Forum Topic

High Cpu Temp

  • Mga sir pa tulong po, simula po kaninang umaga yung mga laro ko po nag lalag sabay tiningnan ko po yung cpu temp ko mataas po sya umaabot 90+ pag naglalaro po pag idle po 70+ nag palit narin po ako ng thermal paste syaka nilinis ko narin yung cpu fan nya, hindi rin naman po sya mainit nung nahawakan ko. Kaso ganun parin po temp nya.

    Cpu - i5 4460
    Mobo - Asus b85m-g
    Ram - 8gb
    Gpu - on board
    psu - 500w

    Yung cpu fan po cooler master seidon 120v plus
  • Tol mali ang pag kakaunawa mo...dapat nga maramdaman mo na umiinit ang heatsink kasi ibig sabihin umaakyat ang init o tumatawid ang init sa heatsink mo...kung walang init ibig sabihin pangit ang thermalpaste mo...

    gumamit ka ng deepcool ...sure yan tapos ang problema mo...check mo rin ang Hsf kung ayos ang lapat sa processor mo..
  • ^ liquid cooled cpu nya paps. though hindi nga nya mararamdaman ang init sa cpu water block. pero tama ka, maaring hindi nagtama ang lapat ng water block or hindi sufficient yung TIM nya..

    -- edited by statix on Oct 01 2015, 09:12 PM
  • Sir bumama po yung cpu temp nung ginamit ko yung deepcool. 2 beses ko na po nilagyan ng thermalpaste yung seidon kaso ganun parin po yung temp, pano po maayos yun? dapat ko pong i fit yung water block sa cpu? yung vid card po kasi nito nag overheat last mos kaya onboard po ako hehe

    -- edited by jasonadela on Oct 02 2015, 11:41 AM
  • Kung naka lapat naman ng maayos yung cooler nyo pero mainit parin baka po hindi umaandar yung pump nya?

    also ano po brand ng PSU nyo?

    yung vid card po kasi nito nag overheat last mos


    Baka mamaya yan pala yung culprit, may wrong voltage output.. not sure.
  • Kung naka lapat naman ng maayos yung cooler nyo pero mainit parin baka po hindi umaandar yung pump nya?
    also ano po brand ng PSU nyo?

    Yung pump po mainit eh. Aerocool X Strike 500w po


    Baka mamaya yan pala yung culprit, may wrong voltage output.. not sure.

    Di naman po sir last month ko pa po natanggal yung vidcard tas nag onboard po muna ko.
  • ^mukang mas maganda pa gamitin ang stock hsf ng intel. naka ilang 4460/z97 na ako hindi naman ganyan kataas temp. sa normal usage..
  • Tama po si ComPeter, nung naka stock cooler ka po ilan temp nyo?

    Kung normal temp kayo sa Stock Cooler, may problem po yung Seidon nyo better have it check by the store if youre sure tama naman yung pagkaka kabit nyo :).
  • Tama po si ComPeter, nung naka stock cooler ka po ilan temp nyo?

    35c po sya pag idle pag nag lalaro 50c

    Sige mga sir salamat po, papa check ko nalang yung Seidon pagkabili ko vidcard. Hehehe ty
  • minsan mas maganda pa ang aluminum base sa hsf kaysa copper inserted ...pag may copper kasi pag nagkaroon ng rust or stain kahit pa maganda ang thermal paste mo hindi 100% ang kapit ng hsf...

    -- edited by kopikopiko on Oct 04 2015, 11:10 AM
  • Medyo OT

    @jasonadela

    Anong ambient/room temperature nung 35c ang idle mo? Medyo naiinggit ako kasi I never get lower than 40c with my i5-4570 using stock cooler.

    Regarding sa problem mo mukhang may defect yung pump niyan Seidon mo.
  • kung gamit mo is AIO liquid cooling, tignan mo kung may tubig pa, meron naman indicator yan kung kulang na yung tubig.

    if the issue still persistent, youre processor is experiencing thermal bonding degredation dun sa cpu die from IHS, you might want to do those risky IHS removal and replace the thermal compound that contacts between CPU core dies and the IHS. This is very common these days on Core i series processor. Although this issue is not present on Core2Quad series and some Core2Duo since the IHS and the CPU die it self is soldered so IHS removal on this processor is very difficult and of course they have a high potential overclock success rate, overclocking core2quad for about 800-1500mhz is not surprising even in just Air cooling.

    -- edited by polka on Oct 06 2015, 07:19 AM