Forum Topic

HDMI to VGA Converter.

  • Good day mga sirs,

    kakabili ko lang kasi ng Gigabyte GA-F2A85XN-WIFI itx mobo last weekend. DVI and HDMI ports lang meron siya then VGA lang yung monitor namin. Bumili ako nung 24+1 DVI-D to VGA adapter pero hindi gumana, kala ko ganun ganun lang yung converter yun pala dapat nakaspecify din sa mobo kung kaya niya mag output ng D-SUB.

    Eto yung nakalagay sa site ng Gigabyte, kakabasa ko lang. :(
    * The DVI-D port does not support D-Sub connection by adapter.


    So question ko, may nakagamit na ba nung HDMI to VGA converter? gagana kaya yun? sayan naman kung bibili pako ng murang VC or palit ng monitor, kakabili lang din kasi nung monitor eh.

    salamat po sa sasagot!
  • ^
  • Pwede mong subukan DVI-I adaptor google mo magkaiba kasi sila ng DVI-D

    -- edited by orb2k5 on Oct 20 2014, 01:55 PM
  • hindi rin gagana yan sir. both DVI and HDMI are digital, VGA is analog. DVI/HDMI to VGA adapter \"with digital to analog signal\" converter ang kailangan mo.

    <click here for link>

    <click here for link>
  • @orb2k5
    +5 kasi yung DVI so di rin talaga gagana.

    @statix
    thanks for the input sir, may nabasa na rin ako sa toms about dvi-d to vga and hdmi to vga, meron isa gumana raw pero di ko sure tama talaga. based sa kanya ok daw eh.

    saw this from CDR-King, may nakita na rin ako net gumana naman daw to. ang problem saang tindahan available tong converter na to.



    <click here for link>
  • most shops na nag bebenta ng ipod iphone accessories should have that. be prepared lang to tawad kasi ang laki ng range ng prices miski sa tiangge na tabi tabi na sila, minsan 500 pesos pa difference nila. bought mine for 650 pesos sa shoppesville plus sa greenhills. i think sa cdr-king 499 lang yan. problem lang sa nabili kong unit, walang audio even though it said it did. may kasama pang cable, bumili pa ako ng optical to rca converter dahil sa appletv ko ginamit. hth.
  • @robvillegas
    salamat sa input sir, sige i\'ll check. pero sakin naman no need for audio since sa monitor ko naman siya ikakabit. :)

    nag inquire na rin ako sa FB ng CDR-King sabi as of the moment out of stock daw sa lahat ng branches. ewan ko kung totoo o tinamad lang maghanap. haha!
  • meron sa cdr-king nyan. best to drop by sa store mismo with a printout or a picture sa phone mo for faster identification ng product. marami silang hdmi-vga solutions. meron powered, meron non-powered (like what you posted). worth mentioning din na one way ang converters na yan, baka maibenta sa iyo ay vga-> hdmi. good luck!
  • DVI-D lang pala yang Mobo mo so kahit DVI-I ilagay mo hindi din sya fit sa port, Try your luck nalang dyan sa HDMI to VGA sana gumana

    -- edited by orb2k5 on Oct 20 2014, 06:41 PM
  • Good day po. Meron kasi akong philips 19 inches na monitor at xbox 360. Gusto ko sana iconnect yung xbox sa monitor. Kaso ang monitor ko ay vga ang xbox ko naman ay hdmi. Meron akong nababasa na hdmi to vga converter, hindi ko sure kung tama ba na yun ang bilin ko. Kung gumana man, yung monitor ko kasi walang speaker pero meron naman akong seperate na speaker. Pano po kaya to? Possible ba na malaro ko yung xbox sa monitor at iconnect dn yung speaker ko? Ty po. Maligayang bagong taon!
  • Gumana sir yung gaya nungnipost ko na pic sa taas. Meron niyan sa gilmore IT center. Nakalimutan ko ung name ng store pero tindahan lang siya ng mga spare parts.