>

User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Epson T10 CIS problem Attention Latest T10 Users

  • Mga masters, help naman po. Bumili ako ng Epson T10 with CIS sa Odeon Terminall Mall sa Recto. Ok naman, kaso nung maubos na yung isang color ink the red light started to get on. Sabi nila off ko lang daw printer then turn it on again, or keep on pushing the button where the red light is on, o kaya naman mag-head clean daw ako. Pero nothing happens kaya i decided na dalhin sa kanila yung printer. Ive read here at the forum na yung mga latest Epson T10 doesn\\\'t read CIS with lower version than 6. I told the store na baka hindi version 6 yung CIS nila kaya di mabasa ng t10 yung ink pag nauubos na. pero sabi naman nila, version 6 daw naman yung CIS nila. Nagawa naman nila ulit na patakbuhin yung CIS ng T10 ko. i ask them na dapat sabihin nyu sa kin yung procedure kung panu nyo ginawa. they just told me na pag nababasa ng printer na malapit na maubos yung ink, pagpahingahin ko muna daw yung printer, turn it off, head clean, at maglo-load na daw uli yun.

    I went back home, print again (its unlimited right). at some point i forgot to do what they told and end up having the same trouble again. the red light is on again. i called them. i told them what would i do para di na din ako pumunta ulit sa shop nila since i based at quezon city. sabi nila talaga daw ganun ang problema ng mga bagong t10--na everytime na mabasa ng printer na ubos na ang isang color ink, tumitigil na. papalitan daw na lang ulit nila ung \\\"chip.\\\" I mean, everytime pala na titigil yung printer, dadalhin ko yung chip sa kanila to replace it. at wala na daw silang magagawa about it. at yun lang daw talaga ang paraan.

    first, sana nung binibili ko pa lang yung unit, sinabi na nila yun. di sana di ko na binili. 2nd, it\\\'s a waste of time to spot your printer whether it would be running out of ink soon just to prevent it from having a chip error. 3rd, they have no solution offered, just return the chip. so everytime you\\\'re out of ink, you\\\'ll go to them and have a new chip. so i guess they would have thousands of chip stored there waiting for every customer having trouble with their CIS that is purchased from them.

    hey latest T10 users, do you experience the same problem? is the CIS FOR LATEST VERSIONS OF T10 WERE NOT REALLY STABLE? if not, i am the dumbest person owning a useless T10 CIS ever!

    enlighten me please!
  • sir check the ARC ( auto reset chip ) version of the cis provided to you, if its Version 6.0 , me problema yung version 6.0 sa Latest release ng T10, hindi nag o-autoreset yung chip . Compatibility problem yan. Papalitan mo nalang ng ibang version like EFR4, V 2.4 . Na encounter na namin yan. Marami na kasing release ang T10 printer so hindi lahat ng ARC version compatible.

    -- edited by laptop_deals on Jul 04 2009, 12:59 AM
  • sir, kakabili ko lang rin ng T10 with version 6 na chipset, and parehas lang yung nangyayari sa unit natin, ang difference lang, well informed ako ng tech na binilhan ko nito. sinabi nila sa akin kung ano ang dapat gawin.

    well try mo to, remove mo yung cartridge then ibalik mo ulet, ganun lang ginagawa ko, medyo abala pero pede na.
  • gud pm.

    un lang po ba solution? aangat mo ung cartridge? kasi kukuha ako ng cis ng T10 inaanticipate ko alng ung problema. almost all the advertisers here are carrying the 6.0 version, meron ding apex, etc. ano ba pinaka ok?
  • meron kaming client kabibili lang ng epson t10 last monday at ni-refer namin kay sir azul (multicolors). as of yesterday more than 5 reams na ang nai-print nilang company letters & brochures at paubos na yung reserba nilang refill inks pero walang na-encounter na ARC chip problem o angat angat solution.
  • the latest stable version of arc chip for epson T10 as of this writing are as follows:

    1. v.6 for INDIVIDUAL type
    2. v.6.04N / v.6.0N4 for combo type
  • ganun din problem ng t10 ko. everytime na io-on ko orange light na. on-off-on-off-on lang ang ginagawa ko hanggang mawala na yun orange light. malaking abala, mag auto cleaning pa palagi, aksaya sa ink & ink counter.
    di naman siya ganyan dati, ngayon lang last few days. almost new, 1 month old pa lang.
    pano ba malalaman kung anong version, saan makikita?

    sana di ko na lang binenta yung c90 ko, ni minsan walang ganyang na-encounter na problem :(

    @laptop_deals
    any support?
  • ^
    ayun, kahapon lang gumagana pa sa off-on-off-on method. ngayon ayaw na talaga, di na mawala yung steady orange light. ayaw na mag print. asar!
    sira na kaya ang chips? ibabalik ko na ba sa pinagbilhan ko or any other solutions? layo ko kasi eh cavite to manila.

    -- edited by bandido29 on Sep 16 2009, 12:21 PM
  • Sir,

    Pareho problema ko, but the next time daw na papalitan ng chip may bayat na daw P1,000.00

    Galing din sa multicolor ang CIS kit ko.

    Kaya lang sabi ng boss nila our warranty is up to 1 month only ( unfair di ba? )

    BTW: bago ako bumili ng t10 tinanong ko sa kanila kong ok ba system nila?

    Ang daya daya talaga nila, after ko nabili inamin nila na talagang may problema t10 nadedetect ng printer kong CIS ang gamit.

    Ren88
  • so yung multicolors na ciss di pa stable then?

    does anyone have feedback on malgs' t10? 2800 na with ciss and external waste tank

    im tempted to buy it pero i need an idea kung durable to and kaya ireset. up to now parang wala pang resetter. yugn meron, demo lang
  • try this link

    http://adjustmentprogram.com/153/epson-resetter-t10-but-is-trial.html/

    there is a downloaded program. please, thjose with a t10, can you check if this works to save us guys who want to buy a t10?
  • bandido29 Send Message View User Items on September 16, 2009 12:18 PM - User is Online
    ^
    ayun, kahapon lang gumagana pa sa off-on-off-on method. ngayon ayaw na talaga, di na mawala yung steady orange light. ayaw na mag print. asar!
    sira na kaya ang chips? ibabalik ko na ba sa pinagbilhan ko or any other solutions? layo ko kasi eh cavite to manila.

    -- edited by bandido29 on Sep 16 2009, 12:21 PM


    Haha! Wala na ko problem sa CIS ko. I went to laptop_deals this afternoon and they replaced my chips with a new & updated version for free. The technician even cleaned my printer. Very good after sales service laptop_deals!

    -- edited by bandido29 on Oct 05 2009, 08:10 PM
  • You will not use the forums to trade items or services, nor to post advertisements, chain letters, pyramid schemes or solicitations of any kind.


    -- edited by ccl2003 on Oct 06 2009, 09:56 PM
  • share ko boss,ganyan din nangyari sa t10 ko..hindi nya ma reconized yong black cartridge,ang ginawa ko,tinanggal ko yong arc chip,tapos resolder ko yong ic sa bandang likod ng reset button.yon lang po ang ginawa ko boss.back online na yong t10 ko.sana makatulong..
  • back read ka.........about T10
  • tanong lang po ano po prublema dito sa print out ng printer ko epson t10 CIS din not sure about the version though thanks sa makakasagot.
    External Image
  • PM..
  • ako naman yung t10 ko po minsan may gaps sa print out... ano kaya prob nun mga sir...
  • @Frence
    @neonblaze

    try this... might solve the problem:
    print head allignment

    External Image
  • question lng kelangan ba araw araw iprint ung for color magenta , black , yellow at green ata un ? pra daw hnd ma block ang heasds ? yan sbi sa akin ng pinagkabitan ko
  • i have the same problem with Frence, ganun na ganun.. help naman anu ba gagawin dito> i tried everything eh..
  • bumili ng brand new T10 ang friend ko, pinasabay ko ang T10 para makabitan ng ciss. gamit sa office yung kanila, napalitan na ng minsan yung mga chips niya. yung sa akin, siguro dahil madalang lang magamit, ayus pa naman. heto, ayaw na umandar ng kanila. baka ibabalik na naman sa kanila for warranty. problem yata mga chips nito ngayon no?
  • Hello, need help lang po sa Epson T10 ko naka CISS siya. Bale ayaw na kasi mag print ng ibang kulay aside from puro Blue lang at faint na Yellow. Nag try na ko i-run yung maintenance/troubleshooting ng printer like Head cleaning, Nozzle check etc.. pero ganun parin.

    Any help would be appreciated. Thanks po ng marami.
  • 5 months after nagloko din ang T10 CIS namin

    kinausap ko ung binilhan namin

    sabi nya, bka daw nag auto update ung bios ng t10 printer namin and then ung chip nila d na compatible dun sa bagong version ng bios so d na pwede ung chip and kailangan na palitan

    wala ako na remember na nagdodownload ng update tong t10

    is this possible na may auto update ang bios ng t10?

    -- edited by mast3rmind on Mar 18 2010, 09:59 AM
  • @mast3rmind
    mukhang malabo ata yan auto-bios update sa t10 (drivers oo pero auto-bios update i doubt). for security purposes nalang sa case ng epson, papano kung pumalpak yung auto-bios update? eh di puros lawsuit ngayon inabot ng epson diba? anything to do with "flashing" or bios update kelangan ng manual process at some point -- kelangan mo muna mag-agree sa disclaimer. kung walang green light galing sa user, di yan basta lang mag-update.

    my best guess, may problema yung ciss chip.. baka nasira.
  • @Frence
    di yan basta lang naayos sa head alignment at head cleaning. First, check mo airflow ng ink tank.. baka barado yung air filters. Yung iba naka-recta (walang air filters) pero di ito advisable dahil papasok yung dust sa loob ng ink tank at magkakaron ito ng problems later on (at masisira agad ang printer head). If ganun parin problema, reseat mo lahat ng ink cartriges -- kelangan maayos at malinis yung contact ng chips. Don't use your hand/fingers to clean the contacts (masisira yung chips dahil sa static electricity).. use soft eraser instead. If naka-ilang reseating ka na at ganun parin, malamang may problema yung chips mo or di compatible yung version ng chip sa printer.

    BTW, I'm using arc v6.0n4 sa ciss ko.. nabili ko yung t10 brand new about a month ago and at yun lang naging problema -- after contact cleaning and reseating (and making sure adequate yung airflow sa ink tank), wala nang problema (so far). Ako mismo nagkabit ng ciss (bumili ako ng kit) at gumawa narin ako ng external waste ink tank (DIY). I also make sure to print at least one 4R size photo a day (full color - best photo settings) para di agad mag-clog yung ink sa printer head (i'm using pigment inks). IMHO, inevitable yung print head clogging if your using pigment inks since hindi 100% compatible etong 3rd party pigment inks na ginagamit natin.. what we are doing is just "delaying" the inevitable and maximizing our investment using CISS. :) not sure if same scenario applies to 3rd party dye inks.

    hope this helps!
  • wag na kayong bumili ng epson stylus t10 masyadong maarte yan pag naka ciss. pero kong hindi na ka ciss okay lang maganda ang takbo ng printer kasi origenal ink catridge gamit nyo. kong mag ciss kayo sa hp or canon na lang kayo kasi napapalitan ng cartridge ang print head kasi nya nasa catridge
  • thanks for this forum.. balak ko pa naman bumili neto kasi ang mura talaga. siguro kaya mura ang benta, dahil problemado nga. tsk tsk tsk..
  • GUYS HELP NAMAN PO..I BOUGHT A NEW T10 PRINTER. THERES A PROBLEM WITH THE HEAD, IT MOVES JUST A 4 INCHES DISTANCE AND GETS STOCKED THEIR WITH RED LIGHT BLINKING,HOW CAN I SOLVE THIS????,,PLS THANKS.....DARAH MAE OF MAKATI CITY
  • Baka meron naka online please. Re: epson t10 din. Yung magenta parang me leak, di ko makita. I sucked the magenta top with a syringe. walang lumalabas. All other inks meron naman. San ko pwede hanapin yung leak?

Who's Online

920 active users within the last minute, 541 members, 379 guests.
Our newest member is enchongdee
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys