-
Ripantnow [TS]
on
06 Jul 15 @ 09:01 PM #
I know marami makikinabang dito sa thread na ito lalo na ngayon tag ulan na. Once na ako naka tyamba makabili noon sa surplus ng waterproof jacket pero nasira na matagal na, after that di na ulit ako makatyamba makabili ng 100% water proof jackets. Tried Jag thug, Dickies, and recently Taichi Rainsuits. Kanina galing ako sa columbia and ang cheapest waterproof daw nila etong Columbia Watertight II which cost 5000 pesos. Pero parang duda pa rin ako sa pagiging waterproof nya at durable.
Kayo ba may alam na sure 100% waterproof jacket? With hood sana.
-
MrBungle
on
06 Jul 15 @ 10:47 PM #
Nakabili ako summer 2014 ng waterproof jacket sa Columbia on sale. From 9999 to 2.5k na lang.
Manipis siya at cool breathable fabric pero talagang waterproof para sa tropical climates. Ok naman siya hanggang ngayon pero di ko madalas nagagamit.
-
kimcarl0s
on
06 Jul 15 @ 11:46 PM #
Spyder Vapor Jacket
-
Ripantnow [TS]
on
07 Jul 15 @ 12:25 AM #
@kimcarlos
Interesting sir. I visited their website and nakita ko rin iba nila waterproof jackets. Ok ba talaga kahit heavy rain?
-- edited by Ripantnow on Jul 07 2015, 12:26 AM
-
HighWind
on
07 Jul 15 @ 12:53 AM #
Try brands like Northface, Columbia, Marmot, Mountain Hardwear, Arc Teryx, Marmot. Medyo pricey sila pero it serves its purpose. Sure na waterproof talaga.
-
terence
on
07 Jul 15 @ 02:21 AM #
Naka chamba ako ng Hyvent na Jacket sa North Face ATC. 2.5k kuha ko yung lime green na color lang yung ganung price while yung ibang color na jackets nasa 4 to 5k pa. Tested ko na while biking in the rain for long distance at twice sa Ambangeg trail ng Mt. Pulag. Ramdam mo yung pagka breathable niya kasi hindi kulob sa loob ng jacket at 100% waterproof talaga.
-- edited by terence on Jul 07 2015, 02:22 AM
-
Ripantnow [TS]
on
07 Jul 15 @ 09:32 AM #
Hmm... then ibig sabihin worth the price pala talaga yan mga expensive jackets na yan. Pinaka mura 5000, regular price.. Di ko alam kung 100% waterproof na rin sya compared dun sa tig 7000-10000 na naka sale.
Pero interesting din yung Spyder although parang ang nakikita ko lang sa branches nila puro motorcycle padded jacket kaya try ko nga silipin next time. Pero I still need to research sa mga users muna. Medyo nakailan bili na kasi ng jacket, puro failed.
-
Ripantnow [TS]
on
07 Jul 15 @ 07:05 PM #
up!
para sa mga naka Spyder waterproof jackets dyan. Confirm and tested bang waterproof talaga sya kahit heavy rain? Tsaka magkano? Medyo mahal kasi yung mga ka level ng columbia at the north face, wala ako alam na sale ngayon.
-
gen0
on
07 Jul 15 @ 08:42 PM #
Pero interesting din yung Spyder although parang ang nakikita ko lang sa branches nila puro motorcycle padded jacket kaya try ko nga silipin next time. Pero I still need to research sa mga users muna. Medyo nakailan bili na kasi ng jacket, puro failed.
leather jacket ka na lang, waterproof talaga. kaso sa neck area ang pasok ng tubig kung di hooded. hehe
-
Ripantnow [TS]
on
07 Jul 15 @ 08:48 PM #
@gen0
uy sir andito ka din. Pang general use hanap ko. Need ko rin may hood.
-
Ripantnow [TS]
on
11 Jul 15 @ 05:12 PM #
Kakagaling ko lang sa spyder and unfortunately, lahat daw ng branch wala rain suits. Or wala rin sila kahit jacket na 100% waterproof... So back to expensive branded options muna ulit ako. Sale naman ngayon need ko makahanap. Sana lang talaga sure na 100% waterproof na kapag bumili ako, nakaka ilan na nabili ko.
-
gen0
on
11 Jul 15 @ 07:00 PM #
napadpad lang. hehe
ako ay tyaga nalang sa green kapote. really really waterproof. hassle lang isuot-hubad, pero kung point a to point b lang ako at may bubong both points ay okay na siya.
so now ang porma ko kay leather jacket pag cloudy with a chance of meatballs este rains. pag drizzle okay lang naman pero pag buhos na talaga its kapote time na...
-
wallcolm_x
on
13 Jul 15 @ 12:34 AM #
mga sir pic naman nito
Naka chamba ako ng Hyvent na Jacket sa North Face ATC. 2.5k kuha ko yung lime green na color lang yung ganung price while yung ibang color na jackets nasa 4 to 5k pa. Tested ko na while biking in the rain for long distance at twice sa Ambangeg trail ng Mt. Pulag. Ramdam mo yung pagka breathable niya kasi hindi kulob sa loob ng jacket at 100% waterproof talaga.
Spyder Vapor Jacket
-
shintsan88
on
13 Jul 15 @ 01:05 AM #
napadaan rin lang. what interests me more is not one specific type of protective clothing, kundi ito::
<click here for link>
technically any fabric or any piece of wearable can be made waterproof with this kind of spray. imagine your canvass shoes and cotton socks na di maso-soak ng tubig, kahit itubog mo :)
-
Ripantnow [TS]
on
13 Jul 15 @ 10:46 AM #
@shintsan88
that is also an interesting product. Ok yan kung hindi 1 time use lang ang effect.
from batangas city pa kasi ako medyo limited choices dito. bukas nasa manila ako, try ko punta ilan malls sa route ko, hanap ng sale na columbia, the north face, kapag may nakita big sale baka ito na bilhin ko ng matapos na paghahanap ko.....
-
Ripantnow [TS]
on
14 Jul 15 @ 10:10 PM #
Nakabili na ako kanina para sa akin at sa wife ko. Same model. Ladies size lang yung kanya.
The North Face Venture Jacket
https://www.thenorthface.com/shop/mens-venture-jacket-3
P6,990
It seems kasi na walang ibang makapag suggest dito ng cheaper alternative na maporma din gamitin for general use so para tapos na ang paghihintay ng suggestion ay bumili na ako. Di ko pa lang masusubukan sa ulan sayang. Parang gusto ko tuloy maguulan ulit hehe! Expensive pero ganito na yata talaga presyuhan ng mga ganitong 100% waterproof jackets, meron pa nga dun nasa 9k+ pero sobrang nipis parang plastic lang.
-
wallcolm_x
on
16 Jul 15 @ 08:44 PM #
pricey ah
-
Ripantnow [TS]
on
16 Jul 15 @ 09:10 PM #
@wallcolm_x
isipin na lang natin sir na ang natipid ko na lang ay time, tsaka ang pagkakamali na makabili na naman ng palpak na jacket. Yun ang pricey, ang makabili ng mali. Atleast dito kampante na \"siguro\" na waterproof na nga talaga.
Kahapon nagpabasa ako sa hose. Hindi ako nabasa. Pero wait ko rin muna heavy rain talaga para makapag conclude na kung worth it etong nabili ko.
Tsaka nakakainip maghintay ng recommendation ng ibang may cheaper alternative, di naman halos gumagalaw itong thread. Ang nirecommend rin ng ilan sa itaas ay etong mga pricey, kaya masakit man sa bulsa ay go na lang.
-- edited by Ripantnow on Jul 16 2015, 09:14 PM
-
wallcolm_x
on
19 Jul 15 @ 12:42 AM #
purpose ko kasi kaya gusto ko water proof is para pag bike ko papasok
-
Ripantnow [TS]
on
19 Jul 15 @ 01:06 AM #
Naghihintay pa rin ako ng ulan ^_^
Di pa nasusubukan. Sa motor ko naman gagamitin.
-
Ripantnow [TS]
on
02 Aug 15 @ 02:44 PM #
So yun, nung isa araw lang inabot ako ng literal na malakas na ulan habang nagmomotor ako. Medyo sad pa ako kasi pakiramdam ko nabasa na ako kasi ang lamig sa dibdib ko, ramdam ko rin parang nakadikit na jacket sa damit ko kasi basa na. Pero WTF! Surprisingly pagdating ko sa destination ko, paghubad ko sa jacket ko, tuyong tuyo ang damit ko! hehehe! So yun, masasabi kong worth the price nga itong mga branded rain jackets na ito.
Cons lang is maginaw. Parang sa katawan mo talaga pumapatak ulan. So wearing sweater is advisable.
-
MrBungle
on
02 Aug 15 @ 10:28 PM #
^ Eksaktong ganyan din yung experience ko nung first time ko ginamit sa ulan yung manipis na columbia rain jacket ko. Pang tropical kasi yung waterproof fabric niya. Meron din modelong water proof jacket may inner lining para hindi maginaw.
-
cleric
on
04 Sep 15 @ 02:40 AM #
I would suggest Mountain Hardwear\'s Plasmic and Finder Jackets.
Both are lightweight < 500g and water proof.
I like the plasmic more because of the pit zips. Sakto sa pagbbike. Ok lang na di weatherproof ung zippers sa pockets at pit zips dahil mababasa ka naman din ng pawis. Plus it looks more pretty.
Another would be the Columbia\'s watertight II.
Para sa budget friendly. Ung packable na rain jacket na mabibili sa piling bike shops na may fb pages / online stores. Price ranges from 1.3k-1.5k.
Plastic ung material pero tela ung stitch kaya dun ka mababasa. I suggest bumili karin ng seam sealer na tig 250 ata, ung coleman.
Isa pang downside ay may vent sa pits kaya mababasa ka sa malakas na ulan pero at least wind proof ka. Hehe
-
HighWind
on
04 Sep 15 @ 05:19 AM #
Mahirap mag hanap ng murang water proof na jackets. Kung mag titipid ka, bumili ka ng poncho or raincoat. Worth it ang price nyan, sim tape palang mahal na. Kung may kakilala kayo sa US, mas maganda mag order kayo dun tapos pa dala dito saten.
Kung gusto mo maka mura, try mo mag hanap sa mga ukay ukay, kaso gamit na gamit na yun, at yung mismo waterproofing nya e nawawala na. Another alternative is by buying a waterproofing spray, madami neto sa outdoor store like Sandugo basecamp.
-
mixmasta
on
04 Sep 15 @ 06:22 AM #
Group buy na yan. :)