Forum Topic

The Coolers Thread: CPUs / GPUs / HSFs / Fans: New Products and Reviews

  • @mapl

    Mga bossing, may mabibilhan pa ba ng Hyper 212 Plus dito sa atin? Ty


    Any particular reason why Hyper 212 Plus pa rin ang hinahanap mo sir? Hyper 212X na lang sana ang bilhin mo.
  • Removing old TIM/cleaning:

    I use denatured alcohol, mas na di dissolve at nalilinis yung gunk.
    saka mabilis mag evaporate.
  • After cleaning the heatspreader using the alcohol, just wipe it down one more time using a lint-free cloth and it\'ll be good to go.


    Saan ba makabibili ng lint-free cloth ? Yan ba yung cloth na kasama sa mga lalagyan ng shades / reading glass ?

    Ang ginagamit ko lang pampatuyo ay cotton buds din

    Thanks
  • car accessories meron nun, or good ole cotton cloth.
  • @bintsmok

    Saan ba makabibili ng lint-free cloth ? Yan ba yung cloth na kasama sa mga lalagyan ng shades / reading glass ?


    Puwede yan, or use a microfiber cloth.
  • Thanks sa inputs

    Hinahanda ko lang kasi para ready na pag nakabili ako ng Noctua NH-U12S. Out of stock sa mga suking tindahan. Ang hirap maghanap ng Noctua
  • Any particular reason why Hyper 212 Plus pa rin ang hinahanap mo sir? Hyper 212X na lang sana ang bilhin mo.


    Sir sorry, 212X pala. Wala na kasi ako makitang nagbebenta.
  • @mapl

    Sir sorry, 212X pala. Wala na kasi ako makitang nagbebenta.


    Sa PC E*pr*ss may stock pa sila niyan. Sa kanila ako bumili ng Hyper 212X dati. Try mong tawagan yung mga branches na malapit sa inyo para sigurado. :-)
  • @bintsmok

    Thanks sa inputs

    Hinahanda ko lang kasi para ready na pag nakabili ako ng Noctua NH-U12S. Out of stock sa mga suking tindahan. Ang hirap maghanap ng Noctua


    Thermalright Venomous X + Scythe GT AP-15 na lang ang kunin mo. ;-)
  • ^+1 possible @ 1.32v / 80c-85c gaming
  • Removing old TIM/cleaning:

    I use denatured alcohol, mas na di dissolve at nalilinis yung gunk.
    saka mabilis mag evaporate.

    This. Denatured alcohol is much cheaper and is a more powerful solvent unlike over the counter rubbing alcohols which have lots of additives like lotion or perfume scent etc.

  • Nagamit ko na din yang stockings paps.

    Sobra lang maalikabok dito sa area ko. Pag stockings mabilis mapuno ng alikabok tapos magbabara na exhaust ko. Hindi brown ang alikabok dito sa area ko as in black ang kulay ng alikabok dito e.


    wala iba alternative eh, unless gusto mo yung makakapal na filter pang aircon ata yun, yung mga 3m brand. di din siya mura haha tapos marestrict pa airflow ng at least 50% pag makakapal ang filter na gamit.

    bakit may filter ang exhaust?

    edit: at nasa baba/sahig ba nakapwesto ang case mo?

    -- edited by Dyaems on Apr 30 2015, 01:58 AM
  • bakit may filter ang exhaust?


    Mali hehehe. Intake pala. :)


    wala iba alternative eh, unless gusto mo yung makakapal na filter pang aircon ata yun, yung mga 3m brand. di din siya mura haha tapos marestrict pa airflow ng at least 50% pag makakapal ang filter na gamit.



    Tama sabi mo marestrict yung airflow. Nakakita ako kahapon sa ACE. Manipis lang sya tamang taman kaso yung side nya na pang harang sa alikabok parang sobra na nipis ng butas hindi na kakayanin yun kung paga 600-800RPM lang yung fan.

    edit: at nasa baba/sahig ba nakapwesto ang case mo?


    Nasa computer table paps naka patong.

    -- edited by Bugsy66 on Apr 30 2015, 06:48 AM
  • ^

    manipis lang ba yun, baka ibang filter yung nakita ko dati. o baka makapal na yun para sakin haha

    maalikabok din dito sa bahay, pero OK na sakin yung stockings since bina-brush ko yung mga filter dati every other day since nililinis ko din kwarto ko every other day haha, sinasabay ko lang!

    bile ka na lang kaya yung mga magnetic fan filter, alam ko kaprice lang nya yung mga 3m na filter sa hardware na yun

    ---------

    on a side note, ang hilig ko mamigay ng case fan sa mga kakilala ko, ngayon na naghahanap ako ng isa, wala nako mahanap. nag post ako sa WTB puro pang asar lang ang PM, nakakalungot

    -- edited by Dyaems on Apr 30 2015, 07:02 AM
  • on a side note, ang hilig ko mamigay ng case fan sa mga kakilala ko, ngayon na naghahanap ako ng isa, wala nako mahanap. nag post ako sa WTB puro pang asar lang ang PM, nakakalungot


    Anong fan ba hinahanap mo? Marami akong fan na nakuha sa shop nung kaibigan ko. Mga hindi pa gamit. Deep Cool nga lang lang brand.
  • Kelangan din kasi kung maglalagay ng filter lahat ng posibleng pasukan ng hangin except sa exhaust matakpan. Kahit yung walang intake, kahit yung gilid gilid lang. Tabi ako ng highway kaya sobrang maalikabok din. Yung sahig nga namin kahit araw araw walisin mangingitim pa rin paa. Effective talaga stockings, mas matrabaho lang palitan. Kung kulang yung isang layer pwd naman pagpatungin. Masyado makapal yung mga karaniwang AC filters.
  • ^^

    Yan talaga balak ko paps. Pati mga gilid lagyan, dyan pumapasok yung sa akin kasi. Same lang tayo maski araw araw mag walis mya mya lang maalikabok na ulit. Hindi naman kami tabi ng highway pero yung area ko kasi bundok, virgin forest pa talaga. Pag humangin sigurado ikot na yung alikabok ng lupa.
  • @Bugsy66

    Yan talaga balak ko paps. Pati mga gilid lagyan, dyan pumapasok yung sa akin kasi. Same lang tayo maski araw araw mag walis mya mya lang maalikabok na ulit. Hindi naman kami tabi ng highway pero yung area ko kasi bundok, virgin forest pa talaga. Pag humangin sigurado ikot na yung alikabok ng lupa.


    Kung pumapasok yung alikabok sa gilid-gilid ng case, malamang negative pressure yung setup ng fans mo, mas maraming exhaust vs. intake. Parang vacuum effect yung mangyayari.

    Kung positive pressure kasi, sa gilid-gilid lalabas yung hangin. Since mas malakas yung intake air vs. exhaust, lalabas yung \"extra\" intake air sa lahat ng puwedeng daanang gaps.

    Noticeable yan sa office rig ko dito. Isang high-rpm 120mm (NZXT FX-120LB set to high) and one el-cheapo 80mm yung intake fans (both side intakes), tapos isang el-cheapo 80mm fan lang ang exhaust (rear). Kahit sa mga gaps nung mga 5.25\" bay covers sa front panel may mararamdaman kang hangin na lumalabas, hehe.
  • ^^

    Ayus. Maraming salamat. Try ko yan. Yun lang panay 120mm kabitan ng fan ko.
  • @Bugsy66

    Ayus. Maraming salamat. Try ko yan. Yun lang panay 120mm kabitan ng fan ko.


    Anong case ba ang gamit mo ngayon sir?

    Minsan may tendency kasi yung iba na gustong punuin yung fan mounts. May point na negligible na yung effect nung extra fans sa temps, pero malaki naman yung effect sa dust accumulation pag naging negative pressure na.

    Sobrang maalikabok din sa tinitirhan namin, may malaking unpaved (gravel lang) parking lot sa tabi, sa side pa mismo kung saan nandun halos lahat ng windows nung unit. Napansin ko na mas mabilis maipon yung alikabok sa loob ng case (TJ08-E) kapag naka-low yung front 180mm intake fan, kaya naka-set na lagi sa high kahit medyo maingay. Nakakatamad kasing maglinis ng rig, hehe. :-)
  • mga bro ask ko lang 60deg kasi ung init ng mobo ko based on speedfan and speccy, 59-61deg sya ano kayang magandang gawin ko dito?
  • @advancetech

    mga bro ask ko lang 60deg kasi ung init ng mobo ko based on speedfan and speccy, 59-61deg sya ano kayang magandang gawin ko dito?


    Anong mobo yan sir? Naka-AC ba yung room or nasa 30+ deg ang ambient temp diyan? Papano yung setup ng fans sa rig mo?

    Depending on the chipset, 60deg might still be okay. A quick fix is to install a side intake fan if your case allows for it.
  • Anong case ba ang gamit mo ngayon sir?


    Cooler Master USP 100 Black, paps.

    Yung isang kabitan ng fan sa side, hindi ko na nilagyan ng fan yung sa taas. Harap lang intake ko at yan lang may dust filter e.
  • @Bugsy66

    Cooler Master USP 100 Black, paps.

    Yung isang kabitan ng fan sa side, hindi ko na nilagyan ng fan yung sa taas. Harap lang intake ko at yan lang may dust filter e.


    I see.

    So 3 yung fans ngayon? Front intake and side/rear exhausts? Negative pressure nga pag ganyan. Restricted pa kasi yung airflow sa front intake due to the drive cages na nakaharang.

    Gawin mo ring intake yung sa side, pero lagyan mo ng filter. Siguradong mababawasan yung dust sa loob. Kung stock fan ang gamit mo sa front, mas maganda ring palitan mo ng high-static pressure fan like the Corsair SP120 HPE or Scythe GT AP-15. Reuse mo na lang yung stock fan sa bottom as intake, hehe. :-)
  • So 3 yung fans ngayon? Front intake and side/rear exhausts? Negative pressure nga pag ganyan. Restricted pa kasi yung airflow sa front intake due to the drive cages na nakaharang.


    Side, rare at isa sa ilalim paps exhaust ko.

    Pag isipan ko muna magandang DIY dito. Para isang trabaho na lang hehe :)


    Walang naka harang paps sa intake ko sa harap. Lahat ng HDD ko nasa \"Max 5 Duo SATA HDD Rack\".

    -- edited by Bugsy66 on Apr 30 2015, 12:08 PM
  • @Bugsy66

    Side, rare at isa sa ilalim paps exhaust ko.

    Pag isipan ko muna magandang DIY dito. Para isang trabaho na lang hehe :)

    Walang naka harang paps sa intake ko sa harap. Lahat ng HDD ko nasa \"Max 5 Duo SATA HDD Rack\".


    Masyadong marami yung exhaust sa setup mo sir. Nagkaka-vacuum sa loob, nahihigop tuloy yung dusty air through all the gaps in the case instead na dun lang sa filtered intake.

    Solusyon talaga diyan is front, side and bottom intakes (all filtered), then isang exhaust lang sa rear.
  • ^^

    Okay paps. Ayusin ko ito minsan.
  • @Bugsy66

    Okay paps. Ayusin ko ito minsan.


    A couple of good videos re: positive or negative pressure: <click here for link> and <click here for link>.
  • ^^

    Maraming Salamat. Sir.
  • nce a year the International Consumer Electronics Show (CES) as the opening at the beginning of this year, as the world\'s largest innovation product experience exhibition, the exhibition of the intelligent mobile phone, tablet computer, wearable devices, intelligent Home Furnishing industry has profound significance. Now the exhibition has ended for a long time, but the unique mobile phone products really tempted many people, including LG G Flex2 on the very special<click here for link>nce a year the International Consumer Electronics Show (CES) as the opening at the beginning of this year, as the world\'s largest innovation product experience exhibition, the exhibition of the intelligent mobile phone, tablet computer, wearable devices, intelligent Home Furnishing industry has profound significance. Now the exhibition has ended for a long time, but the unique mobile phone products really tempted many people, including LG G Flex2 on the very special