Forum Topic

High Blood (Hypertension) Mahal ba ang Gamot Niyo?

  • para po sa mataas ang cholesterol,try to drink lemon grass (tanglad) morning and evening after meal.
  • After 2 months bagsak ang cholesterol ko medyo normal na din bp ko kaysa dati na 140/90 . Torus nireseta pero taas naman alt ko.
    Iwas taba na din dati halos araw araw ako sisig sa jollijeep. Ngayon ng oat meal na lang ako sa gabi
  • Parang sa jollijeep valero ka kumakain ng sisig ah
  • Before ako nag take ng maintenance med..my BP is pre hypertension of 130/90..since nasa lahi talaga namin ang HB..dito na nagsimula lahat ng sakit ko.. because of fear and depression..nag palpitate ako tumaas ang heart rate..hirap ng matulog..2013..nag diet ako..almost 10kls ang nawala rapdily..incorrect diet process..almost tinamaan lahat ng parts ng katawan..heart..gerd stomach because of consuming lots of oats..nagkaroon din ako ng slipped disc..headache but cannot rule out by neuro..blurred vision..but my vision is 20/20..palpitation when lying down..lots of cardio test..2d echo ,ecg ,holter monitoring,thread mill test, thyroid test..all test are normal..cardio unable to rule out..today 2016..im taking up maintenance med atenolol for lowring down heart rate and BP..for the supplementation.. i do take garlic capsule and apple cider vinegar.. im better today then before..today my BP drop @ 100/70..
  • I do also join marathon.. every month..
  • Di sa valero sir.May masarap na sisig sa rada tapat ng open parking

    -- edited by soulfly07 on Oct 23 2016, 11:39 AM
  • kumusta na mga ka highblood.

    kwento ko lang yung nangyari sakin. kung makikita nyo sa recent page meron akong post dito na parang nawawalan nako ng gana at pagasa sa buhay. last year tinamaan ako ng anxiety disorder kakaisip nitong hypertension ko. dinala ako sa isang psychiatrist kasi di na ako makatulog sa gabi parang mapapraning na ako. eto nadiscover ko. sa recent post makikita nyo na nagdiet ako, nagexercise ako, ok naman yung blood test ko, etc. pero mataas pa rin bp ko. ang nakakapataas pala ng bp ko nun ay yung anxiety ko, umaatake na pala yung anxiety. naalala ko nun kapag isinusuot ko na yung nilalagay sa braso para malaman yung bp ko sobrang nerbyos ko na noon kaya pala mataas yung bp ko. ngayon na ginagamot ko yung anxiety ko merong araw na wala ako nararamdaman na nerbyos kapag mag papa bp ako, normal yung bp ko kahit di ako uminom ng gamot kapag relax ako 110/70. tumataas yung bp ko kapag ninenerbyos ako. ngayon yung nerbyos ko ay on and off pa rin pero di na katulad ng dati kasi naiintindihan ko na kung pano mag work ang nerbyos kaya tinutuloy ko pa rin yung maintenance ko.

    sa mga highblood dyan na ginawa na ang lahat, nagdiet, umiiwas sa mga bawal na pagkain, ok naman ang blood test, nag exercise, eto po masasabi ko. baka po nerbyos lang yan kaya tumataas ang bp nyo. eto po ang goal ko matanggal yung nerbyos ko dahil sa nerbyos ko kaya tumataas ang bp ko.
  • sa mga highblood dyan na ginawa na ang lahat, nagdiet, umiiwas sa mga bawal na pagkain, ok naman ang blood test, nag exercise, eto po masasabi ko. baka po nerbyos lang yan kaya tumataas ang bp nyo. eto po ang goal ko matanggal yung nerbyos ko dahil sa nerbyos ko kaya tumataas ang bp ko.


    salamat sir dito. pansin ko din tuwing kukunan ako ng bp sa ospital ay mataas ang readings. pero kapag nasa bahay naman ay mas mababa. nakakakaba kasi kapag nasa ospital hahaha
  • sa mga highblood dyan na ginawa na ang lahat, nagdiet, umiiwas sa mga bawal na pagkain, ok naman ang blood test, nag exercise, eto po masasabi ko. baka po nerbyos lang yan kaya tumataas ang bp nyo. eto po ang goal ko matanggal yung nerbyos ko dahil sa nerbyos ko kaya tumataas ang bp ko.



    salamat sir dito. pansin ko din tuwing kukunan ako ng bp sa ospital ay mataas ang readings. pero kapag nasa bahay naman ay mas mababa. nakakakaba kasi kapag nasa ospital hahaha


    Parehong pareho ako dito, pag ako mag bp ng sarili normal pag sa clinic/hospital na taas na.
  • Anong recommended nyo na sphygmomanometer and stethoscope? For home use lang pero yung accurate sana.
  • Kahit ano naman yan huwag lang yung sobrang mura dati bumile ako tig 400 pesos lang. Ayun sandali lang. Huwag din yung me mercury masama daw sa kalusugan yun. I suggest yung sa wrist na lang para kahit ikaw lang mag isa ang mag monitor. I think around 1.5k to 2.5k pesos pwede na.

    -- edited by alanpaulb on May 11 2017, 10:48 PM
  • share ko lang ito dati kasi ang normal blood pressure is 100 plus your age. So ako ang systolic ko kung 52 years old ako dapat 152 ang systolic
    minus 10 kung female ka.
    <click here for link>
    <click here for link>

    -- edited by alanpaulb on May 11 2017, 10:46 PM
  • hi mga ka high blood
  • may anxiety rin ako kaya twing sumusumpong sumpong na rin ang taas ng bp ko
  • covered ng Maxicare Best Life program. got free boxes of Statins, pang lower ng BP and one other med, blood thinner ata.