Forum Topic

Langgam sa Hard Disk

  • yikes ang dami palang ganitong issue. pwede ba ipalinis (buksan and loob) kapag nagkaganito?
  • Diba ang hdd parang halos airtight. Nagkakasya pa din pala langgam dun. O nakapasok dun sa parang airhole

    -- edited by kumag_behota on May 29 2017, 08:14 PM
  • andun sila sa may pcb e. ibig sabihin ba nun hindi talaga sila nakapasok sa mismong loob. ung may umiikot? upload ko yung pic mamaya.
  • Nilanggam din ung dalawang westerm digital ko nung malamig panahon. Buti napansin ko kagad, sa usb sa likod pa sila pumapasok daan sa likod mg mobo papuntang hdd. Buti hindi nasira.
  • Diba ang hdd parang halos airtight. Nagkakasya pa din pala langgam dun. O nakapasok dun sa parang airhole

    The air hole has a particulate filter covering it. The ants can probably eat up or chew on the filter. :O

    The HDD of a friend's laptop was destroyed by ants entering the drive assembly. :(
  • Mukang matamis ang WD ah hehehhe
  • ung akin din pinasok dati ng langgam. WD and toshiba drives pero not the seagate ones. not sure if anong meron sa mga ito na wala ang seagate lol. ang ginawa ko is hinayaan ko lumabas muna ung karamihan tapos nilinis ko ung mga parang crumbs na naiwan nila. pagkatapos, binalot ko ng bubble wrap ung mga hard drives at nilagay sa freezer for 1 month. ayun, swerte naman at nawala na ung mga pumasok sa loob at di na damage ung hard drives. tested sa hd sentinel at hd tune, 100% parin :)
  • Haha onga ano kaya meron sa mga WD. Yung saken hinayaan ko din mag labasan langgam hanggang sa tingin kong wala na. Binaklas ko din lahat. Dumaan sila sa keyboard wire. Nilipat ko din pansamantala ng pwesto ung pc.

    Within that day pinaandar ko ule, may mga naiwan pang langgam naglalabasan. Binaklas ko hdd ng isang buong araw. Ayun okay na after.