Hello TipidPC!

Una po sa lahat, di po ako masyadong \"techy\" person.

Gusto ko po sana upgrade yung video card ko. Before, gumagana naman ng maayos yung video card ko. Pero nung nilinisan ko po ung CPU ko, dun na nagkaloko-loko, yung monitor di nag-on and parang my beeping sound. Nagresearch po ako at may nabasa ako na isang dahilan nun eh yung video card. Sinubukan ko pong linisin pero di na sya gumana, kaya built-in video card na lang po gamit ko ngayon. Gusto ko po sana palitan video card ko, para magamit ko po ulit ung PC ko ng maayos.

Gusto ko po sana humingi ng advice kung anong maganda at compatible video card na bilhin ko. At kung ano pa pwede kong mau-upgrade sa PC ko.

Eto po yung current specs ng PC ko:

Intel(R) Core(TM) i5-2400 CPI @ 3.10GHz (4 CPUs), ~3.0GHz
4096MB RAM DDR3 (1067)
Foxconn H61MXT1 V2.0 LGA1155 DMI BUS VGA/DVI-D PCI-e 2.0 x16 DDR3 1333/1066
Nvidia GeForce GT430 1GB DDR3

Kung may kulang po, paki sabi na lang po kung ano at kung saan ko makikita.


Kung meron po sanang marunong magpalit ng video card at kung meron kayong item mismo mas maganda po sana kayo na lang po din po sana gumawa. Kasi di rin po ako marunong mag baklas ng kung ano-ano s CPU. Sabihin nyo na lang po kung magkano ang aabutin. Mas maganda din po sana kung around Bulacan po kayo, para sa inyo na lang din po ako magpapagawa kung sakaling magka problem ulit ako.


Salamat po in advance!!