Hi guys! So kabibili ko lang ng Canon Pixma MP237 w/ CISS. Ordered online. First time ko nag-attempt magprint, Error 5100 agad. Sinunod ko yung mga troubleshooting tips sa official forum nila pero wala, bumabalik parin talaga ang error.

What I\'ve tried so far:
1. Checked for debris inside - none found, kahit small paper jams wala.
2. Hard reset - ilang beses na ko nag power on and off, wala parin.
3. Manual counter reset
4. Clean & reseat cartridges
5. Clean the timing film - actually nagwork to after how many hours na pagtatry ko mag troubleshoot, pero nung sinubukan ko na ulit magprint today, error na naman. Di na rin to umuubra ngayon.

Ang hindi ko pa lang natatry eh yung pag lubricate ng purge cap. (Takot akong magbukas ng printer.)

Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Save More Ink Refill ang original seller nito at di ko naman siya basta2 maisasauli. Bagong salta lang din ako dito sa Iligan at di ko alam kung san merong printer repair shop dito. :(

Ano pa ba pwede ko itry, mga master?