Forum Topic

Evaporative Air Cooler Health Risk

  • mga sir pa advice naman sa mga user nito. balak ko kasi bumili para sa family ko. bagong lipat kasi kami sa House ko from bahay ni misis. so eto naman yung kwarto namen. mga 100inch ang haba then 75inch ang lapad. pwede na para tulugan lang sa gabi at ng mga kids sa tanghali. now nagsearch search kasi ako about sa said item. and totoo po ba na may bad effect po ito sa kalusugan specially my son is 3years old and mag 1year pa lang si bunso. gagamitin kasi namin to overnight and specially pag matutulog sila ng tanghali. hindi din kasi alam ng pedia nila if safe to gamitin lalu na sa katagalan. problem din sa budget kaya hindi kaya ang aircon also the electric bill in the long run.. pa share naman ako ng mga ideas nyo mga sir... salamat.
  • UP!
  • UP!
  • UP!
  • portable evap cooler ba o wall/window-mount?

    1 advantage ng evap cooler ay nalilinis niya yugn hangin na dumadaan sa kanya. kaya kung window-mount, malinis yung hangin na papasok sa room mo (unless may ibang pasukan ng maalikabok hangin). kung portable kasi, nakapasok na yung hangin tapos lilinisin na lang ng evap cooler kapag dumaan sa filters. sa point na ito, benefit siya lalo na kung may allergy sa dust.

    1 disadvantage naman ay tumataas ang relative humidity ng room, mas maalinsangan & malagkit sa katawan