Forum Topic

Auto Shutdown

  • Good day po sa lahat!

    Baka po may makatulong or makasagot. Last night habang naglalaro ako ng DOTA 2 bigla na lang namatay pc ko. hindi ko siya mabuksan agad kelangan ko muna maghintay ng 5 to 10mins. Napansin ko rin na nagbubukas lang siya from 6am to 12pm hindi na siya bubukas ng tanghali tapos 6pm to 6am bukas siya na walang problema without GPU. Nung una akala ko GPU problem lang ginawa ko pinalitan ko hindi nawala problema. Then nagpalit na rin ako ng PSU tumagal lang siguro ako ng 1 hour sa gaming namatay na naman ulit. Sa tingin ko ano kaya problema? Procie or Board na kaya o thermal paste? yan na lang hindi ko nagagawa. Thanks sa mga sasagot at makapagbibigay ng info :)
  • ano ang model ng psu mo at baka pangit?

    ano ang load temps ng gpu and cpu mo?
  • thermal runaway event?

    try mo open side panel tapos tapatan mo ng electric fan.
  • Check mo temps ng PROCESSOR mo
  • @ALL been using Aerocool Strike X 500watts po. Tapos ang pinalit ko po Blue Lightning 500watts din po. Temps po ng GPU nasa 41 to 45 at IDLE. 69 to 70+ full load po. CPU Temp at 35 po dko lang na-check kapag gaming na.
  • ^
  • baka di kinaya ng psu mo un nilagay mo na vga card,,,, ano video card gamit mo
  • incomplete details makes an incomplete answers ^_^.
  • Gamit ko po GTX 560 TI and sinubukan ko rin gamitin GTX 460 ko. 2 years ko na pong gamit ngayon lang nagkaprob. Nagpalit-palit na rin po ako ng PSU and Card same issue pa rin
  • Possible cause:
    1. CPU overheating dahil sa tuyong thermal paste o kaya maduming heat sink.
    2. Defective mobo, may case na din akong ganyan lahat nilinis na pero shutdown pa din as in walang pasintabi. Check mo din yung mga mobo capacitor baka bloated na.
  • baka mobo yan may tama mga chipsets o yung capacitors..

    -- edited by mangarmot on Jul 09 2015, 12:23 PM
  • 1. check mo lahat nang cable/wire (Psu / motherboard 24pin & 4pin or 8pin / SATA cable)
    personal experienced ko ang random shutdown, ay dahil hindi nakasaksak maigi ang mobo 24pin ko.
    2. check \"beeb sound\" nang motherboard speaker <click here for link>
    3. check hard disk noise \"click of death\" <click here for link>
    4. ang sign na may issue ang RAM, beeb sound at Freeze/Hang habang ginagamit <click here for link>
    4. check mo yung PSU sa BIOS/Apps kung nag bibigay ito nang tamang voltage \"12v / 5v / 3.3v\" (go for Branded Psu for ease of mind)
    5. sa temperature gamit ka nang ibang monitoring apps <click here for link>
  • @ALL Thank you po sa lahat ng Advice nyo. Today susubukan ko po lahat ng suggestions niyo starting from thermal paste hanggang sa hardware. po-post na lang po ulit ako kung ano man ang magiging resulta. Again thank you po sainyong lahat na nag-effort sumagot.