Forum Topic

PC hard to turn on after power outage

  • Guys pa help naman di ko mawari anong sira ng PC ko

    Hirap buksan ng pc ko pag naka off ng mga 1 oras mahigit, pero pag naka-on na ito ng matagal tapos pinatay mo ng mga 5-10 mins lang nag-oon ito agad, as in no power talaga siya pero may ilaw ung mobo. struggle is real 24/7 na bukas pc ko dhil dito sadnu ano kaya problem??

    di sira PSU dhil sinubukan ko sa pc ng pinsan ko gumagana sya no sweat on agad .. hindi din sira ung power button ko kc ginawa ko nrin ung touch mo ng screw driver ung power on pin hirap parin mag on at bumili din ako ng bagong CMOS battery nung isang araw lang ganun padin

    Eto ginawa ko before masira nilinisan ko ung pc tinanggal ko mga alikabok kasi dusty na eh. syempre inalis ko lahat HSF at nilagyan ko rin ng thermal paste tinanggal ko din ram lahat ng cord na nakakabit lahat inalis ko sa case then nilinisan, okay nmn dati maraming beses ko na nilinisan to ngayon lang nasira.

    Gumagana pa naman kaso hirap lang mag on .. cguro mga 10 to 15 times mo click ung power button bago mag bukas pero eto worst pinatay ko siya dahil umalis ako sa kadahilanang mag overnight ako sa bahay ng pinsan ko then pag uwi ko after 1 and a half day 3hrs sya bago mag bukas deym natatakot na 2loy akong patayin pc ko baka hindi na mag bukas .. please guys help me wala pa kasi akong pera student lang ako. ano kaya prob para maayos tong pc ko thanks sa mga sasagot guys god bless you all ..

    2 years na po yung pc ko

    Mobo
    F1A55-M LX3 R2.0
    Procie
    AMD a6 3670k
    Ram 8gb G.Skill Ripjaw 2 sticks 1600MHZ
    PSU 600w
    No vid card asa lng sa APU :)
    LoL lng naman nilalaro ko and pang project ko kasi talaga to at pang research for school purposes

    Thanks TPC sana po matulungan nyo ko sa problema ko ..

    -- edited by predidi on Aug 18 2015, 12:28 AM
  • PC hard to turn on after power outage
    1. madalas ito mangyari sa mga Generic Psu, sinisira nito yung motherboard, kaya nga kailangan mo pa nang avr...

    Hirap buksan ng pc ko pag naka off ng mga 1 oras mahigit, pero pag naka-on na ito ng matagal tapos pinatay mo ng mga 5-10 mins lang nag-oon ito agad
    2. sinyales ito nang sirang motherboard capacitor (afaik)

    di sira PSU dhil sinubukan ko sa pc ng pinsan ko gumagana sya no sweat on agad
    3. yung psu nang pinsan mo nasubukan mo na sa pc mo?
  • 1. madalas ito mangyari sa mga Generic Psu, sinisira nito yung motherboard, kaya nga kailangan mo pa nang avr...

    kulang ang advice. you also need to change the psu to a reliable model/brand
  • 3. yung psu nang pinsan mo nasubukan mo na sa pc mo?

    yep po nakalimutan ko ilagay nag try din ako ng ibang PSU same prin mahirap parin siya buksan

    you also need to change the psu to a reliable model/brand

    same lang kasi kmi ng PSU ng pinsan ko isa lng pinag bilhan namin, yep generic lang pero mas nauna siya nag palit ng PSU kaya sa tingin ko hindi talga sa PSU ung sira eh ..

    Yes po next time mag upgrade na ko pag nag ka pera PSU and motherboard and procie na papalitan ko pero for the meantime sana magawan ko ng paraan tong pc magastos kc sa kuryente pag 24hrs naka bukas ska bka masira agad dhil sa init

    -- edited by predidi on Aug 18 2015, 07:07 AM
  • same lang kasi kmi ng PSU ng pinsan ko isa lng pinag bilhan namin, yep generic lang pero mas nauna siya nag palit ng PSU kaya sa tingin ko hindi talga sa PSU ung sira eh ..

    so essentially wala kang ginawa. to rule out whether the poor quality PSU damaged your hardware you need to use a good quality psu

    -- edited by AmalgamvsAloof on Aug 18 2015, 08:42 AM
  • let your pc unplugged for a day remove cmos na rin. as in walang nakasaksak. o di kaya pag pasok mo sa school. unplug mo lahat lan mouse kb monitor.
    pati na rin ung mga connector sa mobo mo to psu.

    pag uwi mo try mo ule. plug mo lang pc mo sa avr, w/o monitor kb mouse lahat, as in pc lang. ung cmos wag muna rin.
  • AmalgamvsAloof
    so essentially wala kang ginawa. to rule out whether the poor quality PSU damaged your hardware you need to use a good quality psu

    hmm maybe pero kasi ung sa pinsan ko still kicking parin ung unit nya eh .. halos same lng kami AMD din pero iba mobo nya gigabyte ata ..

    Deadmau5
    let your pc unplugged for a day remove cmos na rin. as in walang nakasaksak. o di kaya pag pasok mo sa school. unplug mo lahat lan mouse kb monitor.
    pati na rin ung mga connector sa mobo mo to psu.

    pag uwi mo try mo ule. plug mo lang pc mo sa avr, w/o monitor kb mouse lahat, as in pc lang. ung cmos wag muna rin.

    sige po gawin ko kaso natatakot ako bka pag pinatay ko hindi na sya mag on ng tuluyan ...

    okay wala pa ko lakas ng loob para gawin to ehe .. siguro mmya nalang gabi bago matulog ko nalang gagawin to .. baka kasi kaylanganin ko ung PC paguwi ko galing school eh ..

    thanks again po sa mga nag reply !!

    -- edited by predidi on Aug 18 2015, 10:02 AM
  • let your pc unplugged for a day remove cmos na rin. as in walang nakasaksak. o di kaya pag pasok mo sa school. unplug mo lahat lan mouse kb monitor.
    pati na rin ung mga connector sa mobo mo to psu.

    pag uwi mo try mo ule. plug mo lang pc mo sa avr, w/o monitor kb mouse lahat, as in pc lang. ung cmos wag muna rin.

    Ayun ginawa ko sya dhil nag brown out pag uwi ko no choice haha ..ganun pdin pero mas mabilis na sya mag bukas ngaun (yay!) 3rd try plang on na pero nag taka lng ako kc delay siya ung pinindot ko ung power the 3rd time di ko muna sya pinindot ulit kc may katxt ako mya mya nag bukas siya mga 10-15 secs bago siya bumukas ..

    hmmmm pag tiyagaan ko muna talaga tong pc ipon na ko pang upgrade haha .. guys kano ba AMD a6 3670 ngaun na procie 2nd hand benta ko na din to pag tagal eh .. selling as deffective ko nlng ung board nya ..

    or kung may nakaencounter ng gantong prob na na ayos nila .. paki share namn po thanks! hihihi

    up
    UP
    UP

    -- edited by predidi on Aug 19 2015, 03:03 AM

    -- edited by predidi on Aug 19 2015, 03:05 AM
  • nangyari sakin to... psu ang sira. after palit psu eh ok na
  • try mo remove ung RAM mo then try mo i-on.

    tingnan mo if magbubukas kaagad. pag wala. baka psu or board na yan.

    -- edited by Deadmau5 on Aug 19 2015, 08:23 AM
  • check mo mobo baka may mga naka angat or sirang capacitor na at reset mo si processor
  • marilynxmanson
    nangyari sakin to... psu ang sira. after palit psu eh ok na

    sinubukan ko n mag palit ng PSU but same prin ..

    PCaddict
    check mo mobo baka may mga naka angat or sirang capacitor na at reset mo si processor

    wala naman pong bloated na capacitors ..

    Deadmau5
    try mo remove ung RAM mo then try mo i-on.

    tingnan mo if magbubukas kaagad. pag wala. baka psu or board na yan.

    yep ginawa ko po yung sinabi mong procedure last time .. inalis ko lahat ng nakakabit sa mobo including processor ng almost 1 day then after nun hindi agad sya nag on agad ..

    but ngayon gumagana na sya nag brownout ulit knina at isang click booom!!!! nag on na agad sya .. then pinatay ko ulit then boom! isang click nlng ulit hehehe

    Guys! thanks sa mga nag bigay ng suhestiyon 1 click kaboom ON na agad .. talgang isang milagro hahaha isang click nlng on na sya ulit . pede ko na ulit patayin ung PC ko pag matutulog n ko at hindi nagagamit hehehee .. thanks!

    special thanks to Deadmau5

    wala po akong pinalitan same PSU same mobo 1 click on n ulit hehee ... thanks tipidpc ....

    -- edited by predidi on Aug 19 2015, 11:18 PM
  • LOL Kawawa naman ang mga \"generic psu.\" Pag hindi umandar, generic psu agad ang may kasalanan. Sinabi na nga ni TS na hindi sira ang PSU nya dahil na-tenest naman. Kung nagbabasa-basa lang tayo ng konti, malalaman nyo na may mga bagong motherboards ngayon na may ganyang issue, kahit na gamitan mo pa ng pinakamahal na branded psu...hindi aandar pag nag-power off ng matagal. Notorious among these new motherboards is the ASRock Z97 Extreme4. Reoccurring problem po yan ng ilang model ng motherboards, hindi yung psu agad ang sira.
  • hannibalxx
    LOL Kawawa naman ang mga \"generic psu.\" Pag hindi umandar, generic psu agad ang may kasalanan. Sinabi na nga ni TS na hindi sira ang PSU nya dahil na-tenest naman. Kung nagbabasa-basa lang tayo ng konti, malalaman nyo na may mga bagong motherboards ngayon na may ganyang issue, kahit na gamitan mo pa ng pinakamahal na branded psu...hindi aandar pag nag-power off ng matagal. Notorious among these new motherboards is the ASRock Z97 Extreme4. Reoccurring problem po yan ng ilang model ng motherboards, hindi yung psu agad ang sira.

    yep tama ka diyan sir .. kawawa nmn mga generic psu haha .. marami ako nabasa sa forums ng same prob ng sa akin most of their opinions eh PSU agad ang sira .. lalo na nga kung generic ito .. pero natry ko kc sa pc ng pinsan ko ung PSU ko eh kaya ang hinala ko talga eh Mobo ang sira .. oh well buti okay n ulit PC ko hehehe ..

    kaya Kung same tayo ng problema eh subukan nyo yung suhestiyon ni sir Deadmau5 bka gumana din sainyo ..
  • UPDATE

    ayun pinatay ko kagabi si PC tapos binuksan ko kaninang umaga okay naman nung umaga 1 click open agad ginamit ko sya mga 30 mins lang pinatay ko nadin ulit ..

    then kanina pag uwi ko mga 6pm hirap nanaman mag-on siguro mga isang oras na di parin nag bubukas so hiniram ko laptop ng kapatid ko at nag hanap ng possible way para mag on ulit ang pc ..

    may nabasa ako sa isang forums .. ginawa ko inalis ko cmos battery then wait for 30 mins then boom nag on ulit sya ..

    hindi ko na muna ulit papatayin etong pc baka di na mag-on the next time na i-off ko ulit .. siguro nga eh need ko na palitan MoBo and PSU para maging okay na haha .. ipon mode ! tagtuyot mode!

    again thanks sa mga nag bigay ng mga suhestiyon nila .. sana may mag bigay pa ulit ng mga suhestiyon kung papaano maayos etong ganitong problema thanks TIPIDPC!...
  • ^tinatangal mo ba sa saksakan kapag hindi mo ginagamit?
    nabasa ko itong problema ng Asrock minsan, afaik ang workaround dito huwag mong unplug (hindi ako sigurado!)...

    May ganyan akong problem dati. Ilang pindot ayaw din bumukas. I\'m using a branded corsair hx620 psu at naka AVR pa. Eventually nagpalit ako ng mobo kasi ayaw na nga bumukas (sa case si mobo ang salarin). Maybe, sign din yan na pasira na mobo mo.
  • LG55555
    ^tinatangal mo ba sa saksakan kapag hindi mo ginagamit?
    nabasa ko itong problema ng Asrock minsan, afaik ang workaround dito huwag mong unplug (hindi ako sigurado!)...

    yep sir parang ganun kasi pinapatay ko AVR everytime na pinapatay ko PC eh ..

    d3rrlck
    May ganyan akong problem dati. Ilang pindot ayaw din bumukas. I\'m using a branded corsair hx620 psu at naka AVR pa. Eventually nagpalit ako ng mobo kasi ayaw na nga bumukas (sa case si mobo ang salarin). Maybe, sign din yan na pasira na mobo mo.

    yep sir ramdam ko din na pasira na talaga si mobo .. pag tiisan ko muna gang magka pera .. wala na ko makitang mga FM1 mobo sa mga malls mukhang need ko na din idispose si procie .. need ko na mag upgrade .. huhuhu wapa pera .. tiis mode muna ..

  • 2 years na po yung pc ko

    Mobo
    F1A55-M LX3 R2.0

    kung board problem talaga sir, ipa rma mo nalang sa store na pinag kunan mo. 3 years naman ang asus need mo lang ng ibigay copy ng resibo mo.. pero malamang FM2 board na maipalit sayo... :)

  • ComPeter

    kung board problem talaga sir, ipa rma mo nalang sa store na pinag kunan mo. 3 years naman ang asus need mo lang ng ibigay copy ng resibo mo.. pero malamang FM2 board na maipalit sayo... :)

    wala na sir ung mga resibo na tapon ko na siya .. sa pc express ko binili noon .. bibili nlng siguro ako ng bago next time, haha still kicking pa nmn siya mahirap lng talga mag bukas ..