Forum Topic

NVIDIA Maxwell: GeForce 700 series/900 series

  • Mga sir patulong naman, kakabili ko lang ng palit gtx 970 jetstream, nagre-restart kasi yung pc ko kapag sa games.
  • Check PSU
  • @judes

    buti nga yan lang problema mo, ako katangahan ko may 970 gaming ako tapos i forgot to research on issues about it.
  • @legaljungle

    Haha tama yan sir positive thinking lang! At least may quality time para sa sarili mo XD
  • @netxzero

    buti nga yan lang problema mo, ako katangahan ko may 970 gaming ako tapos i forgot to research on issues about it.


    Kaya mahirap bumili ng kakalabas pa lang na hardware, dami pa issue.
  • @senek

    ee nge pe ser XD benete ke ne kese yeng seben-eyte ke bege pe bemegsek velye keye eyen XD

    nagpalit na din ako psu para handa na for SLI. natest ko na din and maximum wattage reading with monitor is 324w under full load as opposed to 423w nung 780ti ako. from platinum to gold na kasi ako hehehe.
  • Tsk. es el ay. yemen.
  • would it make a difference in using MSI AB kesa EVGA precision sa pag OC?
  • Wala. EVGA precision gamit ko dati, nag switch ako ngayon sa MSI afterburner. Mas gusto ko lang MSI afterburner kasi sa OSD madami siya display (CPU, RAM, etc.). Tapos buggy pa ata yung latest EVGA precision.
  • May issues ba sa jetstream and zotac? Nabasa ko yung msi daw at evga may issues.
  • ^^^^@mike_espia, lahat naman ng cards may issues. Depende lang talaga sa makukuha. Kung sobrang malas ka, makakakuha ka ng unit na may coil whine regardless of the brand for example.

    Yung TwinFrozr, Strix, at Jetstream, hindi pa perfect yung \"passive cooling\" technology nila. May mga times daw na hindi gumagana one or both fans pag under load. Pero may temporary fix naman ito by setting the fans manually gaya ng sabi ni @netxzero. Then hopefully, ma-fix permanently via BIOS update.

    Yung EVGA naman, palpak yung pagkakagawa ng heatsink. Pero limited lang ata ito sa ACX 1.0 versions ng 970 at 980. Pero benchmarks-wise, ok pa rin yung temps nya kahit hindi naka-dikit sa GPU yung isang heatpipe na lumagpas.

    Sa Zotac naman, especially yung standard, maingay sya. Onwer ako ng regular Zotac 970, and para saking tolerable naman yung noise ng fans. Also, may cases daw ng coil whine yung regular Zotac 970. Pero yung akin wala. This just proves na hindi porket may issue yung isang card, issue na sya sa lahat. Mataas din ang temps nya IF hindi mo tataasan yung fan speed.

    -- edited by bluesitaw on Nov 21 2014, 07:07 AM
  • ^bluesitaw
    Regarding sa MSI, ok naman yung saken, pansin ko lang idle load nya (medjo mainit samen) nasa 40C tapos kapag full load siya, pinakamataas na yung ginamitan ko ng Kumbustor to stress test it na umabot ng 69C, Heaven bench naman 67C max. So far d ko pa nata-try BF4 tinatamad pa ako download ulet. XD Sa fan naman, pansin ko saken, 61C sya start iikot tapos once bumaba ang temp down to 60C, start na dahan dahan ang ikot nito (monitoring using afterburner stats).

    Ano ba distro ng MSI?
  • Good morning mga Sir, balak ko po kasi magdagdag ng isa pang 970 (SLI) this December at itatanong ko lang po sana kung magiging bottleneck yung CPU ko (i7-3770 non K)? In 1080p resolution. Maraming salamat po.
  • Good morning mga Sir, balak ko po kasi magdagdag ng isa pang 970 (SLI) this December at itatanong ko lang po sana kung magiging bottleneck yung CPU ko (i7-3770 non K)? In 1080p resolution. Maraming salamat po.


    bottleneck po sa 1080p reso na monitor.. better get 4k para ma appreciate nyo po yung performance ng SLI for that kind of GPU\'s
  • Mga sir anu sa tingin nyo? Defective kaya ung 970 ko?
  • ^
    Ilang watts psu mo?tska ano temps ng gpu pag nag games kana?
  • ^
    550W sir, di ko ma monitor ung temp kasi restart agad sya after ng loading ng game
  • @bluesitaw

    thanks for the info. yung mga issue ba na to \"minor\" lang? tbh, wala akong pakialam sa ingay. wag lang yung tipong rinig buong bahay. lol. durability lang talaga habol ko. if di naman maaapektuhan lifespan nung card i guess ayos lang sakin to. mixed reviews yung nababasa ko sa jetstream. yung iba sabi tahimik yung iba naman sabi maingay and may coil whine. swertihan nga lang din talaga in the end.
  • ^
    550W sir, di ko ma monitor ung temp kasi restart agad sya after ng loading ng game


    Try reinstalling the Nvidia drivers for GTX 970, baka mali lang nainstall mong driver.

    I remember using the Nvidia driver for GTX 970 on my brother\'s GTX 580 para di na ako magdownload ulit kasi same Nvidia driver version naman. It resulted to constant crashes/restarts. Akala ko kasi all-in-one driver whether 9-series or 5-series tapos same file size pa! So redownload the appropriate Nvidia driver for GTX 970!
  • ^
    Cge sir, thanks sa info
  • evga 970 acx 2.0 ko me passive cooling di umiikot both fans pag under 60c, kaso para saken wala namang silbi kasi umaabot ng 50c pag light usage like web browsing etc kaya inadjust ko na lang yung fan curve at enable yung user define
  • ^
    Ganyan din ung palit gtx 970 jetstream ko, di umiikot ung fan kapag web browsing lang
  • @mike_espia, kung durability lang ang (major) concern mo, mag ASUS Strix ka na. Ang ASUS cards reputable talaga in terms of reliability and components na ginagamit nila. Na-prove ko yun kasi naka ASUS GTX 760 DCUII ako dati. Pansin ko lang, mas makapal yung PCB nya vs Zotac 970 ko ngayon na medyo manipis. Siguro close second for me is yung G1 Gaming. Matibay din yung MSI TFV, pero deal breaker yung pagkawala ng backplate.

    Balik tayo sa Strix. Ang downside nya lang is 1x 8-pin lang ang power connector nya. Sabi sa mga review sites, hindi sya ganun kasing lakas mag OC versus the competition. Also, issue din yung fans. Yung huling news/issue na nabasa ko about it is hanggang 50% lang daw yung max fan speed nya, kahit i-set mo manually. Hanggang 50% lang talaga. Not sure kung ganito pa rin sya ngayon. Pero ang bentahe kasi ng card na yun is \"Silence\" talaga.
  • @Ussop, yan yung point ko. Ok naman ang passive cooling kung sa ok. Pero yun nga lang, mas tataas yung idle/minimum temps mo.
  • @julesN, try mo sa ibang game. Baka mamaya yung game na mismo yung may problema pala. Matagal na ba yang PSU mo? Kasi kung luma na yan, baka dun nangagaling yung problema. Ano ba yung videocard mo dati bago yung 970? Puwede rin kasing cause yun, yung mga naiwan na old driver files ng videocard na sinundan ng 970 mo.
  • matibay talaga asus.. got mine 4 years and running.. sana may stock na ng asus 970 strix dito saten..
  • try mo sa ibang game. Baka mamaya yung game na mismo yung may problema pala. Matagal na ba yang PSU mo? Kasi kung luma na yan, baka dun nangagaling yung problema. Ano ba yung videocard mo dati bago yung 970? Puwede rin kasing cause yun, yung mga naiwan na old driver files ng videocard na sinundan ng 970 mo.


    @bluesitaw
    ganito kasi nangyari, nung nilagay ko kasi sa 2x2 supersampling ung ryse son of rome dun biglang nag restart yung pc ko, btw galing ako sa evga gtx 550 ti, siguro almost 2yrs na din ung psu ko
  • ^
    Naku sir delikado yan baka may nag short na dyan...try mo aa ibamg games pag ganun padin try to reformat para ma sure natin kung software side baka kasi mamya hardware na yan
  • ^
    Sir nag reformat nko, pero ganun pa din, hindi kaya defective tong unit ko?
  • Curious ako sa kung gano kaingay yung mga GPU na kino-complain dito na maingay daw to, maingay daw yan. Hehe. 2008 pa kasi nabuo yung gamit kong rig ngayon at hindi pa high-end ang parts. Pero magbubuo ako ngayong pasko at gusto ko ma-try yung 970 at malaman na din kung \'maingay\' nga. Yung rig ko kasi ngayon dinig ko yung case fans at gpu fan pero kapag naglalaro na eh hindi na napapansin dahil nasa laro na yung focus mo. Mas maingay pa nga nanay ko eh. Hehe. Peace.