User Login

TipidPC.com is the largest online IT Community in the Philippines. Have something to sell or share? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Mag-ingat sa Philippine Anti-Drug Support Group, Inc. (another Scam?)

  • SCAM ITONG CADAG -CITIZEN ANTI-DRUG ACTION GROUP ISA RIN ITONG
    SCAM WAG KAYONG MANINIWALA SA KANILA ITO'Y HINDI TOTOO ...
  • PHILLIPINE ANTI CRIME BUSTER ISA AKO SA NALOKO NG ORGANIZATION NA TO AKALA KO TOTOO PERO SCAM PALA ITO ..
    PAULIT ULIT NA LANG NILA AKONG TINATAWAGAN AYAW AKONG TANTANAN AT PINAGBABANTAAN NILA AKO
    PINUNTAHAN KO OPISANA NILA PARANG PALENGKE KINUTUBAN AKO NUN KAYA
    NAKAPAGBAYAD AKO NG 5000 SA KANILA DAHIL SA MAKULIT SILA
    YUNG GENERAL NILA AY HINDI TOTOONG GENERAL KAYA WAG KAYONG MANIWALA SA ORGANIZATION NA TO
    DAHIL SCAM ITO O HINDI TOTOO ANG ORGANIZATION NA ITO
    KUNG SINO MAN ANG NALOKO NILA ULET IPAHULI NIYO NA SILA ..


    -- edited by joey951 on Apr 09 2013, 10:19 AM
  • WACCAA INC. ISA RIN ANG NABIKTIMA ANG KAPATID KO AT ANG FATHER KO
    PARE PAREHO SILANG NANLOLOKO KASI IISA LANG BOSES NG GENERAL NA TUMATAWAG SA AKIN
    AT SA KAPATID KO AT SA FATHER KO DAHIL MAY RECORDER KAMI AT NAKA RECORD YUNG MGA BOSES NILA..

    -- edited by joey951 on Apr 09 2013, 10:18 AM
  • ISA PO AKONG MAGCOCOMENT IBIG SABIHIN BA NITO YUNG TUMAWAG SA AKIN NA ORAGANIZATION NA WACCAA AT AFRIBA AY SCAM DIN PALA ITO NGAUN KO LANG NA BATID NA NALOKO AKO NG ORGANIZATION NITO KUNG SINO MAN ANG MATA WAGAN NITONG DALAWANG ORGANIZATION WAG KAYONG MANINIWALA DAHIL ITO'Y SCAM
  • GALIT NA GALIT AKO SA DALAWANG ORGANIZATION NA ITO DAHIL SA PANLOLOKO NILA SA AKIN WACCA AT AFRIBA SHIT KAYO SCAM PALA KAYO

    -- edited by lisa723 on Apr 09 2013, 10:32 AM
  • AFPREVA PARE PREHO PALA KAYONG SCAMMERS PATI NA RIN ANG WACCAA BIG BIG SCAM WAG KAYONG MANINIWALA SA KANILA

    -- edited by hanna841 on Apr 09 2013, 10:49 AM
  • natutuwa naman ako sa mga nai-scam ...unang una kung may tatawag na ganyan..ang una kong iisipin...

    sino ba sila

    kilala ko ba sila

    ano ko ba sila

    kung may involve na pera mag isip kana

    mag 2nd opinion
  • Lisa723 and hanna841 parehong newly registered account. Hmmm.
  • Pati joey951 at faye62369.
  • Lisa723 and hanna841 parehong newly registered account. Hmmm.


    Pati joey951 at faye62369.

    ipa T3 na nila iyan
  • MAG INGAT SA GRUPONG ITO
    PHILIPPINE CRIMEBUSTER SUPPORT GROUP INC.
    PAALAALA lang po sa mga kababayan ko may tumawag po sa akin kahapon June 25, 2013 at around 11am galling sa number na to (09479243421) at nagpakilala na si Danny Mendoza staff daw po sya ni GENERAL ROMEO BELLO na nakabase sa camp crame, nagulat ako at kinabahan sa pagtawag nila kc tinawag nila ako sa tunay kung pangalan, tapos ipinasa nya ang call kay general daw pero hindi ko alam kung totoong general ito., at ang sabi kaya daw sila napatawag sakin ay kasi may programa daw sila na kailangan ng supporta, para daw po yun sa mga anak ng mga sundalo at pulis na namatay at nasugatan sa pagtatanggol sa bayan natin. Nagtanong ako kung panu nila nalaman ang number ko at ang sagot ni general (kuno) sakin ay galing daw sa trusted staff nila sa city hall. ibinigay daw sa kanila ang mga list ng mga business owner dito sa quezon city para tawagan nila. Ang sagot ko sa kanila pagiisipan ko muna. Then nagsalita si general na para din daw yun sa proteksyon namin ang ibibigay naming donation. napaicip ako sa sinabi nyang yun kc parang may pagbabanta na sya at seryoso ang boses nya. Kagabi nangulit ulit sya na pagicipan ko daw at nagtxt pa na ihulog ko daw ang pera sa BDO Account nila na PHILIPINE CRIMEBUSTER SUPPORT GROUP INC. # 10195203 or dalhin ko daw sa address nila na 138-b molave st. brgy. Duyan duyan Project 3 Quezon City. Dumadaan din ako sa street na to pero wala naman ako napapancin na headquarters dito kc parang palengke ito. Tapos kanina umaga lang 8am nangungulit ulit si DANNY MENDOZA pinatawag daw sya ni DIRECTOR LORETO ASUNCION at inuutusan ako na ihulog ko daw ang pera. Ang sabi ko sa kanila ilalapit ko sila sa GMA 7 then bigla nya ibinaba ang call. Nag research ako sa internet ngayon at napag alaman ko na marami na din pala naloko ang grupo na to gumagamit po sila ng ibat ibang name ng organization at palipat lipat din ang address pero along cubao lang ang place parati nila.

    Ito ang mga name ng organization:
    NATIONAL ANTI CRIME SUPPORT GROUP INC.
    PHILIPPINE CRIMEBUSTER SUPPORT GROUP INC.
    CITIZENS ORGANIZATION FOR REFORM & PUBLIC SAFETY INC
    PHILIPPINE ANTI-DRUG SUPPORT GROUP INC.
    CADAG -CITIZEN ANTI-DRUG ACTION GROUP
    PHILLIPINE ANTI CRIME BUSTER

    Ito naman po ang dati nilang address no.309 Karen blng, annapolis st. corner Aurora blvd. Cubao
    At ito ang dati nilang telephone 437-0045.

    Sa mga makakaencounter po ng call galling sa organization na to huwag po kayo maniniwala dahil hindi po totoo ito. Wala po ganito organization na mga general at director pa ang kakausap sa inyo. Kung totoong mga official po sila sisiguradohin ko po na wala silang time para makapag tawag na katulad ng ginagawa ng telemarketer. Nakakainis lang kc may pagbabanta pa sila kapag hindi nagbigay.


    Matagal na din pala ito nagooperate at sigurado ako na marami na din sila naloko.

    PAKISHARE NALANG PO PARA MAGING AWARE ANG LAHAT. THANK YOU
  • TUmawag sa akin kanina ay si Maj Gen Raul Relano daw. Dumating ang Mr Magdayo (representative daw) sa office para kunin yung 5000 at ibigay ang ID na pwede daw gamitin pag nahuli sa traffic, sa kotse etc.. May sulat pang program for soldiers' children etc.

    same modus. buti nalang tumawag muna ako sa misis ko at pinagalitan ako bago ako naabutan ng mga mokong.

    ty din sa TPC at may ganitong forum. Mapa kompyuter man o totoong buhay.

    MABUHEY tPC!!!!
  • 8.You will not use the forums to trade items or services, nor to post advertisements, chain letters, pyramid schemes or solicitations of any kind.
  • marami parin nangyayaring ganito...
  • got a call this afternoon.. same modus operandi Crimebuster Group daw based in Camp Aguinaldo.. Col Hernani Acosta daw sya... 5000/ticket para sa programa nila inclusive of dinner sa QC .. nagoffer din ng ID & calling card .. sked dapat for pick-up 5 pm pero tumawag yung "secretary" bukas na lang daw 9.30 am..
  • dumating yung collector nila sakto 9:30 am.. babae , 57 years old.. me photo & video ako. kasi nirecord ko habang tinatanong ko .. for my own security & peace of mind, I decided na ipa-blotter para me official record so dinala namin ng head of security sa barangay.. dun ininterview sya ng pulis . .. yun palang tatawag sa bahay mo na di mo naman kilala tapos, invasion of right of privacy na.. then yung pupunta sa bahay mo para magsolicit without barangay permit, another violation..
    gusto na ikulong ng pulis... sabi ko sa kanya... wag na tatawag sa bahay, I-delete ang record ko sa file nila, di na ko maggfifile sa kanya... iniiwan na nnamin sa barangay hall kasi iniinterview pa nung pulis at mukang balak syang tuluyan..

    so pag nangyari sa inyo ..ganun gawin nyo.. I-trap nyo sa premises ng building nyo kasi responsibility din ng guards yon.. pag sa bahay naman, timbrehan nyo barangay para nakaready na sila.
  • nice shot ariel.

    boom panes haha! :D
  • I am One of the Sponsor of PHILIPPINE CRIMEBUSTER SUPPORT GROUP, INC., It was successfully Dinner Affair last august 28, 2014 @ Great Eastern Hotel, natutuwa ako at may ganitong programa ang PHILIPPINE CRIMEBUSTER.

    Conscious lang ako kung bakit ang pangalan ko ang tinawagan nila, kaya ako ay umatend sa sinasabing okasyon, mali pala ang mga post at comment na nabasa ko, natutuwa ako at may ganitong programa para sa mga kabataang kapos palad.

    Sana tumagal tumagal pa ang programang ito at marami pa silang matulungang kabataan...

    Mabuhay ang PHILIPPINE CRIMEBUSTER SUPPORT GROUP, INC.

Who's Online

1012 active users within the last minute, 580 members, 432 guests.
Our newest member is HrNEQezdiA
Click here to see online members.

Browse Items

More »

Search TipidPC


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys