Forum Topic

pwede bang gamitin ulit ang avr na na overload?

  • ganito po kasi yung kapatid ko sinaksak nya yung extension sa avr..nagcocomputer ako di ko napansin..tapos nagplantsa sya sinaksak sa extension na nakasaksak sa avr di ko talaga napansin ginawa nya..malayo kasi sakin yung avr..

    tapos may nangangamoy sunug na wire tapos chineck ko agad pc ko tapos wala naman amoy chineck ko sa ginagamit nyang plantsa wala naman tapos chineck ko maigi yun pala sinaksak sa avr... di naman pumutuk yun avr ang init lang..pwede naman mag on yung avr.. natatakot lang ako gamitin ulit baka madamay pc ko..

    thanks po sa makakatulong..
  • Check mo yung fuse
  • Not advisable. Baka majackpotan ka ikaw ren. Pwedeng mag work pero not for long. Tama ren naman na check fuse.
  • yung fuse po di po sunug nung chineck ko..
  • wow hindi bumigay yung fuse dun sa plantsa na halos 1000watt ang power consumption.

    better junk that AVR, malamang wala ng silbi yung buck transformer nyan sa loob, baka bigla na lang mag hang yung PC mo or ayaw mag start pag ginamit mo pa yan.
  • yung fuse po di po sunug nung chineck ko..


    yan, bad sign yan. na bypass yung function ng fuse.
  • pero po boss nag oon pa po yung avr di ko pa natest ulit sa pc ko..

    at nung may nangangamoy sa avr di pa nagoff yung pc ko..kusang pinatay ko lang pc ko..
  • .. ang tanong, branded ba yung AVR mo, o yung free lang na kasama sa PC pag bumili ka ng unit?

    .. ang fuse kasi, di yan bibigay kung mataas yung rating niya kahit na saksakan mo pa yan ng ilang appliances.LOL! check mo muna yung capacity ng AVR, baka kaya niya hanggang 2000 watts. pero kung yung free yan na kasama sa mga PC, 500 watts daw yan, so dapat, ang fuse niya eh nasa 2.5 Amps lang. kaso kung 500 watts nga siya pero yung fuse eh 5 Amps, malabo nga yan bumigay. 1000 watts na plantsa eh nasa 4.5 Amps lang.
  • boss generic lang po..

    nakita ko po -5A yung katabi nakalagay sa lalagyanan ng fuse yung iniikot..
    kung ganon sir pwede ko pang gamitin ulit yung avr??
  • Pa post nalang details specs ng AVR mo. kung kaya mo open. please remove plug before opening the AVR. check mo physical condition ng mga components. specially the coils of the transformer.

    kapag ok naman, close the AVR. Plug it and check the output sa tester. kapag gumana. ok cya. Suggest ko gaminitin mo nalang sa other purpose na hindi mahal devices naka kabit.
  • kung ako yan di ko iririsk yung pc or kahit anong gamit sa bahay kung ganyan na yung avr, mura lang naman avr kumpara mo naman kung masisira ang motherboard o kung ano man masira sa loob ng pc mo.
    ikaw kung matapang ka go, update mo kami sa experiment mo.
  • Tol ganito yan....TS ...ang plantsa mo pag sinaksak yan sa AVR na low wattage...hindi mo makukuha ang tamang wattage ng plantsa mo...kung 1000 watts ang plantsa baka 300 watts lang ang pumapasok sa plantsa mo...mag iinit ng husto ang AVR syempre...pero kung hindi pumutok ang fuse ibig sabihin hindi sya nasagad... baka naka low yung plantsa... ibig sabihin pwede mo pa magamit ang AVR...

    kung nangamoy at pumutok ang fuse ng avr mo...malamang nasunog ang magnetic wire ng transformer sa loob ng avr ...pero hindi nman diba?
  • ganito gawin mo...isaksak mo ang AVR at wag mo kakabitan ng kahit anong appliances....then check mo output voltage kung 220 v AC....kung ok pa ...go mo..

    pero kung pag saksak mo ng avr ay pumutok ang fuse...wag mo na ituloy...or wag mo na gamitin ang avr..

    paalala lang...ang iron, washing machine, ref, aircon, vaccum cleaner, lamp, rice cooker, dryer, electric fan ay ilan lang po sa mga appliences hindi na ginagamitan ng AVR .... :)
  • nangamoy lang boss at yung fuse di sunug..

    binuksan ko at parang na melt yung cover na plastic seal ng copper wires yung napaikotikot (di ko alam pangalan).
  • @mangarmot

    delicades yan boss never suggested ang mga generic AVR. ako personally mas prefer ko isaksak nalang sa derecho sa wall or sa surge protector (panther) kaysa gumamit ng ganyang AVR. Also, wala naman mangangamoy sunog ng malakas kung wala talagang nasusunog. so malamang may busted na sa loob nyan baka umapoy pa pag ginamit ule ng matagal!

    better safe than sorry

    -- edited by kizey28 on Jul 27 2015, 10:57 PM
  • wait lang bat dalawa username ni TS
  • kung nasunog na ang plastic bobbin ng transformer sa loob...pwedeng ang copper wire or magnet wire nya ay nasunog na ang plating or insulation...pag ganun pwedeng bumaba na ang ohmic value ng magnet wire...at hindi na safe gamitin...

    DEADS NA YAN BRO... BILI KA NALANG ..:)
  • @kizey

    meron akong panther extension..
    parang avr na ba yun?

    nakigamit lang ako ng laptop ng kasamahan ko naka login account nya..
  • meron akong panther extension..
    parang avr na ba yun?


    hindi.
  • pero ano po mas maganda yung avr po o yung surge protector na panther?
  • @mangarmot....

    UPS ang mas okay...APC brand..

    pero ako umabot ng 7 years ang ang PC ko na naka direkta lang sa outlet na walang AVR pero tumagal... kung maganda naman ang bigay ng kuryente sa inyo pwede naman walang AVR...lalot ang gamit mong power supply ay true rated..
  • Just saw this new arrival from cdr-*ing ok po kaya to? My HDTV keeps on flickering every hour, lalo na kapag nagcliclick ref namin

    <click here for link>