User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

sirain ba talaga ang Western Digital HDD?

  • 50% sa tao, kung pano nya gamitin at alagaan
    50% yung HD mismo (swertihan na lang)

    actually kahit anong brand yan. toshiba, fujitsu, samsung, wd, seagate etc.

    meron ako hd samsung hanggang ngayon ok pa. mahigit 2 yrs na. yung seagate 3months di nadetect ng pc. iba iba talaga.
    kaya kahit anong hd ok yan. ang importante may distro/warranty para kapag nasira RMA lang.
  • walang special method jan men

    So ano yung sinasabing "nasa gumagamit"?
  • sirain ba talaga ang Western Digital HDD?


    Kahit anong brand yan, pag tinamaan ka ng lemon unit, masisira talaga kahit ingat na ingat ka, dun papasok ang warranty
  • Bumibili ako ng Western Digital pero previously bumalik ako sa seagate dahil my primary reason is that pag bumibili ako ng Western Digital kasi magaganda ang storage capacity nila sa seagate at mas ahead sila madalas sa availability napansin ko eh kapag pinagana kuna western HD laging nag loloko palang sa start , so as for me kaya nga ako bumili ng bago eh I dont want to troubleshoot it anymore diba... kaya bwisit ako papalitan ko ng seagate ulit ayon umayos na.
  • sirain talaga ang western digital, mas lalo yung mga sata hard disk disposable di tulad nung mga luma nilang ide type kahit sabihin mong tumutunog na yung loob atleast makukuha mo pa yung files. Pag nasiraan ka sa sata type nila na hard disk pasensyahan tayo iyak ka na lang HAHA!

    Bigay na lang ako tip based from my experience kung gusto pa makuha yung files sa mga sata disposable type nilang hard disk:
    #pag di na mabasa hdd mo sa cmos at may narinig ka na sa loob ganito gawin mo
    - hanap ka ng working na hdd na same model palit mo lang yung pcb board dun sa working papunta dun sa sira mong hdd, may pag-asa pang makuha ulit yan

    - pag ginawa mo yung tip ko sa taas at wa epek bumili ka ng bagong hard disk na same model din. Kung magaling kang mangalikot gumawa ka ng sarili mong lugar na walang hangin na dumadaan o alikabok(pwede na kahit yung atleast gawa ka lang ng kasya dun yung kamay mo sa loob na maliit na gawaan mo na nakagwantes ka na parang sa doctor). Baklasin mo na yung sira mong hard disk, ingatan mong tanggalin ang mga plato nun, same procedure din dun sa brand new na hard disk baklasin mo rin at ipalit mo dun yung plato na galing sa sira mong hard disk. Pag di mo naingatan yung mga plato ng hard disk iyak ka na lang. Ngayon assemble mo na ulit hard disk mo at magbackup ka na

    Note: wag na wag gagawin yung i-freezer yung hard disk for 12hours pagsira na at salpak ulit, isang kat@ng_han yun dahil sinubukan ko rin yang mythbuster na yan

    -- edited by clerrific on Dec 28 2012, 01:56 PM
  • Hindi ko pa nasusubukan ang WD pero meron akong dalawang Seagate (4 and 6 years old) at Maxtor (6 years old). Kapag gumagamit ako ng hdd tools sinasabi na ok pa naman ang status nila. Siguro good batch ang mga ito. Pero syempre importante ang alaga. Tamang temps, tanggal alikabok, iwas bagsak/bangga, true-rated psu, monthly linis ng mga compie parts, etc. Tsaka walang fluctuations ng kuryente sa lugar namin.

    Next year try ko gumamit ng WD naman.
  • ^ yan ang tama
  • saan ang tama , ako nga gumagamit ako ng hindi tru rated 15 years na ako user at gaming walang patayan at walang tulugan , ilang oras lang pahinga buhay parin PC. walang patayan PC 24/hours umaandar kahit walang gumagamit. hindi ko rin nililinis , kapal ng alikabok. sa manila napaka dalang ng fluctuation.

    -- edited by tjlim on Dec 28 2012, 02:02 PM
  • At importante iwas static, grounded dapat ang casing!
  • *HULI KA BALBON

    -- edited by NormanABates on Dec 28 2012, 02:15 PM
  • share ko lang..

    nag start ako ng icafe 2004 with 15 units. all using WD hdd. sa 15, dalawa lang nasira. up to now gumagana pa yung mga natira. generic psu WITHOUT avr.

    2007 nag add ako ng 40 units all using WD. up to now lahat gumagana pa.

    worst HDD ko ay samsung. any size, capacity and interface.
  • ...yung 160gb seagate ko almost 5 years and running pa (although one time ngcclick na then nawala)...sa WD 500gb ko naman 1.5 years ng namatay
  • Well under the same treatment in the same case yung seagate ko na 1 1/2 years mas matanda sa WD ko buhay pa rin ngayon, 4th year na niya.

    Yung WD namatay after less than 15 months, bad sectors clicking etc etc.
    And to think na green to compared dun sa 7200rpm na seagate wherein mas mainit ang 7200rpm drives compared to 5900rpm.

    So with the same treatment I go for seagate.
    I got my replacement anyway na inabot ng 3months yung turnover okay na ulit.

    In my case misuse or abuse doesn't apply kasi both were treated equally.

    -- edited by Blu3martini on Dec 28 2012, 02:38 PM
  • pa suggest kung anong mas ok sa dalawa

    Seagate backup plus 500GB or Western Digital My Passport 500GB ?
  • Basta saan mas mura.. It doesnt matter to me kung mapa 7200rpm man yan o 5k rpm.. Di mo na din naman ramdam yung bilis nun kasi within seconds lang..

    Cheapest 1TB hdd laptop is hitachi..
  • External ko na Passport 160GB til now gumagana. 2008 ko pa nabili.
    naibyahe ko na ito ng Japan that year. paguwi ko, okay parin.

    Nasiraan na ko ng WD Caviar Blue 320GB nung 2012, pinalitan ko ng 500GB na Caviar Black para sigurado.

    before makabili, sinubstitute ko yung Seagate baracuda na 500GB, yung slim as internal ng PC, pero di kalaunan, bumigay agad after 1 month. 2009 ko pa nabili yung Seagete, di ko sure kung may kinalaman pero sa gaming ko ginamit nung time na iyon.

    Til now yung Caviar Black, gumagana pa rin.
    Ang latest ko ngayon, ay 1TB Caviar Green as External.
    Sana tumagal.

    -- edited by bluemary1014 on May 13 2013, 02:06 PM
  • Dug up my 20gb wd caviar drive (iirc bought 2002). Kinabit ko sa ide enclosure. Still works, no bad sector...
  • based on my experience, parehong brand ko sila gamit.. walang "mas" sirain.. okay pa naman sila up until now..

    western digital ko, 320gb, that was 4 years ago nung binili ko yun, 100% pa rin naman health at wala pa rin namang bad sectors.. recently lang ako nagkaroon ng seagate, nung mas lalo akong nahilig sa gadgets, pero considering yung pinaka hd ko dati na wd is 4 years na.. weather weather lang talaga 'yan..

    kahit hindi computer parts, sa ibang product na lang eh, 'di ba? may mga nasisira din talaga.. 'di mo naman maeexpect na ang certain model ng isang product ay lahat sila masisira within 4 years or 3 years.. iba iba pa rin.. depende sa iba't ibang factors.. lalo pa't nagamit lang ako ng generic power supply pero okay pa rin wd ko..
  • @all

    anong HD tools ginagamit nyo pang monitor ng HDD health?
    sa computer management alng ako nagbabase.

    TIA
  • my hitachi 250gb still running, bought since 2006. well ventilated lang ok na pero walang makakapag sabi kung kailan mag papahinga hd.

Who's Online

1066 active users within the last minute, 629 members, 437 guests.
Our newest member is aymyeumf
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys