maka 80-90K this year sir.. hopefully eh makayanan... tsaka parang gusto ko mag trail muna. idol ko si voltron eh haha! tsaka madugo ang bdm. pati sa bulsa :) congrats pala sa anakalang!

Who's Online

268 active users within the last minute, 152 members, 116 guests.
Our newest member is John_cumps
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys