Hello! kailangan ko ng tulong. ang PC ay nag bboot loop lang (hindi ko sigurado kung boot loop ang term).
Nangyari ito nung tinanggal ko ang Graphics card ko at isinaksak ko ang VGA sa onboard vga ng motherboard.
ibebenta ko kasi ung gpu ko, ngayon gamitin ko na lang sana muna ang on-board graphics.

paulit ulit lang ang boot dito:



Ngayon, pag pinindot ko agad ang F2, makakapasok ako ng BIOS, steady lang siya sa BIOS. Sinubukan kong ireset ang settings pero ganun
parin.

Nung binalik ko na ang GPU ko, OK na ulit. Doon lang nangyayari pag walang GPU at sa on-board mo sinaksak ang vga.

Ano sa tingin niyo? Maraming salamat!

-- edited by jahy420 on Oct 09 2015, 09:09 PM