User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

AWOL situation

  • Hingi lang sana ako ng input para sa employment situation ko ngayon:

    Nag AWOL ako last May sa previous employer ko, 1st job ko yun and 1 year and 2 days ako dun to be exact. Ngayong araw, nakakuha ako ng sobrang gandang job offer sa isang company na naapplyan ko. Nilagay ko yung previous employer ko sa resume ko pero di ko sinabi sa kanila na nag AWOL ako.

    Ngayon, binigyan na ko ng requirements para makapag simula na sa new job ko at hinahanapan ako ng Certificate of Employment / clearance. Obviously, di ako makakakuha nun sa previous employer ko kasi nga nag AWOL ako sa kanila at may bond din na di ko binayaran (pero nag submit ako ng resignation letter a few weeks bago ako mag AWOL, dapat makikipag negotiate ako sa bond na babayaran pero may mga event na sumama loob ko kaya di na lang talaga ako pumasok at may health issues din kasi ako).

    Ang tanong ko, sasabihin ko ba sa HR ng company na nag bigay sakin ng job offer na nag AWOL ako from my previous company at di ako makakapag bigay ng COE or clearance? Mukang extensive ang background checks nila and inisip ko, baka mas okay pa na unahan ko na sila just in case malaman nila na nag AWOL ako or talagang hanapan nila ako ng COE or clearance.

    Or, di ko sasabihin at tignan ko na lang kung makakalusot ako (baka din kasi pumayag sila na di kumpleto requirements at makalimutan na)?

    Natatakot lang din ako sabihin yung totoo kasi most probably babawiin nila ang job offer pero umaasa ako na kung sasabihin ko yung totoo at mapapaliwanag ko kung anong nangyari, baka tanggapin pa din nila ako.

    Ano ang mas dapat kong gawin?

    Salamat.
  • wag na, if its an unknown co. tell them it already closed hehe. dapat nga di mo na nilagay kasi bad record yun.
  • sabihin mo na, honesty is the best policy. hope for the best nalang. positive thinking, be honest and be sincere, show them how really interested you are, nang sa ganon ay maoffset kung ano mang background ang meron.

    yung skin naman, sinabi ko reason kung bakit nagAWOL ako, true reason, if it's really reasonable at di ka naman tunog mayabang sa kanila, icoconsider ka namn siguro. COE was one of my requirements din, di rin ako nagbigay since sinabi ko na nagawol ako for some reason, at it's not possible for me to provide the said requirement. magtwo years na ako ngayon sa current company ko without a problem, complete benefits and such.
  • pag di nilagay e di lalabas wala syanng experience kasi nga 1st job nya yun haha.

    Saka isa pa hinde rin lulusot kung hindi mo man ilagay. Why? Makikita nila sa tax mo na may previous employer ka same goes with your sss
  • @handshake

    It's a known company, and very much open hehe.

    Pero sa tingin mo, dapat i-risk ko na lang at umasa na makalusot ako? Baka kasi pwedeng di muna kumpleto ang requirements (clearance/COE lang ang di ko talaga mapoprovide) at baka makalimutan na din.
  • @devilclownz

    Alam nila na may previous employer ako. Sinabi ko yun at nakalagay sa resume. Ang problema ko ay yung documents na sa employer manggagaling na di ko makukuha kasi nag AWOL ako.

    -- edited by gmc123 on Jul 05 2012, 01:25 AM

    @griphue

    Ayos ah, sana ganyan din mangyari sakin if ever sasabihin ko na lang.

    -- edited by gmc123 on Jul 05 2012, 01:29 AM
  • ang alam ko pwede ka parin makakuha ng COE mag clelearance ka lang sa prev company mo kasi ganun ung ginawa ko sa prev kong work =)
  • @jinxhacker

    Sa situation ko kasi medyo imposible na. Nag AWOL ako since late May and may bond ako na di nabayaran.
  • @gmc123

    i would strongly suggest na pumuna ka dun sa previous employer mo.. at makiusap. lahat naman nadadaan sa usapan.. just humble yourself.. if possible kausapin mo upper management para lang ma recommend ka for release with HR with no bad record..
  • @plough

    Alanganin kasi makiusap kasi may bond ako na kailangan bayaran. Kung di ko lang din mababayaran or manenegotiate yung bond na babayaran, di din ako makakakuha sa kanila ng clearance.
  • lhaat naman nadadaan sa pakiusap or negotiation. try to negotiate the best deal for you..
  • @plough

    May point ka, and oo, mahirap talaga kasi kailangan ko i-humble yung sarili ko (kahit na alam ko na most probably na ridicule na ko sa company na pinasukan ko before).
  • emotions mo lang yan. dont let your emotions come your way.. do it professionally...
  • Sabagay.

    Di ko lang alam kung papayag pa sila na i-prorate or ibaba yung bond na kailangan ko bayaran. Nadiscuss ko to with management previously pero dahil may mga bagay na ginawa sakin na sumama talaga loob ko at feeling ko naging unfair sakin, kaya di na lang ako talaga pumasok.
  • ^Let me guess - we are talking of CALL CENTERS here no? :)
  • No. I didn't work in a call center company and have no plans to do so.

    -- edited by gmc123 on Jul 05 2012, 02:06 AM
  • @TS

    Local job po ba yan? Kasi kung local job mahigpit ang company sa pinas sa pagbackground check unlike dito sa KSA lusot ka sa requirement nila.
  • Med rep?
  • ^BPO? - what kind of company is this?

    naisip ko lang kase - Bond, AWOL, employment hopping due to a better offer... - normal to dun eh :)
  • @smuggy

    I would prefer not to disclose what kind of company I worked for/I'm applying to work for.
  • Alanganin kasi makiusap kasi may bond ako na kailangan bayaran. Kung di ko lang din mababayaran or manenegotiate yung bond na babayaran, di din ako makakakuha sa kanila ng clearance.

    pwede naman na bayaran mo bond mo, propose mo 1 year to pay or in 6 months payable mo. be professional nalang.
    i-advise ka nila dito para maghumble down at i-settle sa previous employer mo, pero ayaw mo. kung sabagay, input nila/namin yun.

    pero advise ko lang, i-settle mo na. dahil kung hindi, baka daanin ka pa sa demanda ng dati mong employer, mas hassle yun.
  • @jericxz

    Thanks sa input/advice, pagisipan ko ding mabuti. Ang iniisip ko din kasi (and alam ko medyo mababaw) nakakahiya na bigla na lang akong sumulpot sa office para makapag negotiate after over a month na di pumasok.
  • over a month lang na di pumasok? may kilala nga ako, more than 1 year na nag-awol, bumalik para i-settle wala namang problema.
    sa mga ganitong scenario, walang personalan, walang hiya-hiya. unless na guilty ang isang employee, may reason para mahiya.

    but on your case, settle before its too late. baka magsisi ka.
  • 1 Year? Wow.

    Napaisip ako dun ah.

    Tnx ulit sa info.
  • usually kasi kapag AWOL ka sa isang company, hindi na sinasama yun sa isang resume.
  • Baka sabihin ko na lang ang totoo sa company na nag bigay sakin ng job offer. Ready ko na lang sarili ko just in case bawiin nila.
  • parang alam ko na poh kung anong company iyan! hehe... :)

    #1 pray muna!

    then... Face your previous employer... tell them the reasons kung bakit ka nagAWOL.
    patawarin ka man nila, or bugbugin, or hindi bigyan ng clearance, or d ka matanggap sa new work,

    whatever happens... lilipas din lahat yan, mahaba pa ang buhay...

    You dont want this experience to haunt you for the rest of your life... the Truth will set you free... :)
  • Thanks sa mga nag advice sa thread na to.

    Nag decide akong mag sabi na lang ng totoo sa company na nagbigay sakin ng job offer. Complicated kasi masyado kung makikipag ayos ako sa previous company ko.

    Kung babawiin man ang offer (sana talaga hindi) at least di ko na pinatagal at wala akong tinatago.
  • Sabihin mo na lang na being processed pa. Makakalimutan na rin yun sa katagalan. Pag pinayagan ka, it will buy you time na makipagayos sa previous co. mo.

    -- edited by rashomon1972 on Jul 05 2012, 11:42 AM

Who's Online

941 active users within the last minute, 531 members, 410 guests.
Our newest member is EliseENauman
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


Active Items for Sale

Active Want to Buys