Forum Topic

Your opinion on Powerlogic C4 Slim Case

  • parehas lang ata ang holes for screws ng matx and mini-itx kaya pwede.
  • @gtgonzales @awakeruze

    salamat sa inputs nyo, tuloy ko na pagbili ng C4.
  • I have three of these cute casing hehe adik lang.
  • Guys, tanong ko lang. Kasya ba dito ang ASUS P8h77-M LE, Powercolor HD7770, at Strike X 500W Modular PSU? Kailangan ko kasi bigla mapalit ng casing, gusto ko sana naka-horizontal na.

    Thanks!
  • Mobo kasya, yung graphics at psu hindi...
  • Mobo kasya, yung graphics at psu hindi...


    Hassle. Sige, hanap nalang ako iba. Maraming salamat sa reply!
  • Meron po bang malalagay na USB 3.0 na half height lang na PCI-e 1x for this case? Tsaka ano po pwede na power supply ang ilagay sa c4 case in case masira na yung PSU niya.
  • May nakapag try na po ba mag kabit ng Palit GT 730? May nakita ako na may low profile version yung may kasamang half height bracket.


  • Meron po bang malalagay na USB 3.0 na half height lang na PCI-e 1x for this case?
    no idea.

    Tsaka ano po pwede na power supply ang ilagay sa c4 case in case masira na yung PSU niya.
    micro atx ata ang tawag sa size nito.

    May nakapag try na po ba mag kabit ng Palit GT 730?
    kasya naman ang low profile/half-height video cards.
  • maganda pang htpc setup ito. once owned this casing din..
  • Meron po kayang rack/converter para pwede ilagay ang 1 SSD and 1 3.5 HD sa 5.25 bay?

    Current setup ko ngayon 1 TB HD at 1 SSD na ginamitan ko lang ng Velcro tape sa may 5.25 bay. Pwede pa lagyan ng isa pang 3.5 drive kung may tamang mount hehe.

    -- edited by terence on Sep 09 2014, 04:11 AM
  • Ask ko lang kung anong suggested na AM2/AM2+ CPU cooler na kasya sa case, at ibang cooling options bago mag mod ng case mismo, kasi idle lang nag 60+ temp ng VC pa rin(kinabit ko Inno3D GF 210 1Gb, passive cooling + dinekwat ko LP bracket ng Sapphire Radeon HD5450 1Gb)...

    Ala kasi akong mahanap na Low Profile PCI cooler online eh.

    -- edited by Ebonsaber on Dec 10 2014, 01:04 AM
  • Hi guys. Just wanted to know, ok po ba ang power supply nito? Actually, meron bagong version nito ang fortress, namely fortress shinobi and fortress xeth. Ang alam ko po, 700watts DAW ang kasamang power supply. Ang components po na ilalagay ko ay Pentium G3260 at inno3d/palit GT730 DDR5 low profile. Hope somebody can help me.
  • @ungaze: never tried a video card inside my C4 kaya hindi ko masabi for sure kung kaya ang specs mo. pero mababa lang naman power requirement ng gt730...

    hindi ko pa nakita up close yang mga fortress casing, pero mukhang maganda basing on the pictures sa internet.

    you have to check out the C4 para ma-compare mo, lalo na yung thickness ng bakal and build quality ng plastic front ng casing. these are the qualities na nagustuhan ko sa C4.
  • ^Buti na lang andyan ka pa boss gtgonzales. Actually, for lanshop po sana ang paggamit ko ng mga casing na to. Inaalala ko lang kasi baka kapusin sa full load. But then again, tulad ng sabi mo, mababa nga naman power consumption ng GT730. I\'ll jump the gun and mag try ako ng isang unit for testing. Hopefully, after ko i burn test, pumasa then i full blow ko na sa 20 units. Thanks for the insights, at sana may makapag share pa sa experience nila sa C4 casing and it\'s siblings ;)
  • bumigay na yung psu ng powerlogic c4 ko after almost 5 years na 24/7 :(

    can anyone recommend a similar casing? wala na ko makitang bnew na c4.
  • ^Fortress brand may nakita ako sa PC *pti*ns. Hindi ko maalala ang model name at hindi ko pa nakilatis...

    Power supply meron din ata doon,
  • Fortress Xeth pala, 700w ang kasamang psu. P1150 ang price.
  • Fortress at HIP na slim casings meron pa po. Sa PC *p+!*ns din po nakakabili ng mga PSU nito.
  • yung mga korean surplus ITX type PSU pasok sa case na to. true rated pa