Forum Topic

PC Options ba marami na negative feedback bakit? marami ng palpak

  • pc-otion sa shaw at gilmore mga palpak karamihang item,router ko na nabili sa shaw,defective,hdmi sa pc-otion sa gilmor defective,pati sa market2x yung dvdrom ko defective nawawalan na nga ako ng tiwala talaga dyan sa pc-option na yan kahit na kilalang store pa yan,pweeeee!!!!!!
  • magsasayang lang kau ng oras sa kapapabalik-balik para sa warranty nila kahit na lam nlang defective na binibenta pa yata mga item nila.
  • Wala naman akong masamang experience sa PC Options. Mahigit tatlong PC na dati ang nabuo ko na ang mga pyesa na galing sa kanila, minsan lang sinoli ko sa kanila kinabukasan isang videocard na maingay yung fan, pinalitan agad nila. Nakilala na rin nila ako kaya noon, bago ako pumunta eh tinatawag ko na sa kanila ang mga kailangan ko para pag dating doon handa na, usually gabi ako nagpupunta bago magsara para hindi sila masyadong stressed.
  • ayos ang PCO

    -- edited by james_peter7 on Sep 04 2009, 11:10 PM
  • since 2004 pako naging suki ng PCO pag wala silang stock tsaka lang ako lumulipat. dalawang beses na rin akong nagbalik ng produkto una PSU isang araw lang nasunog yata ayaw na gumana tapos amoy sunog. di na tinest kasi nga amoy sunog baka makadamay pa. hehehehe tapos VC hindi compatible sa client ko AGP8X kasi yung nabili ko 256mb 128bit hindi pala pwede 2x lang yung client ko namali ako ng tingin pinalitan din nila agad.
  • ^

    Ganyan din nangyari sa amin msi na mobo used na yung binigay. tsk tsk...
  • i disagree to all comments nila sa store i think hindi kasalanan ng store kung my palpak man sa mga product but still the manufacturer is in their fault eh malay ba nila kung my factory defect mga nare-release na item nila kaya nga my mga waranty mga yan ang tanong eh depende nalang sa store kung pano nila i-handle ang replacement ng waranty.. i think isa lang mga supplyer ng mga yan... business is business.. peace tayo mga bro!!
  • so far pcoptions ok. motherboard, hard disk and optical drives na palitan naman(w/ warranty)


    up natin
  • its simple...

    you cant just please everybody.
  • Tumawag ako sa pcoptions para mag inquire kung pwede pa ipadistro warranty sa kanila ung mobo na binili ko last oct 2011 tapos magbabayad nalang ako if ever na may fee para dun. hindi daw nila sure kung pwede pa ipadistro yun tapos tinanong ko kung sinong distributor nila hindi daw nila alam ??? ?_?
  • Eto ang story.

    I have a Radeon HD 5670 DDR3 that brokedown due to corrosion. Under warranty pa sya. So napalitan after a month PERO, ang ipinalit HD 6570 DDR3. OK lang. Tinest namin sa PC, ok naman sa desktop. So I went home and tested it sa 3d apps. Puro artifacts kahit anong driver ang gamitin. Tumawag ako sakanila para mainform sila na although napalitan nga, sira parin ang pinalit. Eto ang conversation:

    Staff: Sir sorry pero pinilit na lang namin sila na mapalitan yan dahil hindi kasama sa warranty pag corroded. Void po iyan.

    Ako: Kung void bakit parin nila pinalitan? Saka hindi naman ako ang may control kung magkaka rust ang material. Hindi ba sakanila yun dahil substandard ang material na gamit nila?

    Staff: Sir ilipat ko na lang kayo sa officer.

    Officer: Sir diba tinest naman dito yan?

    Ako: Yes mam. Gumana sa desktop. Kaso sa 3D hindi. Sira po ito.

    Officer: Ay hindi sir, since gumana sa desktop, OK PO YAN. (WTF?)

    Ako: Hindi po, dapat palitan to kasi hindi sya gumagana dun sa intended kong gawin. (Gaming, dito po medyo high pitched na ko ng kaunti lang...). Pwede po palitan na lang ng the same. Mabagal na nga itong pinalit nyo eh pumayag na nga ko eh, bakit sira parin?

    Officer: Sir kung papalitan yan, baka ibalik sa inyo yung luma nyong card (Black out, no display). Saka gumana naman sa desktop eh. Hindi nyo naman sinabi na pang gaming nyo gagamitin.

    Ako: (PU*******?) Hindi po ba automatic yun na kapag bumili ng video card eh dahil sa gaming yun? (High pitched ako dahil sa sagot sakin. Kung hindi ako gagamit ng games hindi ako bibili dahil may onboard ako)

    Officer: Para matapos na tong usapan pakidala na lang po dito pero hindi po masisigurado na papalitan pa nila yan.

    Ako: Pero pinalitan nga diba bakit sira parin yung pinalit yun ang punto ko! Sige sa sabado na lang miss, ang labo mo pong kausap.


    WTF?

    PC Options po ito sa Shaw Mandaluyong, Pavilion. 7 Years customer here, first time itong mangyari sakin. Sobraaaaaaang nakaka inis.
  • hmmm gumana ung GPU mo at may display... pero pag nsa 3d na ayaw?

    na try mo na ba mag reformat at reinstall ng driver???

    minsan nakukuha pa un doon

    -- edited by Niguhu on Jul 09 2013, 04:16 PM
  • 2012 pa pla di ko napansin hahaha!
  • niguhu

    natawa ako sa comment. buti napansin mo ung daTe. hehe
  • Sa PCO Gilmore ko binili ang netbook ko noong 2011. They weren\'t slow--it was ME who was slow in choosing between two flavors of the Acer Aspire One. The salesman (I forgot his name) was snappy to respond to my answers. Pag magagawi ulit ako ng Gilmore, maybe I\'ll return to their store again.
  • ayaw itest ang brandnew videocard na dapat ay bibilhin ko sakanila...

    sunday daw kasi. lumipat nalang ako sa ibang store.
  • ako badtrip dito kakbili ko lang ng MSI ge60 ONC dalawang nit na binigay nila sakin sira bukas babalik ako ipapa outright ko uli kasi sira naman ung LAN ung una sira USB 3.0 nakakainis na sa bulacan pako nanggagaling hayz
  • so far wala pa naman ako na-encounter na prob sa lahat ng binili ko na items sa PCO.

    para saken ito ung dabest na tindahan, in gilmore area kasi mas mura compare PCX...although mejo mabagal ka lng ang PCO.
  • same here. wala naman ako na encounter na problem sa PCO.
    bumili ako sakanila this month lang ng monitor. unang item may crack yung bezel(dapat hindi ko na check/test pero buti nalang ginawa ko) pero pinalitan naman nila agad.
    baka sa PCO na din ako bumili ng ibang PC parts ko. mura kasi compare sa ibang shop tapos may gandang-babae pa sa cashier lol
  • ^saan shop yan?

    bad experience ko sa kanila is hindi nila masyado ineentertain ung mga mulhang gusgusin at mukhang bata pa :D

    last june nasa PCO Gilmore ako tagal ko nakatayo sa harap ng gusto kong monitor nung tinawag ko yung BABAE para masarap kausap ayun binili ko ung Philips 20\' led mon ahaha ayun ayos pa naman

    sa pco shaw naman bibili ako ng enclosure katulad sa gilmore branch di nila ako inentertain kasi estudyanteng mukhang gusgusin (kasi tanghali nun) kung hindi pa ako nagtanung kung may stock di pa ako kakausapin lol so far so good naman

    ang gusto ko sa kanila ay MURA at MALAPIT
    ang ayaw ko ay ung UGALI nila :D

    pero planning to buy ako ng mobo sa shaw any thoughts?
  • nung nagsisimula pa lang ako sa computer nung college dito ako bumibili ng parts, before all other shops sprung up... ok naman siguro dahil sa maliit ung shop pero madami ang sales, so ung after sales (warranty, replacement, service/repair) ang nagsusuffer. pero sakin overall wala naman kaibahan sa pcx imho
  • lahat naman ng tindahan di maiiwasan yan negative feedback. Malas lang siguro yun ibang tao.

    Sa asus nga bwisit na bwisit ako sa brand na yan kaya di na ko bibili ng asus. Ganyan na lang din gawin niyo.

    Cdrking nga alam ko madami kayong reklamo pero binabalik balikan niyo pa rin.

    Mabait naman yun nasa shaw nagkamali ako ng napili e naopen at natest na yun sealed item pinapalitan ko ng iba. Di naman nagalit.

    Yun sa gilmore naman, kaya pala mura yun laptop kasi yun nakadisplay haha pero ok lang it\'s a great bargain. Matagal na sakin to ok pa rin.
  • meron akong binili sa pc option kingston memory 2gb ddr3 1333, expire na ung warranty sa kanila, may sticker na ADL tapos may nakasulat na pentel pen na TSI...nag punta ako sa kanila para malaman kung ano ang procedure sa pag RMA sa ADL...ung tisoy na lalake dun agad agad ang sabi \"sa abroad na yan dadalhin\" hahahaha di man lang naging specific kung saang abroad ko dadalhin ang sira kong memory....ibang klase talaga staff ng pc option, di bale antayin ko na lang masira mga binili ko sa kanila....hehehehe...
  • Tumawag ako sa pcoptions para mag inquire kung pwede pa ipadistro warranty sa kanila ung mobo na binili ko last oct 2011 tapos magbabayad nalang ako if ever na may fee para dun. hindi daw nila sure kung pwede pa ipadistro yun tapos tinanong ko kung sinong distributor nila hindi daw nila alam ??? ?_?


    yun nga ung pinag tataka ko...ako alam ko naman na expired na ang warranty nila sa memory card ko at ako naman ang mag lalakad...ang kailangan ko lang malaman...saan supplier or distributor ko dadalhin ang ipapa rma ko...simple lang di ba? bakit kailangan pa nilang pahirapan ung mga tao na sa kanila rin dating bumili? kaya ang impression ko di sila ganun ka supportive sa item na expire ang warranty...buti pa pc trend...wala nang warranty sa rsun(dahil nag sara na hahaha) pero nung dinala ko sa pc trend check lang ung pct sticker walang tanong tanong palit kaagad... hehehe...

    -- edited by katropa on Sep 06 2013, 05:57 PM
  • hindi brandnew benta nila especially sa mga peripherals
  • kanina na pad pad ng gilmore para bumili ng \'bagong board\', dumerecho kagad kay pc options. naka hanap ng board na msi w8 1155.

    ganda ng box bagong bago, pag check ko sa board mukang malinis pero ng suriin ng maige madaming pawis marks sa may usb ports. pag baligtad ng board laking gulat ko
    ang distro sticker ay dalawang magkapatong galing sa netEssentials 2014/8 ata.

    ng papakuha ako ng bagong ibang stock ayaw nila, yun nalang daw ang last board..

    umalis nalang ako.

    muntik na ako makabili ng luma at maaring rma\'ed board.

    nakaka dala.
  • ang distro sticker ay dalawang magkapatong galing sa netEssentials 2014/8 ata.
    RMA\'ed nga... nasa likod lang yang Net essentials kasi... tas last board? pano kung masira... tama nga yung iba dito... medyo tamad sila mag entertain... siguro dail na rin yan sa madaming windows shoppers... kukunin lang price nila at ilaban sa Gaisano... wala silang laban dun.
  • nilabas ko na nga tig 50 pesos bills ko, na binayad ng ka deal ko kahapon. hehehe 2k sana na tig 50. kaya siguro tinamad mag labas ng ibang board na same model.

    ng duda talaga ako sa pawis marks sa usb ports...

    mabuti pa sa ibang shop sina sabi ko \'clearance sale\' aka mga bufffer stocks na dini-disposed..
  • bukas ba ito ngayon?