Please help windows random freezing/hang up problem

Good morning mga sir tanong ko lang kung ano pa ba dapat gawin sa pc ko?

History- before ko ma-encounter yung problema, naka dual boot ako ng windows 7 and windows 8.1 pro then inupgrade ko yung windows 8.1 pro to windows 10 preview. during installation ng windows 10 ilang beses nag black screen o naghahang yung installation so ang ginagawa ko nirereboot ko using power button hanggang sa macomplete ung installation. Nung naging successful na yung installation ng windows 10 ilang beses at ilang araw ko pa nagamit yung pc then eventually dun na nagsimula yung random freezing.

Actions- nagresaerch ako sa net ginawa ko na yung complete reformat, nagpalit ako ng hard drive, nag reseat ako ng ram, nilinis ko yung mga fan, nilinis ko yung hsf ng procie, pinalitan ko pa ng arctic silver 5 thermal paste yung inaply ko na unang generic thermal paste sa procie at heatsink dahil sa akala ko mababa yung thermal conductivity rate ng generic compare sa arctic silver 5, chineck ko yung power supply ok naman, ilang beses ako nagcheck gamit yung hp diagnostic tool para sa lahat ng parts- touch interface, procie, memory, hard disk, cddvdw, booth path lahat passed. Updated ang bios version ko. Ganon pa rin no avail naghahang pa rin. Hindi rin umiinit yung procie at hsf. Pero nung last tym ginawa ko hinayaan ko nakabukas yung back cover panel ng computer at hinayaan ko naka power on napansin ko ng hinawakan ko yung heat sink ng ng gpu or ng nvidia chip sobrang init kaya binaklas ko yung heat sink at pinalitan ko ng arctic silver 5 dahil matigas na yung thermal paste at tuyo na. After 10 to 15 minutes binuksan ko na ulit yung pc pero few minutes p lang paghipo ko sa heatsink walang pinagbago sobra init pa rin at naghahang pa rin yung windows kahit nakakabit na yung 2 exhaust fan at tinutukan ko pa ng stand fan yung likod ng pc at nakatanggal yung back cover panel. Pero kung naka stand by on lng sa bios set up utility at hp diagnostic tool hndi naman naghahang gumagana naman yung keyboard at mouse.

Ano pa ba ang hndi ko pa nachecheck? O dapat ko gawin?

Nag install din pala ako ng HWMONITOR ng CPUID nasa proper range naman yung temperature ng lahat ng components.

Nagscan din ako using avast and malwarebytes- no virus found

HP touchsmart 600-1130me AIO all in one pc
OS- windows 7 64bit
Motherboard- Pegatron IPP7A-M5
Intel core 2 duo t6500 2.10ghz
4gb ram
Nvidia geforce 9400