>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

kung nakagat ng aso, paano malalaman na may rabies ?

  • ano ang sign kung nakagat ka ng aso na may rabies ?
  • hulihin ang aso... observe.. di ko tiyak ilang araw.. pag namatay.. kunin ang ulo at ipasuri.. malaki chance na may rabies yung aso.

    -- edited by coldfeet on Oct 16 2009, 05:56 PM
  • mmhh.. masama pakiramdam
  • dude, wag mo na hintayin magkaron ng signs and symptoms... get your dose of anti tetano and anti-rabies vaccine... usually 10-15days pa magmanifest sa aso yung sign na rabid sha.. and that may be too late for a person inflicted with rabies...

    first aid management for dog bite:
    1. clean with running water and soap only.... wag mo na lagyan ng kung ano anong bawang sibuyas kamatis etc. hehehehhe...

    2. wag mo paduguin yung sugat kung initially hinde naman dumugo...

    3. punta na sa hospital or clinic to have further assessment on the bite...

    :)
  • malalaman mo yun pag na dead ang aso or yun nakagat ng aso pero lagi naman ang aso na dedead minsanan lang ang tao.
  • sign po ba sa aso?

    kung yung aso eh bigla ka kinagat, isang sign na yun lalo na kung di mo naman inaano. Check mo agad kung kakaiba yung itsura, I mean kung nanlilisik yung mata tapos naglalaway ng husto. Ako nakagat dati ng aso na di ko naman inaano lumapit lang, di na nga tumahol biglang kagat na lang.

    Bro, kung may kutob ka, wag ka magdalawang isip, pa inject ka na lang ng anti rabies as soon as possible. Hindi ka na kasi magagamot kung sakaling nagka rabies ka, dahan dahan kang mamamatay.
  • mag pa injection ka agad ng Anti Rabies ang pinaka mabuti mo gawin..
    4 session yta yun..

    wag papatayin ang aso daw at itali o ikulong ng 14 days
    at pag naging kakaiba ang kilos ng aso
    like matatakotin at ayaw sa tubig at di mapakali..
    at siyempre pag malala ng nag lalaway..
    ayun may rabies yun aso..

    nakagat kasi mother ko dati yun ang naalala ko sa leftlets ng ospital..

    -- edited by LGAmazE101 on Oct 16 2009, 06:00 PM

    -- edited by LGAmazE101 on Oct 16 2009, 06:05 PM
  • kung nakagat ng aso, paano malalaman na may rabies ?


    observe mo yung dog, pag na-ul()l ayun meron
  • First hugasan mo ng maigi yun nakagat with soap.
    then dalin mo agad sa doctor, brad,,, this is serious could be fatal, go to a Doctor.
  • Don't worry may nabuhay na sa rabies search mo sa youtube, induced coma nga lang. hehehe.

    Seriously, have yourself vaccinated sa RITM or San Lazaro (mura ata dun o libre) with kontra rabies at kontra tetano, samahan na din ng kontra bulate... It's better safe than sorry bro.
  • @Geeeboy

    thats one lucky case, inulit nila yung process but then hindi na naging successful. Pero sana gumagana na lang all the way.
  • ano ang sign kung nakagat ka ng aso na may rabies ?



    dati nakagat ako ng gagamba. wala namang nangyari. pero napansin ko lumakas ang spider sense ko. at nawala ang takot ko sa heights. mahilig na rin ako mag-bungee jumping.
  • pag takot ka na sa hangin... hehehehe
  • Don't worry may nabuhay na sa rabies search mo sa youtube, induced coma nga lang. hehehe.

    AFAIK one case pa lang ito.

    Yung mga nabubuhay sa rabies (na sobrang kaunti), iba na ang takbo ng pagiisip.
  • kung nakagat ng aso, paano malalaman na may rabies ?

    kelangan pa ba i post yan?^^

    pa inject na po agad ng anti rabist tapos tapos tanong mo sa Doctor kung ano na mga gagawin mo^^

    -- edited by fonts on Oct 16 2009, 06:23 PM
  • dati nakagat ako ng gagamba. wala namang nangyari. pero napansin ko lumakas ang spider sense ko. at nawala ang takot ko sa heights. mahilig na rin ako mag-bungee jumping.


    nyak! ganun ba yun?
    astig ah, he he
  • TS,
    punta ka sa san lazaro, although hindi pinapakita yung mga taong hopeless case na nakagat ng aso, pag nakita, ora mismo magpapa injection ka.

    makikita mo kung pano unti-unting mamamatay yung mga tao doon.
  • holy sh*t

    wag ka nag maghintay ng signs uy..saan ka ba nakagat? kung sa leeg baka di ka na aabot ng buhay bukas... depende din kasi sa location yan pero mas mabuti magpa check na agat at mag pa anti-rabies shot kasi pag din na naagapan there's no turning back..

    madami ako nakita ganito when i was still a student nurse.. sa mga regional hospital sila dinadala..yung mga worst case na talaga hinahayaan na lang nila mamatay..
  • siguro malalaman yung sign pag kumahol na ung tao heheheh sigurado umepekto na rabbies..
  • heheeh tamang post si foool ^^

    gagamba daw oh hehehe
    lumakas daw spider sense nya ^^
    kulang nalang mag install ka ng anti viruz sa katawan mo^^

    -- edited by fonts on Oct 16 2009, 06:28 PM
  • @deadmanwade

    Hindi po nila hinahayaan yun wala nalang talagang magagawa pag umabot na ung virus sa brain kasi nga masyado mabilis ung virus kaysa sa immunity natin to catch up at makapag produce ng antibodies. Pag umabot kasi sa brain ung virus i-aattack nya ito hanggang magkaroon ng neurologic shock na siyang ikakamatay ng pasyente.
  • yan kasi..

    sinabi na kasi ni Master Jay na dapat,

    "Nakatali Kaseeeeeeeeeeeeeeeeeee!"
  • P15T ang gastos sa anti-rabies.

    kung gusto mo makasure kung dapat ka paturok, paputol ulo ng aso at pacheck mo utak sa UP ata. libre lang pacheck utak for rabies.

    wag ka magbakasakali, pag lumala yan.. isa ka sa mga mamimiss naming tpc member.
  • ikulong mo yun aso, tapos obserbahan mo pag na ulol!
    may rabies yan.
    humanda ka na din kasi malamang ikaw na susunod na maulol.
  • kaya nga hinahayaan na lang kasi wala ng magawa once umabot na sa brain.. kasi hindi naman agad2x na de-detect ang rabies eh nagtatago pa ito sa katawan pag lumabas na ang signs and symptoms wala na talagang magagawa..

    yun kasi yung na kita ko sa regional hospital mga worst case scenarios yun bang nasa dulo ng hall nakakulong sa rehas parang preso.. tapos nagwa-wild yung pasyente hanggang mapagod then eventually namamatay
  • Bakit ka maghihintay ng sign or answer/advise dito sa TPC...???

    mas maganda ata pumunta na kayo sa hospital... dahil sa ilang oras lang pede lumalala yan.

    AT kung nakagat ka ng aso ... hugasan mo then paduguin mo lang then punta ka agad hospital to check and bigyan ka agad ng gamot...

    ako mga 5x+ na ata ako nakakagat ng aso pati aso namin kinagat na ako then deretso sa hospital kahit alam namin na wala rubbies aso namin...

    -- edited by Classmetz on Oct 16 2009, 10:41 PM
  • minsan ang rabies matagal ang epekto... buti pa suri mo sarili mo. Dalhin mo na ang aso tapos pa suri mo rin... kung walang rabies, kagatin mo ang aso para patas na kau.

    -- edited by kutojin on Oct 16 2009, 10:44 PM
  • hindi yata advisable na pag nakagat ka ng aso papainject agad ng antirabies.

    payo ng doctor, obserbahan muna yung aso. kung nanghina ang aso, nagkasakit o namatay, malamang na may rabies nga yan. kunin ang ulo at ipasuri or sign na na dapat mag painject ka na ng antirabies.
    hindi lahat ng aso may rabies.

    my father died of rabies, it took 6months before the symptoms manifested. 3days lang ang taning ng doctor.
  • Bagsik ng rabies
    WHAT’S UP DOC DOC? Ni Dr. Tranquilino Elicaño Jr (Pilipino Star Ngayon) Updated May 28, 2006 12:00 AM

    (Huling bahagi)
    PAUMANHIN sa hindi pagkalabas ng aking column noong nakaraang Linggo. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi nakasama ang aking column dahil sa kakulangan ng espasyo. Sorry po.

    Nasabi ko sa unang bahagi ng aking column na maging maingat sa pagpapahimod sa inyong alagang aso o pusa na karaniwang pinanggagalingan ng rabies. Nabanggit ko rin na hindi lamang sa aso nanggagaling ang rabies kundi maging sa daga at paniki.

    Ang virus ay nasa laway ng aso at iba pang hayop at naililipat sa pamamagitan ng pagkagat o paghimod. Naglalakbay ang rabies mula sa bahaging nakagat sa pamamagitan ng ugat at nagtutungo sa spinal cord paakyat naman sa ulo hanggang sa humantong sa utak. Dadami ang virus kapag nasa utak at saka magma-migrate sa salivary glands.

    Ang sintomas na mayroong rabies ang biktima ay lumalabas makaraan ang 20 hanggang 30 araw makaraang mai-transmit ang virus.

    Ang biktima ay karaniwang makikitang maysakit, hindi mapakali at mentally depressed. Hindi makontrol ang kanyang excitement at makikita ang pag-agos ng kanyang laway. Bukod sa maraming laway na lumalabas, makararanas din ng pananakit ng lalamunan ang biktima.

    Nakapagtataka rin naman ang grabeng pagkatakot sa tubig nang isang may rabies. Ayaw na ayaw nilang uminom ng tubig. At ang pagkatakot na ito ng mga may rabies ang dahilan kung bakit may tinatawag na hydrophobia. Ang hydrophobia ay pagkatakot sa tubig.

    Kapag nakakagat ang alagang aso o hayop, dapat itong ikulong at obserbahan. Kapag sa loob ng 10 araw at nanatiling malusog ang hayop, ibig sabihin wala siyang rabies. Karaniwan nang namamatay ang asong may rabies makaraan siyang makakagat. Kung nagdududa sa hayop, dapat itong patayin at ipa-eksamin ang utak para masiguro kung may rabies o wala.

    May mga kaso na ang skin biopsy mula sa leeg ng victim na kinagat ng hayop ay makikita na ang virus kapag ineksamin.

    Sa mga mauunlad na bansa, ang anti-rabies vaccination ay binibigay lalo na sa mga laboratory workers at veterinarians na exposed sa virus. Pagkatapos mabigyan ng vaccine, susundan ng booster sa mga susunod na taon.

    Dapat tandaan na ka-pag nakagat ng aso, lini-sing mabuti ang bahaging nakagat. Sabunin nang ayos ang sugat gamit ang malinis na tubig. Dalhin sa doktor kung saan ay dapat maineksiyunan ng para sa rabies na tinata-wag na immunoglobin. Ang kasunod na vaccinations ay dapat ibigay sa ika-3, 7, 14 at 28 araw.

    Hindi dapat ipagwalambahala kapag nakagat ng aso o hayop. Marami na akong nakitang naging biktima ng rabies na hindi ipinagamot at nagng resulta sa pagkamatay sa loob ng tatlong araw o dalawang linggo.

    Kapag nakagat ng aso, huwag mag-atubiling dalhin sa doktor.
    View previous articles from this author.
  • SOP din sa dog bites ang anti-tetanus shots.

Who's Online

799 active users within the last minute, 432 members, 367 guests.
Our newest member is PCSeller001
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys