>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

TipidPC Middle East Chapter

  • ^sabihin mo dala sila ng birt certificate ng anak mo. discount din yun, sayang yun.
  • @kidbizkit, PARUSA and toxic19

    Oo nga yung sa DHL mas matagal eh yung sa Skynet 3-5 days lang marereceive na sa Pinas. Salamat ulit sa information na binigay niyo.
  • @arch_tyrael

    minsan hinahanap sa immigration sa airport, marriage cert, birth cert, oec, aff of support, passport copies, owwa registration mo
  • tama, mas magandakung dala nila mismo yung original copy at may extrang xerox copy.

    kasi yung sila misis at anak ko ang bumalik pa Dubai.. dala nila lahat ng docs nung tinignan yung kopya at pinakita niya... hiningan sya ng photocopy nung OEC ko... so no choice kundi mag pa photocopy ka dun sa kanila... then pa authenticate at stamp as certified true copy pa ulit.
  • may discount ba ako sa tax kung babalik ako ng dubai as tourist? may oec ako last june lang..baka bumalik ako ng dubai mga november..hehe
  • .. malamang wala na. di ka na kasi OFW, isa ka ng turista. pag sinabing turista, maraming pera. turista nga di ba, aalis ka ng pinas para mamasyal at di mag-trabaho o maghanap ng trabaho. mag-enjoy, mag-tour at mag-relax sa bansang pupuntahan. in short, marami kang pera at di ka dapat discounted.hahaha!

    .. pero, ewan ko lang. try mo i-present yung luma mong OEC, baka sakali bigyan ka ng discount sa travel tax.
  • @all
    grabe naman kahit tourist visa hinahanap pa nila yan. anyway salamat sa mga payo :D
  • yes payo iyan ng dilawang gobyerno na anti-ofw. sorry i had to post this.
  • Question lang po...

    mga sir may kapatid po kasi ako sa riyad, ang sabi niya sa akin, need daw po sa kanila ng encoder catalog dun, pwede daw po mag kapatid sa kanila, plan niya po ako pag applyin dun, saka ang sabi niya sa akin na inform na daw po niya yung boss niya na ako daw po ang papupuntahin dun, ang sabi sa kaniya i preprepare na daw po nila yung VISA para sa akin, ang tanung ko lang po, gaano po kaya katagal yung VISA na yun?
  • you need to ask your brother kasi sya lang makakaalam nun.

    besides, maraming types of visas.
  • @markymonkeymark,

    a colleague of mine just arrived in Saudi (Riyadh/Jeddah assignment) a couple of months ago. it really depends on how soon you can submit the requirements needed by the agency. usually mga certificates (diploma, transcript, etc.) na naka red ribbon ang kelangan.

    kaya lang tumagal yung sa friend ko dahil kelan lang siya nanghingi ng transcript of records sa school nila which took more than a month pa ata.
  • tanong lang mga sir, pwede bang magdala ng pc parts from pinas to dubai? kasi yung gf ko nagwowork sa dubai, and balak ko sumunod. dalhin ko sana yung ibang pc parts ko like gpu, procie, ram and hdd. sayang kasi kung iiwan ko lang sa amin and bibili ako ng panibago dun. magkakaisyu ba pag dinala ko mga iyon? tnx
  • walang isyu iyan sa customs.

    way back 2005, hand carry ko pa yung small form factor ko sa backpack. nakalagpas naman.
  • ^ako buong CPU dala ko last uwi ko (feb 2015) from pinas to abu dhabi. sa check-in maleta ko nilagay. wala naman naging issue.
  • first time ko kasi punta dubai, mag tourist visa lang ako, punta muna ko bangkok then to dubai. di naman ba magiging reason yun para ma offload ako?
  • ^tip lang, wag mo na sabihin sa BI dun sa pinas na didiretso ka ng dubai, pag pinayagan ka magpunta ng bangkok.

    pag sinabi mo na diretso ka ng dubai malamang sa ma deny or ma off load ka.
  • pag sinabi mo na diretso ka ng dubai malamang sa ma deny or ma off load ka.


    At pag inimbistigahan ka... maging mahinahon... kelangan nakadamit ka rin ng akma at di parang mamamasyal lang sa Divisoria... Na offload yung isang kasama ko kasi mukha siyang bibili lang ng suka sa tindahan at ng initerbyu nag hysterical tas nung tinanong kung mag kano pera niya sa ATM eh nag sinungaling pa... tsk tsk tsk... bat nga naman kelangan pa nilang malaman kung magkano pera mo. To think yung passport niya tadtad ng abroad sa iba ibang bansa as an OFW.
  • ^^^

    Anti-Human Trafficking daw kaya madaming arte sa immigration sa tin sa airport lalo na pag ung tourist eh papuntang UAE. Pagmamalasakit daw yan sa mga kapwa nating pinoy para di maloko sa pag punta sa ibang bansa.

    Hindi ba nila alam na mas maraming pinoy ang naloloko sa mga employment agency, na sa pinas may contrata na ipapakita pero pag dating pala sa ibang bansa eh malayong malayo ang sweldo at trabaho sa ipinangako sa kanila.

    Mas ok pa nga ung mga nagpupunta dito as tourist visa, kasi sure na may kakilala dito or kamag anak pa, eh ung mga dumadaan sa agency, madalas wala silang kilala at contact dito kundi ung agency sa pinas. Kaya pag may problema sila pag dating dito, wla silang matakbuhan kung embassy natin.

    -- edited by musalava on Aug 31 2015, 07:04 PM
  • Next month mag tourist visa dito kapatid at pinsan ni misis.

    1500 aed ang 3 months tourist visa, Lahat lahat na babayaran nya eh 3,550 aed per head kasama na air ticket at iba pang kelanganan papeles.

    Goodluck sa kanila sa immigration, sana wag ma off load
  • trabaho nila yun. so kung makalusot. ok.
    kung nahuli kayo. dont blame them. mali naman yung ginawa nyo according sa batas.

    magalit kayo sa gumawa ng batas.

    -- edited by rodriv on Aug 31 2015, 07:26 PM
  • Hindi rin pala madali kahit may Employment Visa na ung pupunta dito.

    Ung boss ko kasi may vivisahan na pinay na nasa pinas ngayon, dami pa rin palang proceso at kaartehan. Ok na employment visa nya, problema ung pag punta dito, magastos at madaming proceso.

    May mga employment agency dito sa UAE na nag pa-process ng mga ganun, problema babayaran mo na ung agent dito, babayaran mo pa ung agent sa pinas. Tapos sabi eh pupuntahan daw talaga ng taga embassy ung company para ma check kung legit company and sponsor dito sa UAE.
  • first time ko kasi punta dubai, mag tourist visa lang ako, punta muna ko bangkok then to dubai. di naman ba magiging reason yun para ma offload ako?


    Mag stay ka ng ilang araw/gabi sa bangkok? or connecting flight ka manila-bangkok-dubai?

    Sabi kasi nila pag connecting flight ka lang daw nalalaman nila un eh, kaya ung iba ginagawa eh nag stay talaga sa sg or thailand ng mga ilang araw para malaki chance talaga makalusot
  • @musalava, yup kahit me employment visa na dito, kailangan pa rin ikuha ng job order sa POEA thru POLO office dito, then dapat ipadaan sa legit employment agency sa pinas for the standard procedure ng pag process ng kailangan nya document to get here.

    ang pwedeng iskip na procedure is getting employment agency here. pwede na direkta sa pinas na agency.

    -- edited by jung_06_04 on Aug 31 2015, 08:00 PM

  • At pag inimbistigahan ka... maging mahinahon... kelangan nakadamit ka rin ng akma at di parang mamamasyal lang sa Divisoria... Na offload yung isang kasama ko kasi mukha siyang bibili lang ng suka sa tindahan at ng initerbyu nag hysterical tas nung tinanong kung mag kano pera niya sa ATM eh nag sinungaling pa... tsk tsk tsk... bat nga naman kelangan pa nilang malaman kung magkano pera mo. To think yung passport niya tadtad ng abroad sa iba ibang bansa as an OFW.


    Tama 'to. cool ka lang dapat.

    Kumpletuhin mo mga papeles mo. Affidavit of support ba tawag dun? OEC nung susuporta... May trabaho ka ba? Itatanong nila sa'yo kung maghahanap ka ng trabaho dito.
    Ako dati may copy pa ng leave letter. Saka ano bang profession mo? No offense pafs pero itatanong nila yan.

    Nung umalis ako papunta dito, wala akong kamag- anak. Tourist visa din. At ang pera ko $50 at ~800php. lol
    Nakaraos din.

    -- edited by mokomoko31 on Aug 31 2015, 08:13 PM
  • ang pwedeng iskip na procedure is getting employment agency here. pwede na direkta sa pinas na agency.


    Ganyan nga ginawa ng boss ko, ang kuripot nya kasi eh hehehe, sila na direkta naglakad ng mga papapeles sa embassy, ayun nung binigyan ng list ng mga requirements, kamot sa ulo boss sa haba ng list hehehe.
  • May trabaho ka ba? Itatanong nila sa'yo kung maghahanap ka ng trabaho dito.
    Ako dati may copy pa ng leave letter. Saka ano bang profession mo? No offense pafs pero itatanong nila yan.


    Tama, yan nga pinaka magandang palusot, na maganda ang work mo sa pinas, nag leave ka lang ng ilang weeks para pumasyal, dala mo company ID at letter ng company mo na pinayagan kang mag leave at babalik din pagkatapos.
  • Ganyan nga ginawa ng boss ko, ang kuripot nya kasi eh hehehe, sila na direkta naglakad ng mga papapeles sa embassy, ayun nung binigyan ng list ng mga requirements, kamot sa ulo boss sa haba ng list hehehe.


    yan ang purpose nung agency dito, para sila ang mag lakad na hindi na hanapin pa yang mga nasa list na yan. pero kung kaya naman kumpletuhin e hindi nyo na kailangan yan agency dito.

    para naman dun sa agency sa pinas, ipaalam agad na me nominated nang candidate, kse kung hindi eh sisingilin naman ng advertisement and processing fee, dahil daw sila ang mag ka qualify ng candidate nyo, sila mag initial interview, iscreen, etc.

Who's Online

415 active users within the last minute, 214 members, 201 guests.
Our newest member is norrcubes
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Want to Buys