User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

kung nakagat ng aso, paano malalaman na may rabies ?

  • you don't, immediately consult a doctor :)
  • pag tumatahol ka na TS simula na yun
  • eto mga sample ng mga victim.

    warning lang, medyo disturbing yung mga scene:
    <click here for link>

    <click here for link>

    nakakaawa yung kalagayan ng mga infected. lahat ng video na makikita nyo na bumubula bibig, o kaya may hydrophobia yung nalulunod pag umiinom ng tubig eh naghihintay na lang ng oras nila means deds na sila lahat ngayon.
  • Dahil virus ang rabies baka meron mga taong hindi talaga tinatalaban ng rabies.

    Gaya ng recent discovery na meron mga taong hindi tinatalaban ng HIV.

    Medyo hawig pala sa zombie itong rabies.
  • Medyo hawig pala sa zombie itong rabies.


    napanood mo na 28days later / 28weeks later?

    parang Rabbies yung virus na nag-spread dun eh.. parehong-pareho talaga ang effect.. pero doon, hindi namamatay ang tao.. tuloy lang ang RAGE...
  • pa-turok ka na intrapata.. ako nakagat ako last week.. Oct. 14 (sunday) sarado ang San Lazaro.. tapos Oct. 15 nagpasaksak na agad ako dun.. solo shot ako kasi umiinom ako para sa thyroid ko..bawal malansa ng 7 days at alak for 1 month, goood thing i dont drink alcohol. naka-2hots na ako kahapon. sa monday ulet. 910 pesos per shot ko kasi solo.. mahirap na magwalang-bahala..
  • so far so good . naman ako sir hindi pa ko nakakapag paturok almost 4months na. hihihih mula ng madaplisan ako sa labi
  • For those who would like to have suspected animals tested for rabies, you may bring the deceased animal to the Bureau of Animal Industries Visayas Avenue Quezon City. Please be advised that the specimen would only be valid if brought within 6 hours after the animal's passing. Rabies test (FAT) only costs 200 pesos and results will be available within 1-2 business days.

    You may contact Bureau of Animal Industries (BAI) at 928-2177 for further information.
  • doktor mismo mag-eevaluate kung need ng vaccine...advisable within 10 days pag negative yung hayop sa rabies discontinue na lang yung succeeding shots...mura sa city hall minsan libre pa pag may philhealth

    -- edited by vuer9 on Apr 29 2013, 07:12 PM
  • Mag hihintay ka pa mag pa injections?ng anti rabies

    saka ka mag pa inject pag malala na
    at malalaman mong meron ka na rabies

    katangahan na yan ganyan

    mas marami ka pang gastos niyan mamya
  • pag naglalaway kana.. ibig sabihin umupekto na ang rabies sayo...
  • grabe ka intrapata laging sa lips wag kasi makipagkiss kasi kahit hindi masugat basta humalo lang ang laway pwede maexpose....pero pure breed ba yung puppy nyo? lahat ng ancestors nya pinalaki nyo? kung sa inyo nanggaling yung magulang at lolo at lola nya at di naging palaboy malinis nga yan
  • pag naglalaway kana.. ibig sabihin umupekto na ang rabies sayo...


    ^^ grabe naman ito....ibig sabihin nyan wala ng lunas...

    backread nalang ang may katanungan ...
  • injections na anti rabies na ang solution kahit nakagat ng aso.
  • Not directly related sa topic pero is it coincidental na namamatay ang aso na may rabies after makakagat ng iba hence the 1 week observation or may explanation? Kinda like honeybees stinging and dying dahil naiiwan yung stinger nila along with some of their digestive track, nerves and muscles.

    Sorry tagal na bumabagabag na katanungan sakin hehehe
  • ^actually kung may rabies yung aso kahit hindi sya mangagat mamamatay pa rin sya. yung pangangagat nya eh bunga lang ng pagiging wild nya at wala nang kontrol sa temper dahil apektado ng rabies ang utak ng victim, hayop or tao.

    yung aso inoobserbahan after mangagat, kung buhay sya after a week ibig sabihin mahilig lang sya mangagat. pero kung namatay yung aso, nangagat sya dahil naguulol na sya sa rabies kaya delikado yung mga nakagat nya.
  • Napanood ko sa channel 2 o 7 ata yun about dun sa bata na kinakitaan ng symptoms ng rabies. Di naagapan at namatay sya. Nalaman ng doctor na almost 7-10 years later na nung last sya makagat ng aso. Unti unti daw nag travel yung rabies sa binti nya then sa utak. Rare case daw yung ganun.
  • paano naman if example na dilaan ka ng aso sa bibig? di pa sure if may rabies yung aso. kaso 8 months palang at maayos at malinis naman???
  • kadalasan sa aso mo makikita signs of rabies like unprovoked tapos nangagat, kapag naglalaway at iba behaviour ng aso kapag ang aso ay nakagat din ng ibang animal pero masasabi mo lang na may rabies ang aso kapag pinutol ang ulo at pinag aralan ang brain matter

Who's Online

736 active users within the last minute, 406 members, 330 guests.
Our newest member is RobertTek
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys