>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

sa mga nadukutan sa bus share your experience and modus nila..

  • External Image



    ^magnanakaw, i was riding a jeep from Galeria to VirraMall/Greenhills, parang may naramdaman akong gumagapang sa pants ko, sa side na naandun cellphone ko. ayun kunwari may tawag ako at pinicturan ako.

    bumaba ito sa Greenhills, feeling ko empleyado or working as maintenance or something.. fly-by-night thief.

    ingat!!!
  • share ko lang din for those who are riding the aircondition buses (MOA-Baclaran to northbound, either monumento or fairview sa tapat ng MOA, especially pag 9pm onwards. pag alis ng bus may mga sasakay dun sa stop light kung saan kakanan ang bus patungong baclaran) either sabay sabay or in 2 batches. tapos magkukuwentuhan sila ng maingay or kakausapin ang conductor (lalo na pag may movie onboard) which they will use as a distraction (during that time ay gumagapang na mga kamay nila. may isa na tatabi sa you at yung isa naman ay nasa likod or harapan mo. pag may bag ka ay sisiksik yung katabi mo at sisimplehan na buksan ang bag mo kahit nakazipper while talking to the one in front or at the back (as a way to distract you). posible rin na during this time yung nasa likod mo ay magulo by always squirming in his seat na tumatama ang ankle niya sa likod ng upuan mo.

    leche nabiktima ako nito at nakuha yung creative zen na 1 gig na gift ni gf (kaya sentimental sa akin ang item kahit low tech).

    sana macompile natin ang mga 'style' nilang ito at ipadala sa PNP at kay tulfo. Sana rin may task force ang PNP na ito lang talaga ang gagawin 24/7,aka bus marshalls.


    nakita kona itong modus na ito kakausapin conductor tinatanung title nung palabas as in malakas na boses tapos kung anu anu tinatanung pag nakuha na yung pakay magugulat ka nalang may 3 or 4 na lalaki ng bababa tapos siya yung huleng bababa
  • TIP: Madalas magkasabwat sila ng konduktor at driver, minsan nililibre pa sila ng sakay iniiskip ng konduktor hehe
  • Share ko lang sakin kanina lang

    My personal experience meaning charge to my experience sa byahe sa araw araw.

    Around 4:30 AM bus Nova..


    Nung pababa na ko ng Megamall kaninang madaling araw... At sabi ko Megamall, buti na lang parang tanga ako tingin ng tingin sa paligid bago bumaba..


    Ngayon ang nangyari, nung pababa na ko may sumabay na tatlong lalaki sa pinto infairness ha kala mo papasok sa trabaho dahil naka bihis. Tapos yung sa kanan ko na lakae na naka polong pula, jeans at sapatos at naka gel pa si gago hinahawakan na yung ankle ko na hindi mo maintindihan kung ano gusto gawin, at sa puntong yun at buti na lang passive sakin ang paghawak sa gamit ko sa bulsa everytime na nasa byahe ako. At yun nga, yung sa harap ko na mokong na naka gel din, black tsihrt at jeans tinatry sipatin yung bag ko ( na ang laman puro damit kasi maggym nga ako afterwork ) at yung isang palaka na naka bihis din ewan ko pangharang o didiskarte ng dukot pag un aware ka..

    Tapos, nung time na inaangat-angat na di mo maintindihan yung paa ko, pumasok sa isip ko na budol to. Kaya kalmado ako para sa posibleng nangyari..

    First things first, sinecure ko yung bulsa ko na may celphone at wallet, hinayaan ko na yung bag ko na ang pinakamahalaga lagn yung ipod ko na bulok.


    Tinanong ko yung lalaking naka polo na inaangat paa ko sabi ko "Anong ginagawa mo dyan?" tapos may sinasabi sya na kakaibang lengwahe na )!@(#!@#!@ angat ko daw eklavern na kung ano ano galit na galit. Habang ginagawa ni kuya ang kabalbalan nya sa paa ko, tinitingnan ko paligid ko sa harap pinipilit kalikutin yung bag ko na napakahirap buksan at tinanong ko na "Anong ginagawa mo sa bag ko? Wala ka madudukot dyan. At yung nasa gilid ko wala pa naman ginagawa...buti na lang sa awa ng dyos kalmado ako at nakaready sa pusibleng mangyari at naka ready na ko sa self defensive stance ko ( salamat sa training ng konti sa gym )

    At nagsalita na ko mandurukot! At ayun bumaba sila agad na tatlo sa Megamall at galit na galit na nakatingin at may ilalabas na kung ano sa bulsa nya. Tapos nakatingin ako sa kanila na parang nangagago na wala kayo napala sakin at sa Guadix na ko bumaba para safe, hindi ko na kelangan sumabay dun, di bale ng late basta buo pa rin ako.


    In short budol budol modus operandi tong mga gago sa bus, kaya pala sabi ng ibang pasahero hindi sila mapakali kung saan baba at syempre wala naman pakelam yung bus dun basta sila byahe lang..


    Para sakin buti na nangyari rin sakin to para sa susunod pa na mga byahe mas alerto ako at ano dapat ang gagawin.. Duon ko napatunayan na maging kalmado lang at wag mataranta.

    Kahit anong mangyari mabait pa rin sakin ang dyos at minsan nakakalimutan ko kausapin si papa God eh nandyan pa rin sya sa mga oras na hindi mo ineexpect na tutulungan ka nya.



    Mga kaibigan ko dito, maging alerto sa lahat ng oras ng byahe mapa MRT o Bus. Dahil sa linya ng trabaho naming mga call boys/girls eh prone kami sa mga ganitong bagay.

Who's Online

123 active users within the last minute, 54 members, 69 guests.
Our newest member is franz_g
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys