Forum Topic

Buying a pre-owned house

  • Hello,

    Magtatanong lang sana ako sa mga nakabili na ng pre-owned house dito. May balak sana kasi kaming bilhin na bahay, RFS ng may-ari is lilipat na sila sa mas malaking bahay. Yung bahay ay nasa loob ng isang subdivision.

    Ang tanong ko ay ano ba dapat ang mga dapat kong i-check at i-verify (papers, documents, plans, paid taxes, etc)? At kung ok naman na at matuloy yung deal eh anong mga dapat kong makuha mula sa previous owner?

    Maraming salamat!
  • Mag check ka ng titulo sa Register of Deeds.

    Dapat malinaw na wala ng iba pang hahabol sa bahay later on

    Dapat approve sa asawa at anak if meron.

    Consult a lawyer para sure ka...

    Mahirap na kasi pag nagkaproblema lalo na house and lot....
  • Tol unang una sa lahat ...kailangan nakapangalan sa owner ng bahay ang titulo ...yan ang importante... at register of deeds... ilamin mo rin kung bayad ang amilyar nyan sa munisipyo na sumasakop dyan... at alamin mo rin kung hindi bumabaha dyan ... :)

    bago mo bilhin o magbayad dyan... haharap muna kayo sa kilalang abogado at doon nya maipapakita ang lahat ng legal na documents...titulo, res of deeds at property tax o amilyar... malalaman mo rin sa abogado kung ano ano ang mapapasaiyo... kaya nga sa legal kayo maghaharap bago mag bayaran.. :)

    i-pro-process yan ng abugado ...deed of sale... etc... :)

    tol kung okay naman ang title etc... makiusap ka sa owner na kunwari sa mababang presyo mo bibilhin ang property at yun ay ilalagay sa deed of sale... ang advantages nun ay para kung iapapalipat mo na sa pangalan mo ang title ay mababa ang taxes na babayaran mo kasi nga mababang presyo ang property... :)

    -- edited by rayban1924 on Nov 26 2014, 05:54 PM