>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Canon PIXMA MP258 users.. pasok

  • mga pre nkapagprint na ba kyo ng 3R sa canon mp258 nio? nasubukan nio na?!
  • oo pre im using the preset size "L" 89x127mm (3.5"x5" inches) and gamit din ako FotoSlate 4 wer u can make ur own print lay-outs
  • hi all,, pinaconvert nyu b sa CIS ung unit nyu ?.. tnx sa reply . .
  • last year panget ang ciss para sa printer nato, anu napo ba balita sa printer na to pag pina ciss..? ok na po kaya?
  • To all MP258 users! Share ko lang experience ko with this printer. I've been doing ciss on this printer for a year now, mga 8 units narin ang nagawan ko ng ciss nito plus 2 units ip2770 ( same cartridge 811 and 810).

    Noong una pangit and feed back but i need a replacement for my MP 160 and MP198, (matibay ang cartridge 40 and 41) ginagawa ko kc photocopy sa office namin, so no choice ako.

    Bad kc experience ko sa mga 3-in-1 ng epson (we have TX110 and TX100, mabagal na, hassle pa reset ng reset everytime na mag-expire ung ink cartridge counter (we are using V.6 arc chips a.k.a. hugot-saksak method and ung may push button reset combo chip for the tx 100). Also ang hirap mag multiple copy sa epson 3-in-1 (except TX200 series), 1 copy - 1 pindot. Tapos wala din itong maintenace button (tx100 series).

    Hindi katulad ng MP series ng canon, you can do 9 copies at a time and 99 copies if you use the "f" function sa number of copies button ( pindot lang "+" sign hangang lumabas ang "F" symbo 1,2,3...9, then f. Ang gusto ko pa dito e may maintence button, you can do nozzle check, cleaning, deep cleaning etc kahit hindi naka connect sa PC, stand alone copier function talaga. Unlike sa TX100 series na kailangan mo pa i-off para mag nozzle check pag hindi naka connect sa pc.

    Two thumbs up talaga ako dito sa MP 258! until next time....
  • eto pa..

    nakita ng ibang principals ung set-up ko ng MP258 sa office namin, nagpa-setup din sila sa mga schools nila. kaya nga kinareer ko na ito, nung una necessity lang talaga, ngaun sideline ko na.

    So I've done research sa internet about the ink cartridge and the inks used by this printer. Original ink sa PG810(black) ay pigment and CL811 ay dye. Ito yung Hybrid system ng canon fine cartridges. Nalaman ko din na mas matibay ang 40 and 41 cartridge v.s. the current 810 and 811. Especially sa black cartridge kung saan maraming 810 ang bumibigay agad.

    Sabi dun sa nabasa ko nag test sila using both PG40 and PG811 and using same brand ng "dye" ink (explain ko sa inyo mamaya kung bakit dye ang ginamit nila at hindi pigment which is the original ink content). The result nak 800+ pages sila sa PG810 (1 and 1/2 ream na 500 pages) bago ito bumigay v.s. sa PG40 10,000+ pages and still good condition ang head. Ang culprit: design ng 810. Ung cartridge daw na eto e design for single use, nasisira daw nozzles ng head if ni-refill using ordinary dye ink. May recommended sila na different formulation ng dye ink to prolong the life of PG 810 and CL811 cartriges, eto daw ung "korean INK".

    Ewan ko kung true o Ad campaign lang. Ako dun sa una Ip2770 i used the ordinary premium grade UV dye na nabibili natin sa ating mga suki. Universal (GOOD IMAGE at INK PIU ang brand) ata eto kc nakalagay ay pwede sa epson, canon, brother, lexmark may check box lang na nilalagyan ng check ng dealer kung saan nyo gagamitin.Hindi ko pa kasi nalalaman ung korean at "printer-specific inks"ng mga panahon na yon. Eto kasi ung tirang ink ng MP160 at 198 namin which is wala naman problem sa MP160 at 198 namin using PG 40 and CL41.

    We are printing on the average of 1 ream (500 pages) per month sa mga payroll, leave form, etc. Pero pag per quater ang pinag uusapan, mga 6 na reams siguro kasi dito rin namin print ang mga test papers for prelims, periodicals etc which is every quarter. So 6 reams per quarter(test papers) + 3 reams per quarter (office docs) = 9 reams X 500 pages = 4,500 pages per quarter X 3 quarters = 13,500 pages per year (hindi po kasama ang summer kaya 3 quarters lang).

    So I can attest dun sa test na ginawa nila sa PG40 ink cartridge na 10,000 pages and still good condition, 2 years plus na kc yung MP198 namin tapos nsa 3 years na siguro ung MP 160 ( kaso refill lang un nung una mga 1 year siguro hindi katulad ng MP 198 CISS kaagad from the start). Sayang nga bumigay na yung nga feeding mechanism nila ( kaya naghahanap ako ng mga sirang ip 1880 at 1980 kc sabi nung printer tech, virtually the same parts daw sila at interchaneable ang printer parts with MP160 and 198. Maraming beses narin po na-reset ung MP160 at 198 using the MPtool.By the way Naka "fast" or "custom" setting #5 sa pakaliwa ng slider sa print quality settings at "dither" sa halftoning option para save ng ink. Satisfactory ang print-out nya sa ganitong settings, parang nka-riso (grayish) ang quality ng print-out v.s. sa standard setting at high setting na parang laser ang print quality. black talaga ung black pero not as shartp as the laser prints.

    At present, sa office namin, ordinary UV dye ang kalagay sa iP 2770 namin ( naka 2 palit na kami ng PG810 cartridge at 1 palit ng CL811 cartridge in one year) tapos dun sa bago namin MP258 "korean ink" ang nakalagay mga 3 mos na po cya at veteran na ng final periodical test papers printing namin, maganda pa po ang print test pattern pag nag nozzle check ka. Gusto ko sya i-compare dun sa mga sinet-up ko na 6 pcs MP258 with CISS sa ibang school na ordinary universal UV dye ang ginamit ko. Same batch lang kasi sila mga 3 mos na. Up to now wala pa naman tumatawag sa akin na bumibigay na head ng PG810 (ayaw mag print ng black) naka 2 bottles na sila ng black ink each (INK PIU 100 mL) sa akin kasi kumukuha, hehehe!

    We are planning to procure Canon MX series next year para madali mag-xerox ng legal-sized documents. Medyo mahirap kasi mag copy ng legal docs sa MP series, kailangan pa na ng PC, un talaga ang limit ng MP series printer when it comes to paper handling. We are considering the brother printer kaso medyo pricy, basic model na may ADF ay nasa Php 8k(DCP series) and ung A3 sized naman ay nasa Php 15k(MFC series) with CISS. MX328 siguro pinakamura na pang copy nh legal-sized docs @ Php 5.6K. Compatible din ang mga parts with current iP and MP series at pareho pa sila ng cartridge, PG810 at CL811 din.Any suggestion guys?

    Share ko sa inyo yung natutunan kong technique para tumagal ung buhay ng PG810 ninyo next time...



    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

    Eto po yung ginagawa ko sa mga MP258 na sinet-up ko for CISS:

    1. PG 810 Black (pigment, 9mL):

    inuubos ko po muna ung supplied na original ink sa cartridge bago ko po lagyan ng UV dye. Drill ako ng butas (using hand drill) sa gitna nya (doon mismo sa original na butas) then nilagyan ko po ng 5 ML Uv dye ink. using suction tool, suck ko lahat ng ink na inilagay ko hangang sa wala ng lumabas na ink. Note: suck nyo ng 30mL syringe 5X. sa una, may mahihigop na ink, then parang foam nalang hangagng air nalang talaga ang mahigop ninyo. I repeat this process 3X (inject 5ml ink then suct it out) para mahugasan ung foam sa loob ng cartrige and to make sure na wala nang matirang pigment ink sa loob ng ridge.Pwede din po gamitan ng distilled water pang hugas ng foam sa loob ng cartridge. I use sterile distilled water na ginagamit sa mga hospital to reconstitute antibiotic powder, para sure na walang latak. pagkatapos nyo i-wash ng water saka nyo gamitan ng UV dye ink.

    I go trough this process kasi in my own opinion hindi dapat pinagmi-mix ang pigment at dye, magkaiba sila ng base. Dye which uses water and pigment which has oil derivatives (correct me if i'm wrong, baka may chemist tayong taga tPC). Mixing this two results in a letal emulsion (parang lotion) that may clog the nozzles of your printhead.

    Usually kasi pag nagpa-convert ka ng canon cartridge, pinag mix na agad ng technician ung UV dye sa CISS tank at pigment sa original cartridge. Eto siguro, in my own opinion ang dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang PG810 cartrige which is less durable kaysa sa PG40 or PG831 cartriges.

    By the way, hindi po pwede ilagay ang black pigment ink na para sa epson sa black ink cartridge ng canon sa kadahilanang magkaiba ang inkjet technology ang ginagamit ng epson at canon. ang EPSOn po uses piezo technology, crystals po eto na nag vibrate pag dumaan kuryente sa kanya. This vibration pushes the ink out off the nozzles. On the other hand CANON uses Bubblejet or thermal technology. Thermal or heat creates micro bubbles inside the printhead, these bubbles in turn pushes the ink off the nozzles. Dahil bubblejet technology uses heat, the ink also serves as the coolant of the printhead. So, in my own opinion, bubble jet(CANON) heads needs ink that serves as a coolant (made specifically for bubble jet) on the other hand piezo heads(EPSON) can use inks designed for bubble jets.

    Kaya po walang kayong makikita na Canon or any other brand of printer (HP, Lexmark, Brother) na gumagamit ng pigment or sublimation ink, EPSON lang po ang kino-convert nila para dito (at least dito sa Pinas). May exeption po dito, ang black ink ng CANON at HP. Special blend po ito ng pigment ink that also serve as coolant ng printheads and designed to mix with dye colored inks to produced different hues and tones. Kaya po BLACK lang ang available na pigment ng CANON at HP, DYE po ang colored inks nila. Mga kapwa users ng canon, you may choose to use black pigment specially designed for CANON instead of UV Dye. May Crisper po ang print-out ng text, parang laser prints at water-proof pa. Tested ko na po eto sa mga print-out ko.
    un nga lang more it cost more than UV dye.

    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

    2. CL 811 (dye, 3mL each color)

    Ang practice ko po ay mini-mix ko na agad ung ink sa CISS at ung ink sa cartridge since pareho lang namn po silang DYE. Wala na pong washing procedure dito, rekta na agad. Konting ingat lang po sa baka mapag mix ninyo ang different colors, ang ginagawa ko, sinusundot ko muna ng toothpick ung butas ng cartridge bago ako nagsasalin ng ink para sigurado. In case na mag mix po sila, pwede din po i-wash ng distilled water ang color na nacontaminate ng ibang kulay, upang mai-restore po nation ang correct color. Ang procedure po nito ay katulad ng pag wash sa PG810. Alamin lang po natin ang tamang position ng colors, sa PG811: CYAN sa kaliwa, MAGENTA sa taas ay YELLOW sa kanan.

    Sa mag DIY users naman po, konting ingat sa pag drill ng MAGENTA hole sa CL811 cartridge. Medyo ibaba po ninyo ng konti ang butas, hindi po katulad ng sa CYAN at YELLOW na sa mismong original na butas ng cartridge kayo mag-drill. General rule po pag nag-drill kayo ng MAGENTA hole, ibaba ninyo ng konti, basta hindi ninyo tatamaan ung original na MAGENTA hole ng cartridge. Then i-seal nalang po ninyo ang original MAGENTA hole ng sticker, gluegun, or silicon para walang leak sa pressure ng CISS. Pag ung original MAGENTA hole ang binutas ninyo, mahihirapan pong isara ang cartridge holder which in turn hindi po lalapat ung contacts ng cartridge, hindi po ito mababasa ng printer at magbibigay po ito ng error message. Pag ganito po ang nagyari, may remedyo po yung mga taga MULTICOLORS, isi-seal po nila yung butas ng MAGENTA sa itaas ta sa tagiliran po nila ito bubutasan. Medyo mahirap lang po kasi imo-modify pa yung cartridge holder para kumasya ung tube bend at hose ng CISS. Nangyari na po ito sa akin... mahiklig po kasi ako mag DIY at mag experiment hehehe! konting ingat lang po, para iwas sa trabaho at iwas gastos...


    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
    MP258 Review.....

    a. As a document printer and copier two thumbs up ako sa MP258 and other canon printers, but not so much as a photo printer. Sa 6 color printer po ng EPSON ang bet ko pagdating sa photoprinting. Pero gusto ko pa magtry ng 8 at 10 color printer ng canon (mahal kasi).

    b. When it comes to speed, taob ang EPSON TX series sa CANON MP at MX series. Parang pagong at kuneho yan hehehe! Pero baka maglabas po ang EPSON ng dual black ink cartridge na may scanner. Kasi nakagamit na po ako ng EPSON T30 at A1100 A3 (dual black ink cartridge printer), at masasabi ko po na at par ang speed nila sa canon printers.

    c. When it comes to ease of use sa sa canon po ako, pag na-release na yung ink counter, tuloy-tuloy na po ang pagpi-print hanggang may ink at ok ang cartridge.Sa Epson po kasi kahit naka-CISS na, kailangan mo pang i-reset ang ink cartridge everytime na ma-reach nito ang limit. Kahit na po may push button reset, hassle parin po ito.

    d. Sa usapang DIY CISS, mas madali po kabitan ng CISS ang EPSON. Mas madali din po ito i-reset ang wastepad at definitely mas madaling kabitan ng external waste ink tank. Talo po ang canon dito. Pero sa BROTHER po ang boto ko when it comes to CISS. Dahil hindi na po nito kailangan ng hose! Less hassle sa pag maintain ng pressure at pagsasalin ng ink. May built-in hose na po ito sa loob: galing sa extended cartridge papunta sa head.Un ngalang po puro multifunction ang printers ng Brother.

    >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

    Balik po tayo sa MP258... Its a good printer, worth your hard-earned pesos basta maayos ang pagkakabit ng ciss. I have 2 units ng MP258 mag to-two years na yung isa, and i have the other for 3 mos. May 8 units na din po ako nai-convert sa mga offices ng mga friends ko and they have good feedbacks v.s. previous printers. And kukuha pa ako next year... hindi nga lang MP but MX series(for legal-sized copying) but still using the same cartridge!

    Ang advice ko lang po sa mga may MP258 na unit(and other unit using 810/811 cartridge), wag na ninyo ipa-refill ang cartridge ninyo. Ipa-CISS na po ninyo following my advice above and its worth the money you have invested. In my experience, mas madali masira ang 810/811 cartridge pag pina pa refill v.s. CISS (in terms of # pages printed). Kasi po once na ma-consume na ninyo ang original inks, mawawala narin po ang ink level meter which is used to determine kung may ink pa sa tank o wala na. Usually sa refilled cartridges, malalaman mo nalang na wala ng ink sa cartridge pag putol-putol na or miscolored na ang print-out mo. Waste of ink and paper but more important, pag putol-putol na ang print-out mo, the head is "Shooting Blanks" ibig pong sabihin gumagana po ang thermal element nya without the coolant(ink). Remember canon uses bubblejet technology that uses heat to deposit ink onto the print media(paper), parang makina po ito na walang tubig ang radiator which results in "overheating" which causes damage to the print head (burnout). The longer you print whithout ink the sooner the damage to your cartridge. Kaya pa-CISS na po kayo, payong kaibigan lang po, walapo itong business intension or whatsoever.

    Pasencya na po kung nobela na ata ang naisulat ko... eto po kasi ung mga katanungan ko nung newbie palng ako sa CISS.

    Sana po ay nakatulong ako sa mga newbie, thanx to tPC and this forum!
  • wow!

    sir baka pedeng pa PM ng email nyu or any contact details para sa inyo na lang aku magpapa CISS

    ill be buying this printer this coming saturday and if the ink runs out papa CISS ko na sya

    thanks!
  • Sir win 7 din po gamit ko, working naman po lahat ng MP258 namin, kahit ung Mx347 working din ang scan. Try nyo po-un install the driver first using device manager. then install ulit, but this time wag nyo muna i-connect ang USB cable ng printer para hindi cya ma-auto detect ng win7, hintayin nyo po na sabihin ng installer na i-plug ang usb cable bago nyo sya i plug...

    hope it helps..
  • feedbacks sa mga users nito with CISS TIA
  • question lang po, paano mag print ng mirror image sa canon mp258? kanina ko pa po hinahanap hindi ko makita eh.salamat po ng marami sa sasagot....=)
  • Naffrustrate na ko sa mga cartridge ko. Kahit anong suck, clean, or refill meron pa ring lines. Sira na ba cartridge ko?
  • I do have MP258 and IP 2770 printer too that I bought more that a month ago (hahaha may free kc watch)...
    Disappointed lang ako sa printout nya lalo na pag pictures piniprint ko madilim at di makuha true color nya
    I even changed geniune cartridge same dark pa din ung prints nya, sobra layo ang print quality sa older model nila
    I used kc before MP 145 kso nsira scanner nya kya lahat affected. that I miss my MP145 that I used for four years.

    Any advice kung pano gawin sa dark printouts nya.

    Another, was kanina lang nagpaper jam MP258 ko, parang ung left side lang and nagfefeed... nagpiprint naman xa,
    at wala rin lumalabas na error code.... Do u think mechanical side problem nito? Ano maganda ko gawin d2...
    do u think nid ko na iparepair printer ko?
  • I do have MP258 and IP 2770 printer too that I bought more that a month ago (hahaha may free kc watch)...
    Disappointed lang ako sa printout nya lalo na pag pictures piniprint ko madilim at di makuha true color nya


    .. eto din problema ko. madilim yung printout ng mga photos kahit na anong adjust sa brightness ng pics. nasasayang tuloy yung photo paper. any advice para ma-solve 'to. mas ok pa yung lumang canon ko, ip1980, ganda ng mga printouts.
  • Guys im planning to buy

    may i know kung necessary ba kaagad lagyan ng waste tank?
  • sira ang printout pag may header or border ang MP258 na naka CISS =) saka yung misaligned yung mga lines =) sucks
  • up ko lang discussion mga sir..
    regarding sa photo printing inaadjust ko na kagad sa photoshop ung brightness at contrast ng picture para maliwanag.
    ok naman na remedy pero may times na maiitim p din..
    any other suggestion para lumiwanag ung print?
    thnkx
  • na try ko sa fast printing.. aun nakukuwa ung true color pero di sya pwede sa borderless printing.
    any solutions na pwede pagsabayin ung fast printing at borderless?
    help naman para gumanda ang print outs natin.. thnkx and more power. =)
  • ganyan nga din problem ko.... ang pangit ng picture quality....
    @landz di po yata pwede fast printing pag naka photo paper ka.
  • problema ko sa canon mp258 ko ayaw na mag power on... 2 units na same problem.

    anyone who experience this?? anong ginawa nyo?? thanks
  • share ko lang few tips to have a better photo printing result. 1.Set paper type to plain paper kahit glossy photo paper ang gamit nyo. 2. Set printing quality to high and you're done. Mas maganda ang kalalabasan ng print outs nyo.
  • Gandang hapon po.. ask lang po kung na-experience nyo na ito, mp258 din po yung printer ko.. Hindi po kasi ma recognize yung cartridge ko na color, tapos ilang tanggal kabit na rin ako, ayaw parin.. tapos yung scanner pa ayaw mag-scan, eto po yung lumalabas na error:

    External Image


    ano po kayang problema ng printer ko, need ko na po kaya palitan yung cartridge ko.. TIA

    -- edited by foremost63 on Nov 03 2011, 03:25 PM
  • about po dun sa nakaka-experience ng madilim ng print out, i-brightness nyo lang po sa tools ng msword or kahit saang picture editor..ok na po yan!!! =)
  • up
  • @foremost63

    sir, naexperience ko rin ang problem sa scanning ngayon ngayon lang ang ginawa ko lang is ccleaner then system restore. ok na po sya ulit. try nyo po muna mag checkdisk bago kayo mag ccleaner at mag system restore. mukhang dahil yan sa crosslinked files sa hardrive natin or kulang lang sa clean up.
  • @skyline_R36

    ah..ok po try ko yung suggestion mo..thanks! e dun po kaya sa "ink not recognized" ano po advise nyo?
  • @foremost may possibility na sira na nga ang cartridge mo. Try mo rin punasan ng cotton cloth na may konting alcohol yung mga contact ng cartridge mo. Baka madumi lang. Kung ayaw talaga, suggest ko sayo manghiram ka muna ng ink sa mga tropa mo para matest mo. Pag nadetect yung ibang cartridge, bumili ka nalang or manghingi ka ng empty na kapapalit pa lang kung naka cis ka.
  • may resseter na ba ito kase di gumana yung nag post ng link
  • problem ko din sa mp258 is yung pag natuyo na yung print out niya is medyo madilim yung itsura... kahit simple pics lng na pang sticker sana na black and white ay ganun ang prob any help?
  • hi mga mp258 with CIS users.. bakit po yung sakin parang ayaw humigop ng ink kasi i deep cleaning ko may mga lines siya pag nag print... kahit i lang beses ko na i deep cleaning ayaw pa din umayos ng printing nya damin unwanted lines.. help.. =(
  • Skyline, ginawa ko na yun gawin plain paper pro nag jajam. Pag patapos na pag print sa paper, hindi nailalabas ng printer ng maayos. I think the printer is expecting a thin paper. 230/240 gsm kasi ang gamit ko. Pag photo paper ang pinili ko, wala akong problema sa jam or feeding. True enough na mas ok ang output pag plain paper. Pag photo paper kasi ang ineexpect ni canon, canon paper din ang gagamitin. Yun yatang canon papers ngayon may coating na nagpapaliwanag ng photos kaya pag print ng mp258 at kahit ip2772, madilim ang prints

Who's Online

342 active users within the last minute, 173 members, 169 guests.
Our newest member is rafiqalli
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys