Forum Topic

saan maganda mag-take ng college scholarship exams?

  • graduating yung anak ko this march(High School), I believe sila yung last batch na gra-graduate this year kasi hindi na sila inabutan ng k-12, consistent Honor Student sya, gusto ko sana sya mag take sya ng scholarship exam ano ba mas maganda yung direct sa school or yung parang mga foundation, and saan kaya maganda? thanks in advance!
  • kung Manileno, sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM)

    Pero depende din kasi sa course na gusto ng anak mo. Meralco Foundation maganda din.

    -- edited by mike12 on Dec 29 2014, 07:23 AM
  • mag take sya ng DOST scholarschip o kaya SM foundation scholarship. Yan dalawa ng pinaka malaking magbigay ng allowance. 2.5K pesos yata a month ang allowance tapos sagot lahat ng tuition sa UP.

    mas maganda din yung Monbusho para sa Japan sya mgco-college. Check mo yung monbusho page sa Japanese Embassy website.
  • i think nasa batas na dapat lahat ng schools may scholarship...

    depende na lang sa course na gusto ng anak mo. kung engineering/it mapua, medicine ust, law up, etc...

    working scholar ako dati sa ust (walang binabayaran, mababa maintaining grades, may monthly allowance, pero 4 hours a day ang work). kinausap ko office of student affairs namin kung may iba pang option, nalipat ako into company scholar. meaning may external company na nagsponsor sakin. high maintaining grades ang requirement pero no need naman mag work every day.

    i suggest na puntahan mo yung gusto nyang school then kausapin mo yung office of student affairs para sa available scholarships
  • I was a DOST scholar. Although may binabayaran pa rin ako, it helps! 7k lang sagot sa TF and 2k allowance nun. How much na ba ngayun hehe

    Sana sa mga state U na lang akong nag-enroll hehe
  • ako ay dost scholar din dati. 3.5k sa tuition at 2k monthly allowance. pero ang dost ay nagpapa exam during october o november, at ang results ay february.

    ang alam ko ay nagpupunta ang dost sa mga schools, kaya namiss na ng anak mo ang pagkakataon. sayang dahil mas malaki na ang bigay ng dost, 6k o 8k yata kada buwan, parang nagtrabaho na rin.
  • balak sana nya Marine Engineering, bakit required and Medical Exam pag Marine Engineering?