Scammer to. Nakuhaan ako ng 4.1k last month. Yung mismong 3DS XL na binebenta rin nya ngayon yung binibili ko sana dati. Ngayon mas malaking halaga nya binebenta (para di ganong halata na peke).

Hanapin nyo na lang sa Google yung pangalan nya: Joshua Jecino Espanola, at makikita nyo mga reklamo sa kanya. Sa OLX lang sya nagpopost ng ad dati, kaso lumipat dito nung parati tinatanggal ads nya.

Ingat kayo dito. Magpapaasang ipapadala yung items pero pag na confirm na nya na dumating na yung pera sa kanya, di na magrereply sa mga text mo. Yung meet-up place na yan sa ads nya malamang kunwari lang yan (para magmukhang legit). Baka nga papuntahin ka pa dun tapos di ka talaga kikitain. Sa mga money transfer lang to gaganahan makipag usap sa yo. Kukulitin ka pa para mapadala agad yung pera.

Parati to nagpapalit ng number sa bawat bagong account na ginagawa nya.