Forum Topic

Regalo sa Inaanak:

  • magkano ang usual na binibigay na pera sa inaanak sa pasko?

    seryosong tanong so seryosong sagot sana.
  • pag ka-close ang parents at natutuwa ka sa bata, 1k. pag medyo close lang pero natutuwa ka sa bata, 500php. pag napilitan ka lang um-oo nung binyag nung bata dahil di naman kayo close nung magulang at feeling mo kaya ka lang kinuhang ninong eh dahil mukha kang maraming pera, okay na 200php.
  • pag ka-close ang parents at natutuwa ka sa bata, 1k. pag medyo close lang pero natutuwa ka sa bata, 500php. pag napilitan ka lang um-oo nung binyag nung bata dahil di naman kayo close nung magulang at feeling mo kaya ka lang kinuhang ninong eh dahil mukha kang maraming pera, okay na 200php.



    ninong mamamasko po hahaha
  • yan din ang policy ko eh haha. hanggang ilang taon ba ang binibigyan?
  • Di ba pag nag-college na at nag-debut na hindi na dapat binibigyan?
  • 150 pesos. Yan ang binibigay ko sa lahat ng inaanak ko, simula nung unang nagka inaanak ako at hanggang ngayon. Ka-close man o hindi, college na or highschool man, or elementary or mas bata pa. Lahat pantay pantay. Ang mahalaga kasi dyan atleast di mo sila nalimutan bigyan ng aginaldo. Make sure na mag effort ka din isulat sa sobre yung pangalan nila tapos merong greetings na \"Merry Christmas & Happy New Year! Love: Ninong <insert your name here>\"
  • Di ba pag nag-college na at nag-debut na hindi na dapat binibigyan?

    IMO. Depende to sir, kasi minsan sila na mismo ang mahihiyang lumapit sayo para humingi ng aginaldo. Sa case ko kasi isinasama ko pa rin sila sa budget ko pero same price pa rin hahaha! Para pag nagpunta sila sa bahay, may naka-ready nang sobre. Pag di pumunta edi ok may pang gastos or na-saved ako.
  • 5 palang mga inaaanak ko.

    kasama na ba diyan yung mga batang sinabi lang na ninang ka pero hindi pa nabibinyagan? kada punta sa bahay namin tawag na sakin Ninang eh... ahhahaha

    ngayon nga ibibigay ko sa mga inaanak ko. eh

    -Damit
    -Laruan

    ayoko ko sana magbigay ng pera... kasi feeling ko hindi nagagamit nung bata at yung mga magulang lang nila ang gumagastos...
  • Ako 200-300 lang binibigay ko, never pa akong nagbigay ng P500 or more sa mga inaanak ko (kuripot si ninong). Upto 5 years old lang ako nagbibigay.
  • ayoko ko sana magbigay ng pera... kasi feeling ko hindi nagagamit nung bata at yung mga magulang lang nila ang gumagastos...


    Na-try ko na kasi before mag bigay ng regalong laruan/damit sa inaanak ko. Eh kapitbahay namin yun may time na nakita ko sa bahay nila di naman ginagamit or ayaw ng bata. Or pag damit naman di pala kasya sa kanya. Kaya pera nalang, ok lang na magulang ang gumamit nun, nasa diskarte na ng magulang kung paano nila gagamitin sa tama yung pera. Mas ok kung gagamitin para sa anak nila.
  • Sa case ko kasi isinasama ko pa rin sila sa budget ko


    ako din, sinasama ko na kasi most naman ng mga inaanak ko eh kaclose ko or ng misis ko. gusto ko lang talaga malaman kung maliit or mataas ang binibigay ko kasi baka lugi na ako or baka minumura na ako ng mga inaanak/kumpare/kumare ko hahaha

    -- edited by bpc_dnd on Dec 10 2014, 03:32 PM
  • Upto 5 years old lang ako nagbibigay.


    ako naman eh pag highschool na eh dapat bawasan na kasi malaki na eh he3
  • ako din, sinasama ko na kasi most naman ng mga inaanak ko eh kaclose ko or ng misis ko. gusto ko lang talaga malaman kung maliit or mataas ang binibigay ko kasi baka lugi na ako or baka minumura na ako ng mga inaanak/kumpare/kumare ko hahaha


    Haha! Mas mainam kung consistent yung presyo ng binibigay mo taon taon. Mas mainam na di na sila mag expect ng mataas or mababa kasi alam na nila na ganun lang kaya ibigay sa kanila. Kaya nga yung isang inaanak ko college na pero ganun pa rin natatanggap nya eh.
  • papalitan ko ng tig 20 pesos na malulutong para madami tingnan no? hahah

    500 yata nabibigay ko sa mga inaanak/pamangkin ko.
  • graduate na ko dyan. lahat ng inaanak ko e high school na. wala ng pumupunta sakin pag pasko. hehehe
  • ^congrats sayo sir! hehe!
  • karamihan sa mga inaanak ko, di ko talaga close ang magulang. Ewan ko sa mga kapit bahay namin, suking suki akong gawing ninang ng mga anak nila. Di nga ako umaatend mismo sa binyag eh. Di ko rin alam mga pangalan nila. hehehe

    300-400 budget ko pero hindi pera binibigay ko. Damit, educational items or laruan ang binibili ko.
  • 2 sa inaanak ko mga teenager/highschool na. Nagpakita sila sa akin kahapon pero hindi ko na binigyan ng pamasko. Sinasanay ko silang wag bigyan. Pero napapa-isip ako ngayon na sana pala binigyan ko na lang din kahit magkano. Parang nagi-guilty tuloy ako ngayon. Hanggang kailan ba dapat magbigay ng pamasko?

  • Kung anong kaya at galing sa puso.. hehe

    -- edited by cordille on Dec 28 2014, 09:20 AM